Ryan Guzman as:
ANDREW JADEN MEDIAVILLO
and
Tanya Van Graan as:
MARIA AALIYAH PINEDA
.
.
.
.
.
CHAPTER 2
"Aaliyah's Point Of View (POV)"
Hindi ko inaasahan na gagawin ko ang isang bagay na kahit kailan hindi man lang pumasok sa kukote ko at kung hindi lang 'to para sa operasyon ng minamahal kong Ama ay hinding-hindi ko gagawin ang bagay na 'yun para lang kumita ng malaking pera sa mali at madaling paraan. Kahit labag na labag ito sa aking kalooban at kagustuhan ay wala na akong magagawa pang ibang paraan bukod dito sa naisip ng matalik kong kaibigan na si Danica dahil may kaibigan siyang isang bayarang babae o nagbebenta ng sariling katawan sa mga kalalakihan na ipinakilala naman niya sa akin na si Olivia. Siguro kahit magtrabaho ako ng habang buhay ay hindi ko kikitain sa isang iglap lang ang perang ipangbabayad ko sa mga bayarin sa ospital at pambili na rin sa mga iniresetang gamot ng mga doktor kay Papa.
Aksidenteng tinamaan ng baril si Papa sa kanyang dibdib na malapit naman sa kaliwang bahagi ng kanyang puso dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang amo na si Sebastian Lorenzo Mediavillo at sa naging kalaban nito sa negosyo. Imbes na ang amo niya ang babarilin ng nakalaban nito ay bigla namang humarang si Papa sa katawan ni Mediavillo. Kaya naman kailangan na kailangan kong gawin ang trabaho ko para hindi bawiin ang perang ibinayad sa akin ng taong nakausap at nakasundo naman ni Olivia.
"Miss?" Narinig kong tawag sa akin ng lalakeng mag-aangkin sa aking buong pagkatao at hindi ko man lang siya kilala kahit sa pangalan lamang. Tanging ang kanyang mukha lamang ang alam ko at wala na akong balak para kilalanin pa siya dahil masasayang lang ang oras ko kapag ginawa ko pa 'yun.
Hindi na ako kumibo habang nagpapalakas pa ako ng loob para makalapit ulit sa kanya. Hinding-hindi ko ring makakalimutan ang nangyari kanina na may isang bagay na bahagyang tinusok-tusok ako sa aking tiyan n'ong bigla na lang niya akong hinalikan habang nakapatong pa naman ako sa kanya. Alam kong nakakahiya ang ginagawa ko lalong-lalo na kapag nalaman ito ng mga taong nakakakilala sa akin.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanyang kinatatayuan para muling akitin siya at para na ring matapos ko na ang trabahong 'to. Kailangan ko na kasing umuwi kaagad ng Legazpi City, Albay (BICOL REGION) para maasikaso ko na ang mga dapat kong asikasuhin at nalalapit na rin ang operasyon ni Papa kaya pagkatapos ko dito, magbibiyahe na agad ako pauwi sa amin.
Napahinto ako sa paglalakad nang biglang makarinig kaming dalawa ng mga lalakeng nag-uusap yata sa labas ng bahay ng lalakeng 'to pero hindi ko namang naiintindihan ang mga sinasabi nila at kasabay naman n'on ay bigla siyang lumapit sa akin. Mabilis niyang tinakpan ang aking bibig gamit ang kanyang kaliwang kamay, habang ang isa naman ay nakayakap sa aking baywang. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas talaga siya kaysa sa akin.
"Shhh. 'Wag kang maingay kasi maririnig tayo ng mga kaibigan ko. Maririnig nila tayo na walang ginagawa...a-at 'w-wag k-kang...MAGALAW!" Narinig kong bulong niya sa aking kaliwang tainga pero parang nag-iba ang tono at medyo may diin din ang pagkakasabi niya sa kanyang huling sinabi.
BINABASA MO ANG
BE YOUR EVERYTHING
General FictionNang dahil sa isang aksidente na nangyari kay Papa ay kailangan kong kumita ng malaking halaga para sa kanyang nalalapit na operasyon. Ang sabi kasi ng mga doktor na tumitingin at nag-oobserba sa kanya ay kailangan na daw, lalong-lalo na sa madaling...