5│SAKIM SA KAYAMANAN

15 1 0
                                    

Contest: #SSSKwentoNgPagbabago

Title: Sakim sa Kayamanan

Noong bata pa lamang ako, hindi alintana ang init ng araw kapag ako'y naglalaro sa aming probinsiya. Ang malawak na hardin ang nagtutulak sa akin na maglaro hanggang sa mapagod. Natatandaan ko na kapag ako'y napagod sa paglalaro kasama ang aking mga pinsan, nagpapahinga kami sa aming bahay-bahayan na gawa sa kahoy sa itaas ng malaking puno. Sa aming pag-akyat sa hagdan na gawa lamang sa kawayan, makikita na namin ang malawak na plantasyon ng magulang naming magpipinsan. At kapag nakarating kami sa tuktok, ang preskong hangin ang sasalubong sa amin. Kung pagmamasdan naman ang paligid mula rito, masusulyapan naman ang kagandahan ng tanawin ng probinsiya pati rin ang mga naglalakihang puno.

Sa aking pagbabalik makalipas ang ilang taon, nabigla ako sa laki ng pinagbago ng aming probinsiya. Habang pinagmamasdan ko ang buong tanawin mula sa dating bahay-bahayan namin na matatag pa rin, ang mga puno ay konti na lang at may nakita pa akong nagtotroso. Maging ang mga pananim ay nalalanta na rin sa sobrang init.

Kay bilis ng pagbabago na nagdulot ng pakasira nito. Tuluyan nalang ba itong masisira? May magagawa pa ba ako kahit ang totoo ay tayo ang may kasalan nito?

Kailan nga ba tayo magbabago?

-

Posted by: Sobrang Short Stories (Facebook page)

Date posted: January 3, 2017 (6:15am)

Mensaheng Hindi MabigkasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon