KABANATA 2: Alpha

14.2K 503 5
                                    

IKALAWANG
KABANATA

Alpha

Alpha Ryker Oswald was known for being such a cruel, strict, unforgiving, short-tempered and equal leader of the land of Versipellis where the Werewolves lived. Mula sa lupain ng Adam hanggang sa lupain ng Angelus ay kilala siya. Alpha of all Alphas. Ang kanyang pangalan ay kinatatakutan ng anumang lahi at kinasusuklam ng sinumang hayok sa kapangyarihan.

"Alpha," hindi nag-angat ng tingin ang Alpha nang pumasok ang kanyang Beta na si Deacon. Nakayuko ito sa pagpasok ng opisina ng pinuno. Tumunghay lamang ng tuluyang matapos sa pagbibigay galang. "Ang Pagsusulit ay nagsisimula na."

Nag-angat na sa wakas ng tingin ang Alpha at ibinaba ang hawak niyang ball pen na ginagamit niya sa pagpirma ng mga dokumento sa kanyang harapan. He leaned on his seat and sighed heavily.

"Why do I have to go there?" May halong inis na tanong ni Alpha Ryker. "Maliit lamang ang porsyentong makakukuha tayo ng kalahi natin doon. Werewolves rarely abandoned their pups just because of shits. Saka isa pa, it's just a waste of my time."

"Alpha, ang Pagsusulit ang isa sa mga paraan ng mga Angels upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa lahat ng lupain. They call it a reunion."

"A reunion?" Tumaas ang kilay niya sa narinig. He laughed darkly before standing up. Inayos niya ang suot na coat at lumabas ng opisina kasunod sa kanyang likuran si Deacon.

Nang makalabas siya ng Pack House ay halos matawa siya nang sarkastiko nang bumungad sa kanyang harapan ang isang itim na makintab na kotse.

"Ipinadala ni Dean Ozzy para daw masigurong dadalo ka," tumango ng isang beses ang Alpha saka sumakay matapos siyang pagbuksan ng pinto ng driver nito.

Habang nasa byahe ay tinatalakay ni Deacon kay Alpha Ryker ang mga kailangan nilang gawin sa araw na iyon. Kasama nga sa schedule niya ang panonood ng nakakabagot na laban. It was like a wrestling game. Iyon nga lang mas nakaka-bored dahil sa nakakairita niyang katabi lagi sa upuan at sa mga batang naglalaban.

Isang libong taon na siyang nabubuhay at nagsasawa na siya sa pambatang laro ng Pagsusulit. Parang sa mga taong iyon ay mga sampu hangang labing-lima lang ang nakuha niyang kalahi. Sa mga bilang na iyon ay isa hanggang lima ang namatay dahil sa laban. Ayaw niyang pinatitigil ang laban, tulad ni Lord Edric, ay gusto niya ring makita ang kakayahan ng isa sa mga kalahi niya. May iilang unang beses na nagkapag-Shift sa kalagitnaan ng laban. It was the most anticipating part for Alpha Ryker. Unleashing.

Pagpasok pa lamang ng Alpha ay binati na siya ng mga Angels na nakakasalubong. He couldn't stop himself from smirking. Marami sa mga Angels ang hindi natatakot sa kanya kapag nasa loob sila ng sagradong eskwelahan sa gitna ng lupain ng Angelus. Sa totoo lang, ito lang naman talaga ang sinasakop ng lupain nila. Isang malaking eskwelahan at Arena. Natawag itong sagrado dahil sa kaya nitong gawin. Kapag pumatay ka ng Anghel sa loob nito ay buhay rin ang kapalit. Well, what the Angels didn't know was he could resist it because of the ring he received once from a Witch named Nerezza, a friend of his mother. The ring could resist any kind of danger. Any kind of magic. Any kind of power.

Iniisip tuloy ng Alpha na humingi ng tulong sa mga Witches. Katulad ng Angelus ay ganoon rin ang lupain ng Maleficus, ang tirahan ng mga Witches. Hindi maaaring manggulo doon ang ibang lahi dahil siguradong maglalabasan ang mga ugat mula sa ilalim ng lupa at ihahagis ang sinumang nangahas palabas ng lupain.

Nakataas ang noo ni Alpha Ryker, puno ng awtoridad at kapangyarihan ang kanyang awra nang pumasok siya sa loob ng Arena. Halos mapangiwi siya sa samu't saring amoy ng iba't ibang lahi na nanonood sa Pagsusulit ngayong araw. Kakaupo pa lamang niya sa kanyang upuan nang marinig ang pagsinghal ng katabi niyang si Lord Edric. Binaliwala ito ng Alpha.

NeviahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon