Chapter 4.3
Inat dito, inat doon... Aish, another day... Parang wala akong gana ngayon a?
"Ohh... Gising ka na pala, maligo ka na nga." ~nakahigang sabi ni Kuya, grabe ang suwerte talaga nung nabuntis ni Kuya I mean... duh? Hindi sa pagmamayabang pero, ang gwapo kaya ng kuya ko. Tapos mabait yan, pramis! Caring yan tapos understanding! Pero yun nga lang... Ba't siya pumapatol sa sluts? Hayss
"Kuya... Mahal mo ba yung nabuntis mo?"
Aluuh. Ba't ko natanong yun? -__-
"Ah? Ba't ka nagtatanong?" waw, di man lang siya kinabahan sa tanong ko or matawa? Idol.
"Wala lang... Kasi--" kasi ano ba? Ang baliw ko rin e no?
"Hmm... Unfortunately, hindi eh... Hindi naman sa hindi ko nirerespeto ang mga babae, nirerespeto ko lang rin yung may respeto sa sarili nila. Kaya ikaw wag' kang gagaya gaya sa mga pinapatulan ko pag lasing ako.. Teka, ang aga mong mang-intriga... Maligo ka na nga!"
Haha sira din si Kuya eh, ayaw niya palang iniintriga sa umaga pero sinagot din naman ang tanong ko. Hahaha ayos din to si Kuya.
==================
Sa ginagawa ko kanina sa bahay, kinalimutan ko lang yung nangyari nung andun si Jenny... Ayokong banggitin nila ulit eh, nababadtrip ako...
Tsaka, kaya ko ba talagang iwan mga barkada ko? Si Papa at Kuya? pati si Jeipher?
Paano ko isasabi kay Jeipher? Di ba nangliligaw siya sakin, teka... Ba't ko ba iniisip to? Di ba hindi naman ako sasama? Ang shunga ko din ano? Haish
==================
*Narrator's POV*
Naiilang na si Jeraiyah dahil pagkapasok palang niya sa gate eh, binigyan na siya ng pink rose. Hate pa naman niya ang pink. Papasok na ng hallway lahat ng tao nakatingin sa kanya. Ang nakakapagtataka, naka pink din na t-shirt ang mga ito. Naiinis na siya sa nangyayari.
Papasok na sana siya sa room nila, at andoon naman ang mga barkada niya, na-relieved siya kahit papano nagustuhan niya ang kulay green na t-shirt na sinusuot ng mga ito... Magsasalita na sana siya at nabigla naman siya kasi biglang hinawakan ang mga kamay niya ni Albiee at Memy tapos bigla siyang pinurungan ng panyo.
"Alam niyo, hindi to maganda biro ah! Masasapak ko kayo pag ako nadapa sa ginagawa niyo! Bubugbugin ko kayo!"
Galit si Jeraiyah kasi ayaw niya ng ganito, sa isip niya, pinagtitripan siya. Hindi kasi siya nasanay sa mga surprises.... Ni kahit minsan hindi siya isinu-surprise... Okay naman siya sa ganun kasi okay lang siya kahit ano wag lang siyang pikunin
"Psst buhatin mo nalang to! Baka madapa ee, masapak pa tayo niyan..."
"Oo nga! Ikaw lang naman lalaki dito"
"Psh tawagan niyo si asddfghjkl. Sabihin niyo sa kanya may utang siya sakin ng tig-limang serve ng kwek-kwek.."
Pabulong na nag-uusap ang barkada at si Albiee dahil nga ayaw nilang pikunin si Jeraiyah though naririnig naman niya ang mga ito pero di lang talaga niya narinig kung sinong tinutukoy ni Albie na tawagan...
"Ay! Ipapakain kita sa buwaya! Bitawan mo ako! Sino to?!! Ahhhh guyysss!!!!" Oo, ganyan maka-react si Jeraiyah kasi nga hindi siya sanay...
"Tumigil ka. Bubuhatin kita baka kasi masapak mo pa kami. Pasalamat ka mahal ka ng nagpapagawa samin nito kundi ihinulog na kita sa bintana"
Napangiwi naman si Jeraiyah, sabi niya sa utak niya "Anong trip to?". Pero dahil mahal daw, aba'y kumalma siya... Tingan mo naman tong sinusulat kong character oh. *insert facepalm*. Dapat kasi magalit siya pero pano ba yan? Isa lang naiisip niya na mahal siya eh...
Binaba siya ni Albie tapos may humawak sa kamay niya para umalalay sa kanya, kasi naman nakatakip nga ang mata deva? Yun nga lang naiilang siya kasi di na niya alam kung sino, pero may nafefeel siyang electric somethin' na dumaloy sa kamay niya...
"U-ughh... Asa'n na ba ako?" Biglang tanong ni Jeraiyah kasi nahinto sila sa paglalakad... Tatanggalin na niya sana yung nakatakip sa mata niya---
"Teka, ako na ang magtanggal..." Nabigla siya kasi hindi niya ini-expect na ang taong ito ang nagdadala sa kanya simula nung binaba siya ni Albiee... Akala niya si...
"WTF? Axciel?! What are you doing here?!" Ayan. Nag-init naman bigla ang ulo ni Jeraiyah. Eh ganyan talaga pag' disappointed.
"Ouch. Grabe ka naman. Buti nga pumayag ako sa gusto ng nanliligaw sayo. Amp, pre! Eto na yung inaantay mo- grabe ka! Nagalit pa tuloy 'to sakin! Hahaha! Ge~ uy, dun ka na" sabi ni Axciel at naglakad paalis. Akala ni Jeraiyah na si Axciel ang may gawa ng trip na ito pero di naman talaga siya na-disappoint. Eh kasi, alam niyang si Jeipher Xyack ang may gawa nito.
Nilapitan niya si Jeipher at agad agad niyang binatukan. Napa-aray naman ang binata pero ngumiti lang ito...
"Anong pakulo to ha?! Akala mo ba nasisiyahan ako?! Anong trip mo sa pagpapabigay sakin ng PINK rose! Tsaka, pinasuot mo pa sila ng PINK na t-shirts. Tsaka WTH GREEN? Buti medyo love ko kaunti ang Green kasi Fave. Yan ni Kuya. Nakakainis naman ang trip mo na to! Tsaka, sinama mo pa si Axciel na naka-Crimson Red! Nangpipikon ka ba sa trip na to?!"
Pula na pula na yung pagmumukha ni Jeraiyah sa sobrang inis, talagang ayaw niya sa mga kulay na iyon. Ayon sa kanya may mga negative sentimental values daw ang mga color na yun sa kanya.
"Lahat binanggit mo kung anong kulay ah, hindi mo nalang ba pansinin ang sinusuot ko?" Medyo may pagka-hambog na sabi ni Jeipher. At napatingin naman si Jeraiyah at napangiti.
"Sinuot ko parin to kahit nakakabakla akong tignan pero, di mo lang pala mapapansin agad." Parang patampo naman na tumalikod si Jeipher at tumingin sa view ng city. Oo, nandito sila sa rooftop ngayon ng school nila.
Hindi alam ni Jeraiyah kung anong gagawin. Talagang na-heart melt siya kasi oo nga, parang bakla tignan si Jeipher pero, Violet kasi ang sinusuot netong t-shirt. Lumapit siya sa binata...
"Oo na, sorry na... Ano ba kasing pakulo mo ChemistryGeek?" Pagbasag ni Jeraiyah sa katahimikan... Tumingin siya kay Jeipher at tumingin din ito sa kanya.. Pero binalik ng binata ang paningin niya sa view, inakbayan si Jeraiyah at nagsalita,
"Gusto lang kitang tanungin... Pwede bang maging tayo?" At tinignan ng binata si Jeraiyah. Namumula na parang kamatis si Jeraiyah kasi, hindi niya inaakala na tatanungin siya ng binata ng ganun.
"A-ah.. T-tayo? A-ah~~" Nauutal-utal na tanong ni Jeraiyah, eh hindi niya alam kung ano ang sagutin eh. Napatawa naman ng mahina si Jeipher at nagsalita, "I'll take that as a yes... So, let's go Miss "
=========================
*Jeraiyah's POV*
WTH. Ang bilis, wooh! Talaga bang mahal ko na siya? Nakapag-move on na ba ako? Oo, yan ang palagay ko pero, hindi ba't ang dali lang naman. Wait. Madali lang ba? Hindi naman siguro...
"Naku, bina-bother ba kita pati sa thoughts mo? Naku pasensya na Miss... *winks* " Hayssss *insert facepalm* kanina pa siyang ganyan. Totoo naman pero, ang gwapo niya eh.
EHHHH????!!!!!!!!!! WHAT'S HAPPENING TO ME?? O GHAD, HELP.
=========================
A/N: 3-5 Chapters na siguro po ang mapu-publish ko tsaka ko na ma-complete.
~Ootor
BINABASA MO ANG
Coincidence
Teen FictionHe’ll always remember, it was late afternoon. Nakita niya ang babaeng hindi niya akalaing mamahalin niya. May babalik, may masasaktan, may mapipilitan. May masasaya, may mababaliw. He taught her to learn to accept the fact that someone left already...