8 : Blind date

471 17 6
                                    

Dani's POV

Hindi ako sasali sa pageant na yan!!!!

"Laging mababa ang grade mo sa subject ko Dani. This is your only way para makabawi ka." mahinahong pagkakasabi sa akin ni prof. Deregla. Wow! Lakas maka-salestalk. Leshe -_-

"Ayokong sumali." mahinang bulong ko sa sarili. Feeling ko may angry vein na sa ulo ko.

"Sasali na yan. Sasali na yan." sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko na siyang pinapangunahan nina Rian at Anyah. Gusto talaga nila ako isali sa pageant na yan? No waaaaaaaaaaay!

"Bakit ba kasi ako?" nakasimangot kong tanong.

"Because we believe on you." nakangiting sagot ni prof. Matutuwa na sana ako eh, kaso ayoko talaga!

"Fine. Ayaw mo at ayaw din ng iba. Ite-tres ko na ba kayong lahat sa subject ko?" biglang nagsigawan ang lahat. Syempre sinong gustong magkaroon ng grade na tres? Kahit pasado pa yan, bagsak na rin yan sa paningin ng lahat. Err.... lakas makapang-blackmail.

"Fine. Sasali na ako." labag sa loob kong sabi. Nagpalakpakan ang lahat. Nice. -_-

"Yesssss! Di na ako magkakaroon ng pasang-awang grade." 

"Susuportahan ka namin Dani."

"Syempre panalo na yan!"

"Leshe." yun na lang nasabi ko. 

"Very good Dani. So Sina Avery and Dani ang ating candidates. So ganito ang criteria for winning. 50% from the judges and 50% from the people's choice. Kanya-kanyang paraan para makahakot ng votes. Every vote cost fifty pesos. In the end, bibilangin kung nakailan kayo at syempre kung sino ang pinaka-marami... siya ang mananalo sa people's choice award."

Halatang hindi nangongolekta ng pera, psh.

"Alam kong iniisip niyo na bakit kailangang bilhin ang votes? It's for the good cause naman students. 100% ng perang nalikom ay ibibigay for charity. Isn't it nice?" sabi niya habang napaka-lapad ng ngiti. Oo na lang.

Blah blah blah. Diniscuss niya pa yung about sa pageant ek-ek chuchus. Starting tomorrow pwede na daw magbenta ng votes since ngayon ang deadline ng pasahan ng names ng candidates. Huwaaaaaaah! Pwede na bang mag-back out?

"That's all, class dismiss."

Pagkalabas na pagkalabas ni prof sa classroom ay agad kong inub-ob yung ulo ko sa desk. 

"Rian... pakibigti ako please?" nasabi ko kay Rian.

"Goodluck Dani, for sure namang hindi ka mananalo." mabilis akong napatingala ng marinig ko ang malademonyitang boses ni Avery.

"Narinig mo ba yung sinabi ni prof? They believe in me. Sila pinupush ako sa pageant na to. Eh ikaw, sarili mo lang ang nagpupush sayo... kawawa ka naman." inirapan niya lang ako at umalis na sa harap ko. Tsk, bakit ba lagi niya akong kinakalaban? Lakas ng tama ng babaeng yan at infairness, siya ang number one panira ng araw ko. -_-

"Daniiiiii kailan ka magpapagawa ng gown mo?" tanong ni Anyah habang nakakapit sa braso ko. Tarsier ba siya?

"Anong balak? Anong pakulo ang gagawin mo para makakuha ng votes?" tanong naman ni Rian na nasa kabilang side ko.

-_________________-

Feeling ko maiiyak na ako. Hindi sa naduduwag ako or what. Ayoko lang talaga sumali sa mga ganyan. I find it too corny.

Hinayaan ko na lang magsalita ang dalawang bruha.

Breathe in. Breathe out. Habaan mo ang pasensya mo Dani. Kaibigan mo din yang mga yan. Hindi mo sila pwedeng saksakin ng ballpen na nasa bulsa lang ng pants mo. -_-

In Need of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon