part 4

0 0 0
                                    

    bakit ganito?

Napapatunganga nalang kami ni stephen sa mga nadaraanan naming malalaki at nagtataasang gusali. Andaming tao, sasakyan, bastaa!! di ko maipaliwanag. Di ko talaga ma imagine na ganito pala kaganda ang syudad.

napapa wow kaming pareho ni bespren sa tuwing may madaraanan kaming maganda at malaking building na Hotel daw ang tawag sabi ni Edgar. May mga umaagos na tubig kasi sa dingding ng gusali e, heeeeee.. nakaka excite talaga!! [^^,]

"tayo na. dito na tayo." Sabi ni Edgar nang huminto ang jeep sa paradahan.

Agad naman kaming bumaba doon.

"Ingatan ninyong mabuti iyang mga dala ninyo. at higpitan nyo ang pagkakahawak sa mga iyan dahil di nyo namamalayan, natangay na pala. klaro ba?" si Edgar.

"ha? bakit naman nila kukunin e di naman sa kanila? di ba masama iyon?" tanong ko naman.

"oo nga masama iyon. Pero dito sa Maynila, madaming masasamang tao. Kaya mag iingat kayo. Ok?"

tumango kami sa sinabi nya.

inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napaka dumi , napaka ingay, napaka usok, napaka!! Bakit ganito?? @_@

"ang bayong ko!! insan ang bayong ko.... nawawala!!!" sandali pay palahaw ni bespren. nilingon ko ang dala n'ya. Nawawala na nga iyong bayong.

"sabi ko na nga ba e! ninakaw na ang dala mo. Di mo kasi tinitingnang mabuti e. Halah, pano na. yan?? ano bang laman nong bayong mo??" napapakamot ulong litanya ni pareng Edgar. agad ko namang niyakap ang dala kong bayong at baka ito na naman ang mawala, mahirap na nandito pa naman yong mga pera at papeles ko.

"huhu. yong pera at mga damit ko, nandon. pano na ako ngayon?"mangiyak ngiyak na sabi ni bespren.

"o siya, wag mo nang iyakan iyan. wala na eh, di na maibabalik pa iyon."

"ewww, why do they look like barbarians??" sabi nong kakaraan lang na babae na napaka kulay at ganda ng suot.

*u*

hakbang kunti.

kunti pa..

saka tiningnan ng mabuti ang mga babae, head to foot.

*_* heeeeee...

"what the f*ck are u doing??"

"magandang araw sa inyo mga binibini. ako nga pala si Angelo." bati ko saka lahad ng kamay.

nihead to foot rin nila ako.

"hm. . why do you wear ewwwy outfit ba? you look like a model pa naman." sabi nong isang babae na napipilitang tanggapin ang pagkamay ko.

"Si pareng Edgar nga pala at si Bespren Stephen."

"agh. whatever. we're not interested. we gotta go. vye."

"Bespren! hoy, pocha, ang gaganda nila ano? ngayon palang parang excited na akooo!"

"Hoy!! ano ka ba? parang di ka nawalan ng gamit ah?" sabi ni edgar matapos batukan si bespren.

"arrray naman insan. ano ka ba, lalaki lang ako." utas naman ni bespren habang hinihimas ang ulong nabatukan.

"ano nga palang ibig sabihin ng ewwwy, pareng edgar?" ako.

"Yan ang tawag sa mga badoy na gaya nyo!! di pwede ang badoy dito kaya tara sa divisoria!!" ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One and only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon