Ryan Guzman as:
ANDREW JADEN MEDIAVILLO
and
Tanya Van Graan as:
MARIA AALIYAH PINEDA
.
.
.
.
.
CHAPTER 6
"Jaden's Point Of View (POV)"
"Ate, sino siya at ang batang kasama mo?" Narinig kong may pagtatakang tanong kay Aaliyah ng kanyang kapatid na si Arianne nang dumating kami sa kanilang bahay kani-kanina lamang.
Mag-a-alas-dos na ng hapon nang makarating kami dito sa kanila dahil na rin siguro iyon sa pangungulit ni Kurt kay Franco na gusto nitong sumama sa amin pauwi ng Legazpi City, Albay (BICOL REGION) at hindi na din ito bumitaw pa o humiwalay man lang sa kanyang Ate Ganda. Wala na ring nagawa si Franco nang umatungal na ng iyak at naglulumpasay pa sa sahig ng kanilang bahay ang kanyang anak nang hindi siya pumayag sa kagustuhan nito.
"S-Sina J-Jaden at Kurt. Si Kurt, 'yung bata a-at s-si-" Naputol na lang bigla ang sasabihin sanang sagot ni Aaliyah nang bigla namang bumukas ang pintuan ng kanilang bahay nang dahil sa pagdating ng isang lalake na sa palagay ko naman ay hindi nalalayo ang edad nito sa akin.
"Aaliyah." Narinig kong tawag ng lalake sa kanya na para bang masyado itong nag-aalala, base na rin iyon sa paraan kung paano nito bigkasin ang pangalang "Aaliyah".
"G-George?"
Hindi ko maintindihan o kahit na maipaliwanag para sa sarili ko kung bakit ba interesadong-interesado akong malaman kung ano at sino ba talaga ang lalakeng nag-ngangalang "George" sa buhay ni Aaliyah. Bahagyang nagulat na lang ako nang biglang may humila sa laylayan ng T-shirt ko habang nakasilip lamang ako sa butas ng dingding dito sa kanilang kusina para malaman ko kung ano na ang nangyayari sa kanila habang nasa sala silang lahat.
"Uncle Jaden, bad po ang ginagawa mo. Nakikinig ka po sa usapan ng may usapan. Bad po daw 'yun, sabi sa akin ni Daddy."
Nagtatakang napatingin na lang ako kay Kurt nang dahil lamang sa sinabi niya habang patuloy pa rin siya sa paghila sa akin habang nakasimangot at kunot na kunot ang kanyang noo, pati na rin ang kanyang mga kilay na halos magkadikit na dahil sa matinding pagkakakunot ng mga iyon. Lihim akong napalunok at napangiti nang mas lalo lamang itong sumimangot habang masama pa rin ang pagkakatingin nito sa akin.
"Kurt, ano'ng nangyari sa'yo?" Natatawang tanong ko sa kanya na ikinakibit-balikat lamang niya bilang sagot sa akin.
Agad kong hinubad ang T-shirt ko para gawing pang-punas sa kanyang napakadungis na mukha nang dahil lamang sa kinakain niyang French fries na may cheese powder bilang flavor nito at chocolate ice cream na ipinabili naman niya sa akin kani-kanina lang.
"Ang dungis-dungis mo na." Nakangiting sabi ko habang dahan-dahan kong pinupunasan ang kanyang magkabilang-pisngi na may bahid ng cheese at ng chocolate.
"Uncle Jaden, bakit ka po nakikinig sa usapan nila Ate Ganda at ni Ate Anne." Ang tinutukoy niya ay ang magkapatid na sina Aaliyah at Arianne.
Saglit akong natigilan sa pagpupunas sa kanya at bahagyang napabuntong-hininga na lang ako habang unti-unting nawawala ang ngiti sa aking mga labi. "Wala lang. Curious lang ako. Eh, ba't ikaw? Bakit tinatanong mo 'ko kung bakit ako nakikinig sa usapan nila?"
BINABASA MO ANG
BE YOUR EVERYTHING
General FictionNang dahil sa isang aksidente na nangyari kay Papa ay kailangan kong kumita ng malaking halaga para sa kanyang nalalapit na operasyon. Ang sabi kasi ng mga doktor na tumitingin at nag-oobserba sa kanya ay kailangan na daw, lalong-lalo na sa madaling...