The Letter Changes it All...

35 5 2
                                    

Chapter 6

[[Wala ng point *insert wink]]

*Jeirayah’s POV*

Uggghh... *yaaawn. Ang sakit ng ulo ko men. Eto pala ang sinasabi ni Kuya noon na hang over? Shimness. Buti nalang di schoolday ngayon.. Aisshtt

“Oh, wag’ ka nang matulog ulit. Better kick off from the bed and have breakfast.” syempre sino pang ibang kasama ko sa kwarto? Edi si Kuya.

Lumabas na siya ng kwarto. Edi inayos ko na lang rin yung higaan ko. Tapos pumunta na rin sa kusina.

“Morning Pa, Ya.” bati ko sa mga lalaki ng buhay ko. Hmmm? Anyare sa dalawang to? Makakain na nga..

Sarap ng pagkain ah! Bet ko si Papa ang nagluto. Sarap eh. Sa’n pa ako nagmana? Well, chef kasi dati si Papa sa Restaurant ni Jenny noon.

“Ayah, may dumating na tao dito kagabi. Hinanap ka pero tulog ka na eh.” ~Papa. Oh? Di nga? Baka si Jerald?

“Sinuntok namin. At nanghingi na ng tawad. Dapat kalimutan mo na siya.” ~Kuya. Ano?!!

“Ha? Sino yun?? Grabe, ang brutal niyo Ya at Pa ha?” natatawa kong sabi. Baka kasi joke?

“Si Jeipher. Buti lang yun sa kanya kaya dapat kalimutan mo na siya. Basahin mo yung letter na nasa table malapit sa bed mo. Bigay niya yun sayo. Pagkatapos mong basahin, sikapin mong kalimutan siya kasi di siya karapat dapat.” seryosong sabi ni Papa.

Si Jeipher?? Pumunta dito?? Pupa ng paro-paro! Iniiwan na niya talaga ako?! Ang sakit... Sobra...

Makaalis na nga... “Kuya, Pa... Nawalan po ako ng gana. Pwede ho bang umuna? Masakit pa din kasi ulo ko.”

“Hmmm? Ge, basta kain ka mamaya pag nagutom ka ah? Aalis si Kuya eh, may sasabihin daw si Pa Cosme. Yung papa ni Geraldine?” hmm? Baka magkakaayos na sila? Tumango naman ako at dumiretso sa kwarto.

Agad-agad kong kinuha yung sinabi ni Papa na letter. Kaya ko to. Basta si Papa ang nagsabi, siya ang tama. Pag sabihin niyang di karapatdapat yung tao, talagang totoo yung sinasabi niya. Pareho nung pinapahirapan ako nung ex-bestfriends ko na hater ko pala, sabi ni Papa wag na daw silang kaibiganin. Kaya mo to Jeraiyah, isipin mo hindi tadhana ang nagtagpo sa inyo....

Jeraiyah,

Alam ko na galit ka. Oo dapat lang. Kasi di kita sineryoso. Kasi alam kong iiwan lang din kita. May mga bagay-bagay pang mas mahalagang asikasuhin kaysa sa sitwasyon natin. Masarap kang mahalin, oo. Kaya lang hindi ganun kadali takasan ang iba kong dapat atupagin. Hindi kita mailagay sa una kong prioridad. Kalimutan mo na ako. Kasi yung dahilan na nagkaka-ibigan na tayo, coincidence lang. Yung nahulog ko yung bracelet ko, coincidence lang. Nung nagkasundo tayong magbet sa Chemistry, coincidence lang. Coincidence. Yan, hindi fate o tadhana ang nagtagpo satin... Akala lang natin yun pero COINCIDENCE lang yun. Kalimutan mo na ako Jeraiyah. Kasi kami ng half-sister mo ang nakatadhana.

-Jeipher

PS. Sabi pala ng mama mo, hindi ka na daw niya itutuloy ng Mexico. Kasi sinadya lang niya yun para maka-sigurado na masaktan ka niya. Oo Ayah, kung drama man ang buhay mo... Kami yung kontrabida.

.

.

.

.

Coincidence? Haha. Ang bobo ko. ANG BOBO BOBO KO! Syet. Ba’t ba ngayong alam ko na, ang dali lang pala ma-analyze ang mangyayari! Alam niyo yung feeling?! Alam kong hindi! Akala ko, sa mga teleserye lang nangyayari tong pinaglalaruan ang damdamin ng tao!

**creaakkkk

Huh?? Jerald??

“A-ayah? Anong nangyari sayo??” agad naman niya akong nilapitan sa kama ko. Hindi ko mapigilang umiyak. Pinapatahan niya ako pero mas lalo akong naiiyak. Sana siya nalang. Sana siya nalang yung minahal ko. Hindi naman kasi ako manhid para maramdaman na mahal niya ako. Niyakap niya ako... Sana ikaw nalang...

Pumigil siya sa pagkakayakap niya sakin at hinawakan yung balikat ko. Tas binitawan. Hala, awkward? ---“Alam mo? Pag nakita ko uli yang Jeipher na yan, bubugbugin ko yan eh! Tamo sarili mo, ganyan ka ba kahina?!”

Pfffftttt~ alam niyo yung feeling? Diba nga tahimik to? Nababaguhan lang talaga ako. Pffffttt~

“Oh?! Anong pinipigil pigilan mong tawa jan?! Seryoso nga kasi ako, bubugbugin ko yun! Psh!” alam niyo? Ang cute niyang magalit! Hahaha

“Alam mo? Iwan nalang kaya kita? Baka nabubuang ka lang dito eh... Iiyak tapos pipigilang tumawa. Yung totoo? Akala ko nag-eemote ka eh. Aish” tapos nag-pout siya. Hahahaha ang cute talagaa

“Huwag ka ngang mag-pout. Haha eh kasi nakakatawa ka. Oo nga masakit yung ginawa niyang panloko saken. Hahaha ang... Ang sakit sakit nga eh..” shimz talaga ba’t ganito? Ba’t everytime na tumingin si Jerald saken... Ang sakit?

“Alam mo? Ice cream lang kulang nyan’... Tara movie marathon tayo? Dito sa bahay niyo lang?” ang adik talaga neto... Malaki ang pinagbago..

“Game”

=============================

After ilang days... Natapos na yung school year namin.. Ang saya nga eh, sobra! Lalo na nag-guest si Kuya Jeremy at Kuya Jeep! Sorry naman di ko pala alam ang lakas pala nila sa mga teachers! Hahaha ewan ko din kung anong meron sa kanila, di naman medyo kagwapuhan, gentleman... Nga pala sila yung naging host namen hahahaha.

Kamusta barkada ko? Okay lang kami, actually whole section namin is sooo AWESOME! Kami lang yung section na sobrang ingay at united! Isama niyo din si Jerald, parang naging classmate namin ulit siya.

Si Tessy at si Albieee?????? Sila na mheeen! Pero alam niyo naman overprotective ako, at insert may bitterness pa. So ayun, sila pa rin. Hahahaha XD.

Pano naman ako? Nagbago daw ako. MAS naging BRUTAL. MAS madaling MAGALIT. Pero sabi din nila, MAS naging CARING, SWEET at PROTECTIVE din ako sa kanila. Awieee :)) And last, I hate Chemistry already.

Well, everyone changes. Sabi nga niya nung minsan “May aalis kasi may dadating”, siguro hindi talaga siya yung the one. Hindi niya napatunayan na hindi siya aalis. Gaya nung answer niya sa English. Hindi ako magpapakamatay o magpapakabuang dahil lang sa kanya, baka hindi ko makita pa yung lalakeng para talaga saken.

Alam niyo yun, hindi ibig sabihin yung taong sumagip sayo sa pagkakahulog sa ere, siya na yung the one mo? Hindi. Pwedeng isa din siya sa maghuhulog sayo sa ere. Wag’ kayong umasa masyado, lalo na pag hindi mo talaga siya kilala.

Kaya pala sinabi niya nung minsan... May taong tago ng tago kasi hinahabol habol siya ng taong nagmamahal sa kanya. May mga tao namang iyak ng iyak dahil sa iniwan siya ng minamahal niya.” kasi pala, may tinatakbuhan siya. Ang bobo din niya no? Edi lumabas na sana siya ng bansa para di siya makita. Bobits talaga. Tas, pwede naman niyang kumprontahin kung di niya talaga mahal yung tao. Tss. Bobo mo Jeipher.

Pero sabi naman niya dati, “Pero, kahit ano naman daw mangyari eh... Dadating din daw ang taong para sayo.”

Alam ko, hindi pa siya si The One. Isa lang siya sa mga Romeo na madadaanan ko makita ko ang taong para saken. Isa lang siya sa mga taong magtuturo saken kung ano talaga ang totoong pag-ibig... Hindi man literally pero, sa mga pagkukulang niya.

Dahil ang pagkakakilala ko sa Jeipher Xyack na yun? Hindi isang coincidence. Kundi isang decisyon na tinadhana para makilala ko siya at iwanan niya akong mas malakas.

CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon