-///One///- Break up

196 6 1
                                        

Naka move on na ako!!!

-///One///- Break up

*Denise's POV*

To. Eros

4:00 pm mamaya sa Park, Magusap tayo may importante akong sasabihin sayo

Sent...

From: Eros

Ok...I miss you :-*

Nang mabasa ko ung text niya bigla nalang kumirot ang dibdib ko at tumulo ang mga luha ko, hindi ko na siya nireplyan dahil wala naman na akong dapat ireply pa...

Nandito na ako sa Park talagang inagahan ko ung pagpunta ko dito,Para maihanda ko narin ung sarili ko, ayaw ko naman nitong gagawin ko eh pero kailangan....

4:30 pm

He' s Late

Nasaan na kaya ung lalaking yun...

Lumingon Lingon ako para hanapin siya...

Ng biglang may nagtakip ng mata ko...

"Guess Who?" ung boses na yun, ung boses na mamimiss ko,ung boses na kailangan ko ng kalimutan

"Eros...."at tinanggal niya na ung kamay niya at humarap na ako sa kanya

Ang ganda ng ngiti niya,pero pagkatapos ba ng paguusap namin iyan parin ang makikita ko?

"Ahaha kilang kilala mo talaga ako,sorry late ako dumaan pa kasi ako sa flower shop eh, Oh ito flowers for you"sabay abot ng bulaklak sa akin

Tinitigan ko lang ito, at seryoso parin ang itsura ko, gusto ko tong kunin pero wala na akong karapatan...

"May problema ba?"tanong niya sa akin

"Hindi ko na to patatagalin pa Eros,Sana maintindihan mo"

Nakita kong naguguluhan na siya sa inaakto ko...

Mahal kita Eros...

Pero sana mapatawad mo ako...

"Anong ibig mong sabihin?"naguguluhang tanong niya

"I...Im Breaking up with you"

Naka Move On na Ako!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon