6 : I don't need a man

482 18 6
                                    

Dani's POV

Tama ba yung narinig ko? Tinawag niya ako J-jagiya?

"Eeeeeeeeeeek! Kinikilig ako." agad akong napaiwas ng tingin ng magsimulang maghiyawan yung iba lalo na si Anyah. Jusko, kung alam lang nila kung gaano nakakaumay tong pinaggagawa namin.

"Umamin nga kayo, kayo na ba?" nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong ni Seb.

"NO!" agad kong sagot pero nung napansin kong ang daming nakatingin sa amin ay agad ko iyong binawi. "...I mean yes."

"Kayo na?! Bakit hindi ko alam? Daniiiiiiiiiii bakit si Casper pa? Bakit~ TT^TT" sabi ni Keith at umakto pang umiiyak. Agad naman siyang binatukan ni Kye.

"Aray! Bakit ka nambabatok?" 

"Para kang bakla eh." 

"Ano?! Sinong bakla?" tanong ni Keith na napatayo pa. Kahit isip bata yan, kapag kasi may nang-aasar na bakla siya... naku, para yang pokemon kung mag-evolve. >_<

"Joke lang yun. Si Seb talaga yung bakla." sagot ni Kye.

"Ako pa ang bakla. Sino kaya tong baliw na kumakausap sa sarili?" sarcastic na tanong no Seb. Bumalik na lang ulit sa pagkakaupo si Keith at nagsimulang magtanong ng tungkol sa amin ni Casper. Kesyo paano daw naging kami? Kailan at saan? Jusmeeee pengeng tissue please? Dumudugo utak ko sa kanya.

"Keith just stop. Hindi naman talaga kami ni Casper. Everything is just a plan okay? Kalma please." ang tangi kong sagot sa lahat ng tanong niya.

"Whaaaaaaaat?!" sabay na tanong nila Anyah at Keith. Ganyan talaga kapag inosente.... -.-

"Yup. And please secret lang natin to ah,ah?" pakiusap ko sa kanila.

"Wait I don't get it. So hindi tunay yung relas----" hindi na natapos ni Anyah ang kanyang tanong dahil agad na tinakpan ni Rian ang kanyang bibig. Nice move Rian, mapapakinabangan ka rin pala kahit papaano.

"Sige ibunyag mo pa. Mamaya ka na lang magtanong, pm kita sa facebook mamaya."sabi ni Rian.

"Sige na nga. Omo! Malelate na tayo sa next subject!" napatingin ako sa phone ko at tama nga siya, malelate na kami.

"Oh, kung malelate din naman na kayo... mas mabuti pang wag na lang pumasok. Tara bar na lang tayo, cutting na kami ni Keith ehh." aya samin ni Kye. Binatukan ko nga.

"Magtigil ka ah. Ke aga aga, bar agad gusto mong puntahan. At nakuuu, napaka-bad influence mo. Sinasama mo pa si Keith sa kahayupan mo." panenermon ko kay Kye.

"Aray naman. Joke lang naman yun bakit lagi niyong sineseryo mga pinagsasabi ko? Nakakasakit na kayo ng damdamin ah!" 

"Pre, ligo lang katapat niyan." sabi ni Seb at tinapik tapik pa ang balikat ni Kye. Sinamaan naman siya agad nito ng tingin.

"Tara na nga girls, naalibadbaran ako sa mga mukha nila." sabi ko at tumayo na.

"Sige Dani... andyan naman si Casper. Kita na lang tayo sa room byeeeee!" sabi ni Rian at bago pa ako makareact ehh agad niya akong tinulak kay Casper kaya napaupo ako sa lap niya. 

"Yah!" sigaw ko pero tumakbo na sila ni Anyah palayo. Bago pa ako tuluyang lamunin na kahihiyan, mabilis akong tumayo at inayos ang sarili.

"Aalis na ako." pagpapaalam ko sa kanila atsaka mabilis na naglakad. Nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sa akin.

"You left your boyfriend." t-teka... si Casper ba talaga to?!

"Bakit ka ba ganyan?" tanong ko sa kanya at inalis ang brasong naka-akbay sa akin pero masyado siyang malakas kaya hinayaan ko na lang. 

In Need of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon