Pagdating ko ng bahay, dumeretso na agad ako sa kusina para maghanap ng maluluto. Napansin din ng mga katulong na aligaga ako sa pagkakalkal sa ref kaya sila na rin mismo ang lumapit para tulungan ako.
"Ma'am Georgina, ano po bang hinahanap n'yo?" tanong ni Ate Marie.
"Sabi ko po kasi kay Dwigjt, magluluto ako ng dinner. Kaso wala naman po akong maisip na pwedeng lutuin," sagot ko sa kanya sabay sara sa pinto ng refrigerator.
"Ay, ma'am! Kapapalambot ko pa lang po no'ng ground beef kanina. Pwede n'yo pong gawing parang burger steak. May mga bagong biling gulay din po rito. I-steam na lang po natin para gawing side dish."
Pagkasabi ni Ate Marie ng suggestion niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya.
"OMG, ate! You're the best!"
"Tara na po, ma'am. Simulan na po natin para maluto rin agad."
True to Ate Marie's words, tinulungan talaga niya ako para mapabilis 'yong pagluluto ko. By the time Dwight arrived at home, nag-aayos na kami ng table.
"Uhh, wait. Patapos na kami ni ate," sabi ko sa kanya at itinuloy ko na ang ginagawa kong pag-aayos sa mesa. Nagulat na lang ako no'ng nagdere-deretso siya ng lakad papunta sa akin tapos niyakap niya ako nang mahigpit. "Dwight . . ."
"I was so worried! Huwag mo nang uulitin 'yon, G. Mababaliw ako nang wala sa oras dahil sa ginawa mo."
"Akala ko kasi, hindi pa rin tayo okay, e."
"We may not be on speaking terms for the past few days but I would kill anyone if something bad happens to you."
"Okay lang naman ako. Nakauwi naman ako nang maayos. Saka—"
"Paano kung may nangyari? G, hindi sa lahat ng pagkakataon, okay ka, safe ka. I wouldn't dare to risk your life and our baby's life dahil lang sa pagtatalo nating dalawa."
I did not even bother to argue with Dwight anymore. Tumahimik na lang ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. He then patted my head lightly and kissed me on my forehead.
"Are you sure you're okay? Wala ka bang nararamdaman? Wala bang masakit sa 'yo?" Dwight asked as he tried to "assess" me.
"Okay lang ako. I swear. Saka halos buong araw kaming magkasama ni Mommy sa office. Puro meetings lang naman siya so halos wala rin akong ginawa. Huwag ka nga masyadong paranoid."
Dwight breathed a sigh of relief when he heard what I did today. Nang mapansin kong kalmado na siya, pinaupo ko na siya at inaya na siyang mag-dinner. We were silent the whole time that we were eating but unlike before, hindi na awkward 'yong katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. No'ng ise-serve na ni Ate Marie 'yong dessert, I decided to tell Dwight my decision.
"Nakausap ko na si Mommy tungkol sa siwatsyon ko. Papasok pa rin ako sa office hangga't kaya ko. She will be training me raw para pagkapanganak ko, ililipat na ako sa HR."
"Ahh . . ." halos walang emosyong sagot ni Dwight.
"Courtney will be moved to another branch of the office na rin pala," dugtong ko sabay subo ng cake. When I looked up to check on Dwight, nakatingin din siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "What? Kumurap ka nga riyan at huwag mo akong tingnan nang ganyan! Para kang ewan," panloloko ko sa kanya and he did what I just told.
Dere-deretso siyang kumurap kaya mas nagmukha siyang sira.
"Did you really think na pababayaan ako ni Mommy?"
"Hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako na ganoon siya kabilis magdesisyon."
"And why wouldn't I? It's my grandchild's safety that's on the line," biglang sagot ni Mommy kaya nabilaukan tuloy ako. Ni hindi ko man lang namalayan na nandiyan na pala siya.
BINABASA MO ANG
Moving Into the Monster's House
General FictionForced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying to solve her never-ending problems with her now-husband, Dwight, will Georgina ever get the happily...