Chapter 24

9.4K 184 1
                                    

Lumipas ang mga araw at mas lalong naging okay 'yong relationship namin ni Mommy. Madalas niya akong turuan ng mga pasikot-sikot at binibigyan ng kung anong mga tip para sa office while making sure na hindi ko masyadong pinu-push 'yong sarili ko na magtrabaho. Tuwing may meeting din siya sa labas, she always makes sure na may dala siyang pasalubong para sa akin—pastries, milkshakes, pasta, at kung ano-ano pa. Minsan nga tuloy, feeling ko ang bloated ko na.

"Georgina," I heard her call me while I was sorting the files that the HR has given me.

Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko at naglakad ako papasok sa office niya. "Yes po?"

"Here," sabi niya sabay abot ng isang paper bag. The heck. Pagkain na naman 'to.

"What's this po?" tanong ko habang kinukuha ko 'yong paper bag mula sa kanya. Based sa amoy, mukhang pastry na naman 'to.

"Those are cheese tarts. I saw them on my way here and I think you might like them. Go and eat those with Dwight. Wala pa naman akong susunod na meeting so take a short break muna."

"Oh, okay po. Thank you, Mommy," I told her and did what she said. Pinuntahan ko nga si Dwight with the freakin' cheese tarts. Pagdating ko sa office ni Dwight, mukhang stressed out na 'yong secretary niya.

"Yanna, okay ka lang ba?" I can't help but ask. Para kasing gusto na niyang mambato ng kung ano mang madadampot niya sa table niya.

"Ms. G, nag-away po ba kayo ni Sir Dwight? Jusko. Mababaliw na ako. Kanina pang umaga mainit 'yong ulo niya. Hindi ko na po malaman kung anong gagawin ko."

Napailing ako dahil sa sinabi niya. Okay naman siya no'ng umalis kami kanina, e. Ano kayang problema niya?

"Ako nang bahala, Yanna. Mag-coffee break ka na muna," I told her and gave her a reassuring smile. After that, kumatok na ako sa pinto ni Dwight.

"Sinabi nang wala munang papasok, e!" sigaw ni Dwight without even checking kung sino 'yong pumasok.

I was kind of taken aback dahil sa lakas ng sigaw niya pero I managed to calm myself down agad. I had to do it for both of us. Wala rin namang patutunguhan kung sisigawan ko lang din siya pabalik.

"Calm down, will you? Walang mangyayari kung puro sigaw ka," mahinanon kong sagot sa kanya.

When he heard my voice, napalingon agad siya sa direksyon ko at parang magic na nawala 'yong kunot sa noo niya.

"Kanina ka pa ba rito?" tanong niya sa akin as he walked towards me.

"Kararating ko lang pero si Yanna, pinaalis ko na muna. Nadamay na sa galit mo sa mundo. Nakakunot na rin 'yong noo sa labas kanina," I told him as I wrapped my arms around his waist.

Hinalikan naman ako ni Dwight sa may ulo ko. Nung napansin niyang may dala ako, saka niya ako pinaupo. "Ano na naman 'yang dala mo? Don't tell me, namili ka na naman."

"Uy, hindi, ah! Binigay 'to ni Mommy. Kainin daw natin," sagot ko sabay abot sa kanya ng paper bag.

Agad namang binuksan ni Dwight 'yong lalagyan tapos kumuha na siya ng isang piraso no'ng cheese tart.

"Dwight, balak ba akong gawing baboy ni Mommy? Lagi na lang siyang may dalang pagkain para sa akin. Feeling ko tuloy, ang taba-taba ko na," reklamo ko.

Imbis na pagaanin ni Dwight 'yong loob ko, lalo pa niyang ginatungan 'yong frustrations ko.

"Okay lang 'yan, G. Mas huggable ka naman ngayon, e."

Hinampas ko si Dwight upon hearing his answer. Leche siya. Frustrated na nga ako, dumagdag pa siya!

"Ah, ganon? Pwes, wala ka nang katabi matulog simula mamaya," sagot ko sa kanya tapos tumayo na ako. Maglalakad pa lang sana ako palabas ng office niya no'ng hinawakan niya 'yong kamay ko.

Moving Into the Monster's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon