4 : Someone's back

635 19 4
                                    

Dani's POV

"Walang hiya ka talaga Kye Gabriel Montreal! Kanino ka ba nagmana at bakit nasobrahan ka sa pagka-loko loko?!" tanong ko habang sinasabunutan si Kye.

"Araaaaaaaaaaaaaay Dani! Tama na! Yung buhok ko, peste ang tagal kong inayos yan kaninang umaga eh!" reklamo niya. Aba, yung buhok pa niya talaga ang inuna.

"Bwisit ka! Kakalbuhin na talaga kitang mokong ka!" saglit kong binitawan ang buhok ni Kye para hanapin ang malaking gunting na nasa bag ko. Ang tagal kong tinago to for self defense, kay Kye ko lang pala magagamit.

"O-oy ano yan?" tanong niya ng may kasamang panlalaki ng mata.

"Gunting to shunga! Kakalbuhin talaga kita---- hoy bumalik ka dito, ugh!" sigaw ko ng magsimulang tumakbo si Kye. Nandito kami nila Seb, Rian, Casper at Kye sa cafe ni mommy. Wala naman masyadong tao kaya ayos lang na gumawa kami ng gulo.

"Tama na Dani! Patawarin mo na ako, pramis... yung prof ko ang may kasalanan kaya di kita agad napuntuhan" sabi ni Kye habang nagtatago sa likod ni Seb.

"Ano ba kasing ginawa ng prof mo sayo ah?!"

"Nahuli kasi siyang nanonood ng porn sa cellphone." sabi ni Seb kaya agad siyang nabatukan ni Kye. 

"Loko ka talaga, pervert ka pa! Argh papatayin kitang damuho ka! Gagawa-gawa ka ng plano tapos ikaw din pala ang sisira!"

"Hoy plano nating lahat yun diba? Sa akin lang galing ang ideya. Tsaka ang usapan, kapag pumalpak to, walang sisihan."

"Yun nga eh! Sayo galing ang palpak na ideyang yan kaya lagot ka talaga sakin!" sigaw ko kahit magkalapit lang kami. For sure, nilalait na ako ng mga taong kumakain sa cafe dahil napaka-walang poise ng pinaggagawa ko ngayon.

"Bakit ka ba nagagalit? Di naman palpak ah? Pwede naman nating itutloy yung plano kaso si Casper na nga lang ang gagawa ng trabaho ko." sabi niya habang nakatago pa rin sa likod ni Seb na parang takot na takot talaga sa hawak kong gunting. Bigla naman akong napaisip. Ang totoo kasing plano, si Kye ang magiging boyfriend ko at iseseduce ko si Kian para wasakin ang relationship nila Avery.

"Oo nga noh? Bakit ba ako nagagalit?" tanong ko. Biglang sumaya ang mukha ni Kye at humarap na ng maayos sa akin.

"Oh diba? Naku naman Dani! May ikaka-OA ka pa ba?" tanong niya with pasabog facial expressions pa. Eh kung isaksak ko na kaya tong hawak kong gunting sa kanya?

"Gusto mo talagang kalbuhin kita?!" itinutok ko ulit sa kanya ang dulo ng gunting kaya napatago ulit siya sa likod ni Seb kahit tinutulak na siya palayo nito.

"Tigilan niyo na nga yang kalokohan niyo. At wag niyo akong idadamay sa kabaliwan niyo." napatingin kaming lahat kay Casper na busy habang nakatingin sa phone niya. Dinumog naman naming apat si Casper kaya nagulat na lang ito na nasa tabi niya na pala kami.

In Need of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon