"Uhh. Doc, ano po 'yong sinasabi n'yong babies?" tanong ko after recovering from a few minutes of shock.
"Kambal po 'yong anak ninyo. Gusto n'yo na po bang malaman 'yong gender nila?"
"Hindi na po. Pagkapanganak ko na lang po siguro," sagot ko pero hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng doktor. Paanong nangyaring kambal 'yong anak namin ni Dwight? Bakit hindi ko man lang naramdaman? Ang labo.
Dra. Valencia respected my decision. Imbis na sagutin ang tanong ko kung bakit dalawa ang naging baby ko, nagbigay na lang siya ng listahan ng mga dapat kong gawin at iwasan. Pagkatapos noon, nag-ayos na kami ni Mommy. Tahimik na lang kaming dalawa at hindi namin alam kung paano ba talaga dapat mag-react sa nalaman namin.
Paglabas namin ng kwarto, tumayo agad si Dwight sa kinauupuan niya. Nilapitan niya kami tapos tiningnan niya kaming dalawa ni Mommy. Hindi pa rin kami kumikibo at nagsasalita. Hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat. Parang panaginip lang ang lahat. Parang hindi totoo, e.
"Ma, G, anong nangyari? May masama bang nangyari sa baby?" tanong ni Dwight pero hindi pa rin kami sumasagot ni Mommy. "Sumagot naman kayo, o! Kinabahan na ako sa inyo, e."
"Dwight, mali tayo," sagot ko tapos lalong naguluhan si Dwight. Hindi na lang ulit ako nagsalita tapos nagdere-deretso na ako papunta sa parking lot. Sumunod naman agad sina Mommy at Dwight sa akin.
Habang tinatahak namin 'yong daan pauwi, tahimik lang kaming tatlo. Alam kong gustong malaman ni Dwight kung ano ba talaga 'yong nangyayari pero ewan ko. Hindi ko talaga magawang sabihin sa kanya. Dapat nga excited pa ako dahil kambal ang ipinagbubuntis ko, e. Pero ewan. Ang gulo talaga kasi e!
Pagdating ng bahay, ipinaghanda na agad ako ni Mommy ng pagkain. Tahimik lang akong kumain at hanggang sa matapos ako, walang nagsasalita sa amin. Tumabi lang sa akin si Dwight at pinanood ang bawat kilos ko. Hindi siya nagsasalita pero alam ko, gustong-gusto na niyang magtanong tungkol sa checkup.
"G, okay ka lang ba?" tanong niya tapos lumingon ako sa kanya. Halatang-halata na 'yong pag-aalala sa kanya pero imbis na magsalita, tumango na lang ako.
Lumipas 'yong mga araw at hindi na rin nagtanong si Dwight tungkol sa checkup. Bumalik din kaming lahat sa dati. Well ako, mas tumakaw no'ng nalaman kong dalawang baby pala 'yong binubuhay ko. Si Dwight naman, tuwang-tuwa pa na ang takaw-takaw ko tapos bigla akong aasarin na ang taba-taba ko. Bwisit talaga. Kung 'di ko lang siya mahal, hiniwalayan ko na 'to, e!
Sa mga sumunod na checkups ko, hindi na nakasasama si Dwight. Naging busy na siya sa trabaho. Ang dami na rin kasi ng mga meeting na kailangan niyang samahan. Pero si Mommy, kasama ko naman palagi. Pagkatapos ng checkup, dumederetso kami sa mall tapos bumibili ulit kami ng mga gamit kasi kulang pala 'yong mga nabili namin before. Para hindi makahalata si Dwight na ang dami naming pinapamili, itinatago namin sa kwarto ni Mommy 'yong mga gamit ng isa pang baby. Buti na lang, hindi pumapasok si Dwight doon.
And then we finally reached my ninth month of pregnancy. Kung makikita lang siguro ako ni Denise ngayon, malamang, sasabihin niyang mukha akong nakalulon ng jumbo watermelon. Sobrang laki ko na talaga and it seems like I would burst anytime soon.
Dahil tapos na 'yong quarterly director's meeting, nag-leave na muna si Dwight sa trabaho. Lagi na lang niya akong sinasamahan sa bahay.
"G, gusto mo bang mag-movie marathon?" tanong sa akin ni Dwight out of the blue.
Dahil hindi na rin naman ako pwedeng magkikilos ngayon, pumayag na ako sa gusto niya. Kaso no'ng nagsisimula na 'yong pelikula, hinampas ko si Dwight sa braso niya.
"Punyeta ka, Dwight. Gusto mo bang manganak ako ngayon, ha? Ayaw ko ng horror!" sigaw ko sa kanya at pinagtawanan niya lang ako.
Dahil doon, pinalitan din niya agad 'yong pelikula.
BINABASA MO ANG
Moving Into the Monster's House
General FictionForced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying to solve her never-ending problems with her now-husband, Dwight, will Georgina ever get the happily...