6│BEFORE THE AFTERMATH

13 0 0
                                    

Contest: #WLDARKCHRISTMAS

Title: Before the Aftermath

Genre: Mystery/Thriller

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng simbahan nang magsiupo ang mga tao. Naghihintay sila sa sasabihin ng pari sa harapan dahil katatapos niya lang basahin ang ebanghelyo.

"Alam mo Aurora, hindi pa rin talaga ako makapinawala sa mga kinikilos mo. Biruin mo, ngayon mo lang naisipan magsimbang gabi? Anong nakain mo at bigla mong naisipan na dumalo sa ganitong selebrasyon sa simbahan?" pabulong na tanong ng aking katabi na si Rea.

Siya iyong pinakamatalik kong kaibigan na lagi kong kaagapay sa lahat ng kalungkutan at kasiyahan. Hindi naman talaga ako ganito. Kaya hindi nga nakakapagtaka na may magtataka sa pagdalo ko sa simbang gabi ngayong taon. Nang tignan ko naman siya, diretso ang titig niya sa harapan.

"Bawal bang magbago? Bawal ba na bumalik ang loob sa Diyos? Desisyon ko ang sumali sa ganitong klaseng okasyon."

"Maniniwala na ba ako sa 'yo? Kilala kita Aurora," Matapos niya iyong sabihin ay binalingan niya ako ng atensiyon. "Alam kong hindi mo gagawin ang isang bagay na walang dahilan. Aminin mo nga sa akin, may hinihiling ka ano?" tanong niya pa habang nakataas at baba ang kanyang dalawang kilay.

"Ewan ko sa 'yo." tumingin na lang ulit ako sa harapan. Aaminin kong kilala nga ako ni Rea. May mga hinihiling ako kaya ako dumalo sa simbang gabi. Iyon kasi ang sabi ng karamihan at ng mga matatanda, na kapag nakumpleto mo ang siyam na araw ng nobena, didinggin daw ng Panginoon ang mga hiling mo.

Tingin ko wala namang masama kung susubukan ko 'di ba? Kaya heto ako ngayon sa ika-9 na araw ng simbang gabi.

Ilang minuto pa ang lumipas ng sa wakas ay nagkalawat na. Nagsitayuan na ang mga tao sa iba't ibang parte ng simbahan.

"Hoy Aurora, hindi ka ba mangangalawat?" tanong ni Rea nang makatayo na siya at akmang aalis na upang pumila.

"Hindi na. Ikaw nalang." maikling kong sagot. Pumila nga siya ngunit sa pagkakataong ito, nasa may likod na siya na medyo malayo pa sa nagbibigay ng hostiya.

Nang nainip na ako sa kakatitig kay Rea, tinignan ko naman ang harapan ng simbahan. Puno ito ng mga magagandang bulaklak na nakapaligid sa bawat rebulto.

Ngunit may nahagip akong isang nakakaagaw ng atensiyon. May nakapaskil na kataga sa kanang bahagi ng simbahan. Mayroon itong mga disenyo sa paligid at pinakatay ang pagsasulat nito gamit ang pulang tinta.

Trust me in your times of trouble and I will rescue you and you will give me Glory. - Psalm 50:15

Iyon ang nakalagay nang basahin ko ito sa aking isipan. Tama ba talaga yung nakalagay? Totoo nga ba na kapag nanalig ka sa kanya, sasagipin ka niya sa lahat ng mga problema na kinakaharap mo? Para kasi sa akin, hindi ito kapanipaniwala.

Matapos kong tignan ng maigi ang nakalagay doon sa pisara ng simbahan, itinuon ko nalang sa iba ang atensiyon ko. Nang pumasok sa isip ko ang papel na sinulatan ko ng mga hiling ko, nagkaroon ako ng ideya na tignan ito. Dahil doon, napagdesisyunan kong kuhain ito sa bulsa ng aking itim na bestida.

Aurora's Dream:

1. Makumpleto ang simbang gabi.

2. Magkaroon ako ng trabaho para naman may silbi ako.

3. Maging maganda ang bawat araw. Sawa na ako sa kadramahan.

4. Magkaroon ng pera mula sa dugo't pawis ko. Para hindi na ako manghingi ng pera.

Mensaheng Hindi MabigkasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon