-///Three///- Pain

126 6 1
                                    

Naka move on na ako!!!

-///Three///- Pain

*Denise's POV*

Isang buwan na ang nakalipas simula ng nakipagbreak ako sa kanya..

Sinunod naman niya ang sinabi niya at lumayo nga siya sa akin

Mas okay na yun....

Hindi kami nagpapansinan, walang usap usap, kapag nagkakasalubong kami diretso lang ang tingin niya

Siguro naka move on na siya....

Kaya ako naman ngayon ang magmomove on isang buwan na ang nakalipas pero sariwa parin ang sugat dito sa puso ko, sugat na ginawa ko....

Ako ang may gusto nito kaya dapat ko tong panindigan....

"Denise nakatulala ka nanaman jan"-Carissa

"Huh?! ah ehhh wala...may naalala lang ako"

"Mahal mo pa rin noh?"

"Huh?!"

"Naku nga wag mo ng itago sa akin yan,alam ko naman na si Eros parin ang iniisip mo"

"Hindi ko naman siya agad malilimutan ng ganun eh,lalong lalo na siya ang First boyfriend ko ang kaunaunahang lalaki na minahal ko talaga"

"Kahit na hindi ko pa nararamdaman yang nararamdaman mo,naiintindihan kita"

"Salamat,bestfriend talaga kita"

"what are friends are for kung hindi kita dadamayan diba...pero advice lang unti unti mo narin siyang kalimutan, mahirap na.... siya naka move on na...pero ikaw hindi pa,subukan mong magmove on, kasi pag hindi ka pa magmo-move on masasaktan ka lang lalo"

"Susubukan ko"

"Wag mong subukan gawin mo"

-----------------

3 months later.......

Tatlong buwan na ang nakalipas, pero sa mga dumaang araw ba...masasabi kong naka move on na ako???

Ang sagot lang jan ang isang malaking....

NO!!!

Sa tuwing gusto ko siyang kalimutan, parang mas lalong lumalalim ung nararamdaman ko

Sinusubukan ko namang magmove on pero hindi ko makaya,dahil sa tuwing nakikita ko siya,bumabalik ang lahat...

Ang sakit lang, ung tipong gusto mo na siya kalimutan pero hindi mo magawa....

Tapos minsan maiisip mo pa....

'Naka move on kaya siya?'

'Mahal niya pa kaya ako?'

'Naiisip niya kaya ako?'

At....

'May iba na kaya siya?'

Iyan lang naman lagi ang mga katanungang lagi nasa isip ko eh...

Mga katanungang siya lang ang makakapagsabi....

"Ouch!!!, pwede ba tumingin ka naman sa dinaraanan mo!!"mataray na sabi nung babae

Haayyy...

Lumilipad nanaman pala ung utak ko...

Nawawala tuloy ako sa sarili ko, hindi ko namalayan na may mabubunggo na ako...

Pero ang mas lalong hindi ko namalayan ang taong nasa harap ko....

</3

Ang sakit.....

*******

Vote and comment po..

Sorry po sa pabitin ihihi

Baka matagalan po ang next chapter

Naka Move On na Ako!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon