CHAPTER 5

2.1K 74 11
                                    

Ryan Guzman as:

ANDREW JADEN MEDIAVILLO

and

Tanya Van Graan as:

MARIA AALIYAH PINEDA

.

.

.

.

.

CHAPTER 5

"Aaliyah's Point Of View (POV)"

Walang ibang pumapasok sa isip ko nang mga sandaling iyon, kundi ang makita lamang ng dalawa kong mata na nasa mabuti na talagang kalagayan si Papa at gustong-gusto ko na ring makasama at mayakap ang mga kapatid ko na siyang pinagkukuhanan ko naman ng lakas at tapang sa mga panahon na kahit maging ako ay sumuko na sa mga naging laban man o pagsubok na dumarating sa buhay namin.

Tanging si Papa na lang ang meron kami ng dalawa ko pang nakakabatang kapatid dahil maagang nawala si Mama sa amin. Namatay siya sa sakit na breast cancer nang mga panahong nasa high school pa lamang ako at hindi ko namang natanggap kaagad ang biglaang pagkawala niya sa amin nang dahil lang sa pesteng sakit na 'yan.

Ayoko na sanang maranasan pa ang nangyari kay Mama nang hindi man lang namin siya naipagamot noon nang dahil sa kakulangan sa pera at kahit si Papa man lang ang maipagamot ko ay gagawin ko na ang lahat ng paraan na naiisip ko man o hindi, para 'wag lang muling maulit ang nangyari noon kay Mama na pwede ring mangyari kay Papa sa kasalukuyan. Nang sabihin sa akin ni Jaden ang lahat ng napag-usapan nilang dalawa ni Doc. Fernandez tungkol sa kalagayan ni Papa ay mas lalong nagpaiyak naman sa akin dahil sa sayang nararamdaman ko.

"Matulog ka na muna, Baby." Narinig kong sabi ni Jaden na nagpabuntong-hininga naman sa akin at umiling na lang ako ng bahagya habang nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana.

Lumipas ang ilang oras nang tumigil na lang kami sa isang gasoline station. Kaya naman, nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya nang dali-dali siyang bumaba ng sasakyan para magpakarga ng gasolina at bahagyang napakunot naman ang noo ko nang mapansin kong pumasok siya sa isang pribadong convenience store sa di-kalayuan. Nagdadalawang isip pa sana ako kung susunod ba ako sa kanya o hindi na, pero namalayan ko na lang na nasa loob na rin ako ng convenience store habang hinahanap siya.

Nanlalaki ang mga mata ko nang may sumalubong sa akin na batang lalake na nakangiting nakatingin din sa akin habang may hawak-hawak na laruang Captain America sa kanyang kaliwang kamay, habang sa kabilang kamay naman ay may hawak-hawak siyang papel na iniaabot niya sa akin.

"Ate Ganda, sa'yo na lang po 'tong drawing ko." Nakangiti pa ring sabi niya, sabay bigay sa akin ng papel kahit hindi ko namang kinukuha mula sa kanya.

Tatanungin ko na sana ang bata nang bigla naman siyang tumakbo papalayo mula sa kinatatayuan ko. Nagtatakang tiningnan ko na lang kung ano ang naka-drawing sa papel gaya ng sabi nito at agad namang napakunot ang aking noo nang makita ko ang drawing.

Isa iyong simpleng bahay-kubo lamang na napapalibutan ng mga bulaklak, mga puno at may mga hayop din tulad ng mga ibon, aso, pusa, kalabaw, baka, at may mga sisiw rin na may kasama pang inahing manok.

Bahagyang napangiti ako sa nakitang drawing pero agad ring nawala ang ngiting iyon nang hindi sinasadyang napabaliktad ko ang pagkakahawak ko sa papel at napansin ko na lang na para bang may kakaiba mula sa drawing. Na para bang may mukha ng isang magandang babae, pero ang ipinagtataka ko lang naman ay may konting hawig sa akin ang babaeng nasa drawing habang nakataas ang kaliwang kilay at medyo nakangiti ng pilit.

BE YOUR EVERYTHINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon