Epilogue

14.9K 212 14
                                    

After five years . . .

"Daddy! Daddy!" sigaw nina Kat at Liam sa daddy nila habang tumatakbo.

"Yes, babies?" tanong naman ni Dwight sabay yakap sa dalawa.

Nakita ko na lang na natawa si Liam at napasimangot naman si Kat.

"Daddy, I'm not a baby anymore!" pagmamaktol ni Kat kaya natawa kaming dalawa ni Dwight. Tapos mayamaya lang, umiiyak na siya.

"Princess, come here," sabi ko kay Kat tapos naglakad na siya papunta sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit habang hinahagod ang buhok niya. Habang ginagawa ko 'yon, naglalaro lang sina Dwight at Liam. Binilhan kasi ni Dwight ng bike 'yong dalawa. Tinuturuan niya ngayon si Liam.

"Mommy, where's grandma?" tanong bigla sa akin ni Kat kaya napangiti ako.

Parang kailan lang pala no'ng nagtatalo pa kami ni Mommy. Hindi pa niya ako tanggap noon tapos ngayon, ito na kami. Magkakasama sa iisang bahay at isang malaking pamilya.

***

Flashback

"Dwight, hindi ba nakakahiya na kay Mommy na nakikitira pa rin tayo rito?" tanong ko kay Dwight after a few weeks mula no'ng nanganak ako.

"G, wag mong sabihing gusto mo na namang umalis dito?" tanong pabalik ni Dwight sa akin.

Napailing ako dahil doon. Nako. Ang nega na naman nito. Nagtatanong lang naman ako, e! Nakahihiya naman talaga. Buti sana kung kaming dalawa lang. E apat na kaya kaming nakikitira ngayon!

"Hindi naman sa gano'n. Pero apat na tayo, o. May anak na tayo, e. Parang nakahihiya na kasi."

"G, sa tingin ko nga mas kailangan nating mag-stay dito, e. Kasi isipin mo. Kung aalis tayo rito, sino na ang tutulong sa 'yo sa pag-aalaga kina LK? Mahihirapan ka kung mag-isa ka lang na mag-aalaga sa kanilang dalawa. Saka wala kang trabaho dahil naka-maternity leave ka tapos ako naka-paternity leave naman. Paano na 'yong mga gastusin sa kanilang dalawa? At least dito, matutulungan tayo ni Mommy. Saka 'wag ka nang mahiya. Isang malaking pamilya naman na tayo, e," pangungumibinsi ni Dwight sabay yakap sa akin.

Napatingin tuloy ako roon sa dalawa. Parang tama nga si Dwight. Mas okay na mag-stay muna kami rito.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon, mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pag-aalaga sa dalawang bata. Minsan, nakapapagod pero pag nakikita ko sila lalo na si Dwight na masaya, gumagaan na rin 'yong loob ko.

May mga panahong dumadalaw si Denise sa bahay tapos tinutulungan nila akong dalawa ni Mommy sa pag-aalaga sa kambal. Denise stayed true to her words na magiging mabait na ninang siya sa kambal. Siya na talaga ang nag-asikaso sa binyag nina LK , all expenses paid. Siya na rin nag-invite ng mga kamag-anak ko pati ni Dwight. Pati mga kaibigan at ilang batchmates namin sa school, naimbita pa niya. Kung tutuusin, masyado siyang garbo para sa binyag ng kambal kaso kahit anong pilit ko naman para gawing mas simple na lang ang lahat, kinokontra niya kaya sumuko na lang din ako.

"Congrats, Dwight at G!" bati sa amin ni Marcus pagpasok niya sa simbahan.

Hinihintay na lang din namin 'yong ibang mga ninong at ninang para mag-start 'yong binyag.

"Thank you, Marcus," sagot ko naman sa kanya tapos bigla na lang niyang kinuha kay Dwight si Liam.

"Huy! Dahan-dahan naman sa bata!" sita ni Denise kay Marcus.

"Kailan ka pa naging concerned sa kalagayan ng kambal, ha?" tanong ni Marcus kaya napakagat labi na lang ako. Alam ko na kasing magtatalo lang 'tong magkapatid na 'to, e. Ito namang si Dwight, hindi man lang pinigilan 'yong dalawa. Kaloka lang 'tong mga 'to, o.

Moving Into the Monster's HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon