i

8.7K 266 80
                                    

i

"Can you still remember everything?" Thana asked curiously.

Lahat na kasama sa mahabang lamesa para sa pagsasalo ay natigilan. Nalipat ang tingin nila mula kay Thana papunta kay Loveren. She smiled sweetly. Her lips were so red.

"Of course."

"You look different," Elyana suddenly noticed and Loveren laughed. "Hindi nga! Kung makatawa naman 'to."

She did look different. Ang mahabang kulay puting buhok, lilang mga mata, maputing balat at mapupulang labi. Ibang-iba siya kay Neviah. Para bang kakambal lang ito ng dating fallen angel at ngayon lamang nagpakita matapos ang ilang libong taon.

"Dahil kailangan maging iba ako," nagtaas-baba ang kilay ni Loveren. "Pero ako pa rin 'to. Still the Neviah you all know."

Nilingon ng dalaga ang katabi niyang si Alpha Ryker nang pisilin nito ang kanyang kamay. They smiled at each other before he kissed her right cheek.

"Yeah, still the same.." umirap si Thana. "But, do you really need to change your name? I mean, mas okay kung Neviah na lang. Tutal ay doon kami mas sanay."

"Nagdadala ako ng pagbabago," she said. "Kaya dapat 'di ba sa akin magsimula iyon? Plus, Neviah is a different name."

They all just laughed at her remark. Tama naman kasi iyon. Siya ang pagbabago. It was quite a simple explanation.

Nagpatuloy ang buong hapunan. Maraming nagtanong sa bagong Neviah, kahit may iilan pang tila nag-aalangan dahil nahihiya. Hindi naman natatanggal ang ngiti ng dalaga. Lubos ang kanyang kagalakan. Hindi niya maipaliwanag iyon. Na-miss niya ang lahat at hindi naman niya alam kung paano sasabihin sa mga ito iyon.

"I really wanted to see you," nakangiting wika ni Keres nang makita ang kanilang Luna.

Naroon sila ngayon sa malawak na hardin. Natutuwa si Loveren na wala man lang nabago dito kundi mas namukadkad ang mga rosas at mas dumami pa. It looked so magestic.

"Keres," tila nagliliwanag ang kulay lilang mga mata ng dalaga nang lingunin niya ang binatilyong bagong dating. "Ang nag-iisang anak ng Beta at ng kapatid ng Alpha. I really wanted to see you, too."

Bahagyang natigilan si Keres sa narinig. He hated that. Ang ayaw niya sa lahat ay kilala siya ng iba dahil lamang sa anak siya ng mga makapangyarihang magulang. He wanted to make his own name. Ngunit, naalala niyang hindi naman iba si Loveren. She was Neviah, the fallen angel, the Luna, the Mate of Alpha Ryker.

"Kamusta na?" Ngiti ng dalaga na para bang matagal na silang hindi nagkita. "Noong huli kitang makita ay maliit ka pa. Pero syempre, hindi rin naman ako umalis kaya't alam kong wala rin namang masyadong nagbago sa iyo."

"Po?"

"Hindi ako umalis," pag-uulit ng dalaga at pumitas ng isang pulang rosas. Maingat niyang ginawa iyon habang ang liwanag ng buwan ay tumatama sa kanyang kulay puting hood.

Tumigil man ang pag-ulan ng nyebe ay balot pa rin sa yelo ang buong paligid. Nakasuot pa rin ng makapal na coat si Loveren, panangga sa lamig at pangtago sa kanyang kulay puting buhok na tila ba nagliliwanag.

"Binantayan ko kayo.." she smiled looking at the red rose she was already holding before finally looking at where Keres was. "Salamat, Keres. Salamat sa paghihintay at hindi pag-iwan sa aking Alpha."

"Salamat po sa pagbalik, Luna."

Lalong lumawak ang ngiti ni Loveren. Nang makita naman ni Keres ang kanyang Tito sa likuran ng kanilang Luna ay mabilis rin siyang nagpaalam.

"How are you feeling?" Naramdaman ni Loveren ang malaki at mainit na palad ni Alpha Ryker sa kanyang likuran. Humalik ito sa pisngi ng dalaga. "God, I really missed you."

NeviahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon