1│EUNOIA

29 0 0
                                    

Contest: From Pen to Paper: The Writers' Confessions

Title: Eunoia

Genre: Realistic Fiction

"Class, I want you to write a short summarization of your personal life story. That will serve as your assignment."

Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi ng aking guro noong ako'y nasa ikalimang baitang pa lamang sa elementarya. Binigyan niya kami ng isang takdang-aralin noon. Hindi ko inakala na dahil sa isang buod ng aking sariling kwento ay matutuklasan ko ang aking talento.

Isa ako sa mga karaniwang kabataan noon na walang inatupag kundi ang makapaglaro sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan ko na aming kapitbahay lamang. 'Yun naman talaga ang dapat 'di ba? That you should enjoy your childhood memories because it's one of the many highlights of your life that you would cherish forever.

Pero simula nang tumuntong ako ng ikalimang baitang sa aking pag-aaral sa elementarya, tuluyan ko ng natuklasan ang hilig at gusto ko na itinuturing ko na isa sa mga biyayang ipinagkaloob sa akin ng Panginoon, at ito ay ang talento ko sa pagsusulat.

Hanggang ngayon nga na ako'y nasa highschool na ay mas hinahasa ko pa ang aking talento dahil alam ko na hindi lang ito basta bastang kakayahan na binigay sa akin. Ito'y kakayahan na masaya kong ginagawa sa kasalukuyan at mas gusto ko itong malinang pa. 'Di ba hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng isang kakayahan? At hindi rin lahat ng tao na may talento ay ginagamit ang binigay ng Diyos sa kanila.

But in my case, I want to nourish my talent because I know that someday, using my own works, I can be an author.

"Renz, matulog ka na. It's already 2:30 in the morning," sabi ni nanay nang buksan niya ang pintuan ng aking kwarto at makita akong nasa harap pa ng aking laptop.

"Nanay Pery, mamaya na. I'll go to sleep when I'm done with this." sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang eyeglasses ko ng saglit at nagpatuloy kaagad sa pagtipa ng keyboard para matapos na ang set deadline ko para sa sarili kong manuscript.

"Anak, even if it's summer, kailangan pa rin ng tamang tulog at pahinga para sa sarili. Pwede mo naman 'yan ipagpatuloy mamaya. Give yourself some rest, my baby boy." Nilingon ko na si mommy. Nakasandal siya sa pintuan habang nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"I'm not baby boy anymore, nanay Pery. And one thing, I still need to pass this later so I need to finish this manuscript as soon as possible."

"Nako Renz, even if you like it or you like it, tatawagin pa rin kitang baby boy. Tska nga pala anak, bakit ba kailangan mamaya talaga 'yan ipapasa? Did you sign some contract to any publishing company?" Kahit busy ako sa pag-type, nakikita ko pa rin sa gilid ng aking mga mata na lumalapit siyang nakangiti. At nang guluhin niya ang buhok ko habang nasa likod siya, napangiti na rin lamang ako.

"Wala po akong pinirmahang kontrata, pero alam mo naman nanay 'di ba? I want to try. Gusto ko rin ma-experience kung ano ang feeling na magpasa ng isang nobela sa isang publishing company."

"Ready ka ba kung ano man ang desisyon ng mga editors sa kumpanya na pagpapasahan mo ng nobelang gawa mo?"

"Yes, I am. It's one of the reasons why I want to try it." tinignan ko si mommy sa aking likod. "In life, it's either you fail or succeed in everything you choose. But in every decision, makes moral lesson." Sabi ko na nakangiti kay nanay.

"Even if it's a failure or success, you can still get some lesson out of it," dagdag ko pa.

"Alam mo Renz? I really like your attitude. You have courage and confidence in everything you do. Sige anak, pagkatapos mo gawin 'yan, matulog ka na ha? Pero kapag inaantok ka na, matulog ka." sabi ni nanay kaya tumango na lamang ako at tuluyan na siyang lumabas ng aking kwarto.

Mensaheng Hindi MabigkasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon