1 : Christmas heartbreak

1.2K 36 11
                                    

Dani's POV

"How.Dare.You!" madiin na pagkakasabi ko sa kabilang linya.

["I'm sorry Dani. It's just... maybe, we're not meant for each other] full emotions na pagkakasabi ni Kian sa akin.

"Shut the hell up! And don't you ever call me again on that name! You jerk! How dare you to dump me?! Screw you and wish you hell!" then I ended the call.

Naibagsak ko ng malakas sa table ang phone ko saka tinunggak ang baso ko ng vodka.

"Arghhhhhh!" sigaw ko ng maramdaman ko ang paginit ng lalamunan ko.

"Arghhhhhhh!" muli akong napasigaw at ngayon naman ay napasabunot sa buhok na parang baliw.

"This can't be! Paano niya ako naipagpalit sa isang loser?!" nasabi ko sa kawalan.

Umorder pa ako ng drinks at sinubukan magpakalasing. Nandito ako sa isang bar sa resort nila tita Tristan. It's Christmas eve kung saan may narinig akong ibang boses ng babae sa phone ni Kian. Hinayaan ko siyang mag-explain but his reasons aren't enough. Afterall, pinaglalaruan niya lang pala ako? Ano siya? Balak niyang agawin ang titulo ng pagiging cassanova ko?

Imagine, paano na lang kung maging headline na ito sa school namin? 'The great Dani Risha Kang a.k.a the campus playgirl was dumped by her boyfriend.' Waaaaaah! Ayoko! How about my pride? Shems! Humanda sakin yang Kian na yan pagkatapos ng christmas vacation. I'll make him suffer!

Siya ang kauna-unahang sineryoso kong lalaki. Tinigilan ko ang mga kalokohan ko, never akong gumawa ng masama na makakasira sa relasyon naman tapos eto siya, makikipag-break trhough phone call pa! Hindi man lang niya ba naisip kung anong sinayang niya?! Hindi man lang niya ba naisipin kung anong kahihiyan ang binibigay niya sa akin?!

You know, siya ang kauna-unahan kong tinanggap bilang boyfriend at pag nalaman ng iba na break na kami... for sure usap usapan na naman ako neto. At ang masaklap pa, siya pa ang nang-iwan! How dare him?! He just wasted our 6 months of romance. He's a total jerk. He fucked up... a lot.

Hindi ako papayag!

Hindi pwede to. Hindi yun kadali! Ang unfair! Ang unfair unfair! Minahal ko yung hinayupak na yun, bakit ang dali lang para sa kanya na iwanan ako? Bakit siya ganun? Sabi niya iba siya.... sabi niya di niya ako sasaktan. Nangako siya eh. Bakit ang unfair niya?

"M-ma'am, okay lang kayo?" natigil ako sa pag-inom at napatingin sa bartender.

I give him my what-do-you-want look.

"O-okay lang po ba kayo ma'am?" nag-aalinlangan niyang tanong dahil tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Do I look okay? Nangiinis ka ba? Kitang kita mo naman na umiiyak ako tapos tinatanong mo ako kung okay lang ako? Eh ikaw okay ka lang?!" hindi ko alam napalakas pala ang boses ko kaya napatingin sa akin yung ibang mga costumers.

"Sorry ma'am. I'm just afraid na baka malasing kayo. I'm just concern lang ma'am... Merry C-christmas" sabi niya na parang isa akong monster dahil may halong takot ang pananalita niya. Agad siyang umalis sa harapan ko at inintertain na lang ang ibang costumers.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, may mga groups of people na nagkakasiya at ang iba naman ay mga couple na nagp-PDA.

Bigla akong napahagulgol sa pag-iyak. Paskong pasko, nagluluksa ang puso ko neto. Naramdaman ko namang mas dumami ang nakatingin sa akin. Sino ba naman kasing baliw ang bigla na lang magpapaka-emo sa araw na to? Sosyal pa at sa isang bar ako naglabas ng sama ng loob.

Ng mapagod na ako sa pag-iyak, sinubukan ko ng tumayo at nag-iwan ng pera to pay my bills. Medyo pagewang-gewang pa muna ang paglalakad ko dahil narin nakainom ako but I still have my senses. Hindi naman ako masyadong lasing at siguro naman, walang mangangahas na mangrape sa akin sa labas.

In Need of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon