CHAPTER 4

2.1K 73 5
                                    

Ryan Guzman as:

ANDREW JADEN MEDIAVILLO

and

Tanya Van Graan as:

MARIA AALIYAH PINEDA

.

.

.

.

.

CHAPTER 4

"Jaden's Point Of View (POV)"

Mahigit dalawang oras na akong naghihintay dito sa waiting area habang nakaupo lamang sa couch at bahagyang napapaisip na lang ako kung sino ba talaga ang Aurora na palagi niyang tinutukoy simula nang magising siya kanina sa pamamagitan ng paulit-ulit kong paghalik sa kanyang mga labi. Hindi rin mawala-wala sa buong sistema ko ang kanyang napakaamo at napakagandang mukha habang pinagmamasdan ko siyang mahimbing na natutulog magmula sa kotse hanggang sa makarating na lang kami dito sa hotel na pinagdalhan ko sa kanya para naman makatulog siya ng maayos at matiwasay.

Nalaman ko na lang mula sa kaibigan niyang si Danica ang totoong dahilan kung bakit tinanggap at ginagawa ni Aaliyah ang trabahong iyon para pala sa nalalapit na operasyon ng kanyang Papa na nasa ospital hanggang ngayon at malubha ang kalagayan dahil sa nabaril ito ng dalawang beses mula sa pagliligtas sa buhay ng napakahalagang tao sa buong buhay ko na aking Daddy na si Sebastian Lorenzo Mediavillo o mas kilala sa initial na "SLM".

Nalaman ko rin ang totoong pangalan niya ay "Maria Aaliyah Pineda". Kaya naman pala, medyo pamilyar sa akin ang kanyang apelyido at higit sa lahat, ang kanyang magandang mukha dahil siya lang naman ang panganay na anak ni Tatay Manuel na palagi nitong ikinukwento sa akin sa tuwing may okasyon sa aming mansyon, lalong-lalo na kapag ayokong makipagsalamuha sa ibang tao. Tanging si Tatay Manuel lamang ang taong matyagang nakikipag-usap at nakikipagkwentuhan sa akin ng matagal, bukod na lang siguro kina Daddy at Mommy kapag nasa mansyon lang ako.

"Sir?"

Kunot-noong napatingin ako sa taong tumawag sa akin at nakita kong isa pala iyon sa dalawang saleslady na si Jane. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin lamang ako sa kanya na may ngiti sa kanyang mga labi na para bang nagpapansin at nagpapa-cute sa akin.

"Kasi po, tapos na po naming ayusan si Ate Pam."

Umayos ako ng upo bago ulit nagsalita. "Eh, nasa'n na siya?"

"Sandali lang po, Sir. Tatawagin ko lang po, nahihiya kasi siya sa inyo." Pagkasabi niyang iyon ay nagmamadaling umalis na siya papunta sa kung nasaan ang babaeng nag-ngangalang "Aaliyah".

"TAONG TARSIER NA HINDI KILALA SI AURORA!" Nakangiting sabay na sigaw nina Belle at Jane habang nasa likuran lang nila ang babaeng hinihintay ko at dahan-dahan silang umalis mula sa pagkakatakip nila dito.

Bahagyang nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko na siya nang tuluyan habang nakasimangot na nakatayo lamang sa gitna ng dalawang saleslady at talagang napakaganda niya sa kanyang suot na kulay-asul na bestida na hanggang sa kanyang mga tuhod lamang ang haba nito.

"Sir, baka po matunaw n'yan si Ate Pam." Napapangiting sabi ni Jane habang nakatayo lamang sa kaliwang gilid ng taong tinawag niyang Ate Pam at nasa kanang gilid din si Belle.

Napakurap na lang ako at wala sa sariling tumayo. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya habang titig na titig ako sa kanyang mukha na kahit nakasimangot ay napakaganda pa rin sa aking paningin.

BE YOUR EVERYTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon