12 : Their valentine

466 20 11
                                    

Rian's POV

"Hoy Rian," tawag sakin ni Keith.

"Oh?"

"Wala lang." Tapos naglakad ulit siya. Problema nun? Sinundan ko nga.

"Huy bakit nga?" Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako saka kumamot ng ulo. Kailan pa siya nagkakuto?

"Nakita mo ba kung nasaan si Dani?"

Tinitigan ko siya ng matagal. "Si Dani?" Tumango tango naman siya na parang bata. Nahinto lang ako sa pagtitig sa kanya ng biglang may nagtext sa phone ko kaya binasa ko muna iyon.

Hapii Valentines Day ebriwan!!! ^O^

Huhuhu nakakaiyak yung mga lab birds d2 T^T

Asan ba kc ang prince charming ko?

GM

#bitter

#walapakongnatatanggapsakanya

#imyourinfinitefan

Isa lang palang walang kwentang group message na galing kay Anyah. At anong akala niya twitter ito para mang-flood ng hashtags? Nagtype nga ako ng pangreply.

Bigti na frend! :P

Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa at tumingala pero wala na pala si Keith sa harap ko. Aba nilayasan ako? Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang likod niya habang naglalakad palayo. Susundan ko pa sana siya ulit pero natigilan ako ng makita kong may dala-dala pala siyang flowers sa kamay.

Napangisi na lang ako at tumakbo para habulin siya.

"Aray!" Sigaw niya ng mabilis ko siyang batukan pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.

"Haha hinahanap mo talaga si Dani?" Nawala ang pagkasimangot ng mukha niya matapos kong sabihin iyon. Napangisi na lang ulit ako at muli siyang binatukan.

"Bakit mo ba ko binabatukan? Sadista neto," nakangiwing sabi niya habang nakahawak sa ulo. 

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Hanggang ngayon may gusto ka pa rin kay Dani?"

Tumikhim siya at napaiwas ng tingin. So para niya na ring sinagot ang tanong ko. Napakagat na lang ako ng labi at nag-crossed arms habang tinititigan ulit siya. Simula bata, ang laki na ng pagnanasa niyan kay Dani. Ay wait, ibahin natin yung pagnanasa, para kasing ang laswa. Let's say, si Dani ang first love ng lalaking to. Simula nung naging sila, si Keith lang naman ang sumeryoso nun dahil parang kapatid lang talaga ang turing sa kanya ni Dani. Di ako makapaniwalang hanggang ngayon may gusto parin siya sa kanya. Alam naman naming lahat to, si Dani lang naman ang nagpupush na di tunay yung feelings ni Keith para sa kanya. 

"Haaaaay, kawawa ka naman. Basted since birth ka na talaga," sabi ko at napabuntong hininga.

"Nasaan ba kasi si Dani ng mabigay ko na to sa kanya?" Tanong niya at pinakita ang hawak na bulaklak. Muli kong naalala yung gm ni Anyah.

"Tss... hinahanap mo talaga si Dani? Wala! Nagdedate sila ni Casper!" Pasigaw kong sabi. Napansin ko naman ang panlulumo ng mukha niya. Malay ko ba kung nasaan si Dani? Basta ang alam ko magkasama sila ni Casper.

"Ah. K thanks bye," malungkot nitong sabi at tumalikod sa akin. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Aalis na sana ako kaso biglang nahagip ng mata ko si Anyah. Nakita niya rin ako at mabilis akong nilapitan.

"Rian, nakita mo na si Keith?" Muli akong napabuntong hininga. Nakakaawa naman ang mga lablayp ng mga taong 'to. Tinignan ko yung daang dinaan ni Keith at nakitang hindi pa siya gaanong nakakalayo. 

In Need of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon