-///Seven///-

19 1 0
                                    

Author's Note (MUST READ!)

For so many years nakapagupdate din ako rito. Sorry po. Naging busy lang dahil sa college life. Tsaka nakalimutan ko na rin ung dapat na isusunod kong isusulat kaya iyun po. Sana po subaybayan nyo pa rin po itong storyang kong ito.

------------------------------------------


-///Seven///-

*Carissa's POV*

"Sa tingin niyo tama ung ginawa natin?"tanong ko sa mga kaibigan ko

"Sa totoo lang nakonsensya ako nung makita kong umiiyak si Denise"-Airene

"Ako din" sabi nila

Nakakakonsensya naman talaga makita mong umiiyak ng ganun ung kaibigan mo dahil sa ginawa niyo na wala nmang katotohanan diba?

"Pero naging maayos naman diba, hindi niya na masyadong naalala si Eros siguro talagang nag momove on na siya ngayon"- Nicole

"Siguro nga..."sangayon naman namin

"Hey guys ang seseryoso niyo naman ata...anong pinauusapan niyo?" tanong ng kadarating na si Denise nandito nga pala kami sa starbucks

"Wala naman" sagot namin kung alam mo lang ikaw naman talaga ang pinaguusapan namin

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng ginawa namin ang panloloko kay Denise...so far so good dahil talagang sinusubukan na ni Denise na kalimutan si Eros

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ng biglang napansin ko na napahinto si Denise at parang may tinititigan kaya napatingin ako dun

Oh My!!!

Siniko ko si Nicole na katabi ko sa kaliwa kasi nasa kanan ko si Denise at nginuso kung saan nakatingin si Denise

"Tss"sabi ni Nicole

Napansin din naman ng iba yun kaya napatigil sila sa pagkwekwentuhan kailangan na naming umalis sa lugar na to...

"Ahm tara punta tayong mall nakakasawa na dito eh" sabi ni Airene

"oo nga tara na walang gwapo dito eh" sabi naman ni Nicole na nagpatawa sa amin at nagsitayuan narin kami

"Denise...."tawag ko sa kanya....at nagnod lang siya

*MALL*

Nagikot ikot at nagtingin tingin lang kami kumbaga window shopping lang ahaha wala kasing pambili ganyan talaga ang mga mayayaman ahahah. Pero habang nagiikot kami pansin namin na ang lalim nanaman ng iniisip ni Denise kung alam niyo lang madaldal talaga tong si Denise pero pag wala sa mood tahimik at tatango tango lang kaya malalaman mo agad na wala siya sa mood...sila Nicole nga nagpapatawa na para lang maging okay na ulit si Denise haayy ang hirap talaga kapag nain...........................love ka

Napatigil ako nung madako ang paningin ko sa isang lugar.....at nakita ko ang isang tao dun na ayaw kong makita....

Bumilis ang tibok ng puso ko ng magsalubong ang tingin namin.....ayaw ko ng ganito...ayoko na....

"Ahm guys bilis dun tayo..."sabi ko at naglakad ng mabilis

"Huy Carissa wait lang naman masyado kang nagmamadali" Clariz

Lakad lang ako ng lakad alam ko naman mga nakasunod lang yung mga yun....hanggang sa nakarating kami sa NBS tumingin tingin ako sa paligid ng mapansin kong wala na siya ay napahinga na ako ng maayos

'Haayy salamat naman at wala na siya' sabay kuha ko ng isang libro at tinignan ito

"Carissa..."

"Ay palakang kokak!!!!" gulat na sabi ko... napatakip tuloy ako ng bibig at gulat na gulat din kung sino ang nasa harap ko ngayon

"N-Nathan he-he-he"

"Pinagtataguan mo ba ako?" seryosong tanong niya

"Huh?! ikaw p-pagtataguan ko? Hindi no..." sabi ko wooohh kaya mo yan Carissa

"Eh bakit feeling ko nilalayuan mo ako...galit ka ba sa akin?"

"Huh? hindi no feeling mo lang yun ehehe" kung alam mo lang Nathan

"Carissa pwede ka bang makausap?" tanong niya hindi pa ba kami naguusap ng lagay na to

"Naguusap na kaya tayo"

"No what i mean is ung tayong dalawa hindi dito..."

"aahh eehhh...." sabay hawak ko sa batok ko at tumingin tingin sa paligid

Ano ba Carissa magsalita ka!!!

"Nathan kasi hindi ako pwede eh kasama ko mga kaibigan ko"

"Kahit sandali lang please..."

Waaahhh shemay ayoko na talaga ung puso ko sasabog na hindi ko alam kung kinikilig ba ako o nasasaktan gusto kong ngumite pero parang gusto ko rin umiyak waahhhh nagiging abnormal na ako...

"Nathan kasi...."

"Carissa tara na..." tawag sa akin ni Clariz

"Sorry Nathan hindi talaga pwede maybe next time" sabi ko nalang at tumalikod na sa kanya

Sorry talaga Nathan pero hindi pa ngayon ang tamang time maybe next time na magkita tayo ulit handa na ako

Handa na akong harapin ka ng walang pagaalinlangan

Ung hindi na ako nahihirapan at nasasaktan ng ganito

Sorry Nathan pero hanggang ngayon kasi Mahal pa rin kita...

---------------------------------

A/N

BOOM!!! ahaha

Alam ko po na ang lame hindi nyo na kailangan sabihin ahahah

VOTE AND COMMENT PO PLSSS>

~GurlyMusic

Naka Move On na Ako!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon