Chapter 8

22.7K 471 29
                                    

Ipinagpatuloy namin ni Dwight ang pagkain, pretending na walang nangyari kanina. After that, nag-ikot-ikot kami sa mall. Wala talaga sa agenda namin ni Dwight ang shopping pero ipinilit niya na mamili raw ako ng mga damit at gamit ko tutal nagtatrabaho na raw ako. Papasok na sana kami sa isa pang shop nang bigla kaming napahinto dahil sa nakasalubong namin. Sa dinami-rami naman ng pwede naming makasalubong, bakit siya pa?

"Dwight, I didn't know you're here. Sana sinabihan mo ako para nakapag-lunch sana tayo together," sabi ng bruha without even acknowledging my presence.

"Georgina and I just wanted to go on a date. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagagawa 'yon. The last time was our honeymoon which we enjoyed and then—" dere-deretsong pagkukwento ni Dwight and I had to pinch him in his arm para lang tumigil siya. Jusmiyo. Baka kung ano pang sabihin nito.

"Oh, I see. Pauwi na ba kayo? You could take a ride with me."

"It's okay, Mommy. I don't want to cause any awkwardness since you have company. Saka dala naman po ni Dwight 'yong kotse niya so we can manage," sagot ko on behalf of Dwight na siyang ikinagulat niya. Mukhang hindi niya ine-expect na malalaman naming magkasama sila ni Denise.

"Who on earth are you talking about?" tanong niya at lumalakas na 'yong boses niya. Sa kinikilos niya ngayon, halatang guilty siya.

"Weren't you with Denise a while ago?" tanong ko at halata na sa mga mata niya ang shock.

In a matter of seconds though, nagawa niyang i-compose ang sarili niya at bumaligtad bigla ang sitwasyon. Ako na ngayon ang naiinis sa sitwasyon.

"Well, yes. I prefer the presence of someone like her instead of somebody else," aniya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos no'n, nabuo ang isang ngisi sa kanyang labi.

Bago pa man ako makapatol sa sinabi niya, pumagitna na ni si Dwight.

"Ma, stop it. Don't make a scene here. Just go ahead, okay?"

"Kausapin mo 'yang asawa mo, Dwight. Hindi ko gusto 'yong tabas ng dila niyan," sagot niya tapos iniwan niya na kaming dalawa ni Dwight. Pagkaalis na pagkaalis niya, gusto kong magmaktol at magwala kahit na nasa loob pa kami ng mall. Buti na lang pinigilan ako ni Dwight by hugging me from behind. Pero leche talaga. Ang kapal ng mukha ng bruhang 'yon! Makapagsalita, akala mo santo. If I know, 'yong kaluluwa naman niya, nabenta na niya sa demonyo!

"'Wag mo na lang siyang pansinin, G. You know how she is. Tara, kain na lang tayo ng ice cream," sabi ni Dwight tapos hinawakan niya 'yong kamay ko para makapunta sa kauna-unahang ice cream shop na madadaanan namin.

Nang literal na lumamig na ang ulo ko, nag-ikot ulit kami ni Dwight sa mall for one last time. Pagkatapos noon, umuwi na rin kami. Dahil napagod na kami sa dami ng nangyari ngayong araw, tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Dagdag pa sa problema 'yong hindi namin alam kung ano ang daratnan namin sa bahay no'ng bruha. Sa sandaling panahon na magkakasama kami, she could go from a cat to a lion in a blink of an eye at sa totoo lang, ayaw kong ma-witness 'yon.

Habang papalapit na kami sa bahay ng bruha, hindi ko mapigilang mas lalong kabahan. Ang nasa isip ko kasi, nasa tapat na agad siya ng front door tapos itatapon niya 'yong gamit namin kasi pinalalayas na niya kaming dalawa. Pero ibang-iba ang dinatnan namin. There she was, waiting for us with open arms as if we've been apart for a very long time.

"I'm really sorry for what happened earlier, Georgina. I didn't know what I was saying," sabi niya sabay yakap sa akin.

From my peripheral vision though, kitang kita ko si Denise na napapailing at para bang nandidiri sa nangyayari sa amin.

Moving Into the Monster's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon