-///Four///- New Girlfriend
*Denise's POV*
Hindi ko alam kung anong gagawin ko gusto ko ng umalis pero ayaw gumalaw ng mga paa ko
Nasasaktan ako....
Oo sobra akong nasasaktan,Lalo na ngayon....
"Denise..."tawag niya sa akin,
Namimiss ko na siya,gusto ko na nga siyang yakapin eh pero hindi pwede,
"You know this girl?"tanong nung babae
"Ahm yeah,she's my.........
........Ex"
Ang sakit pala, ang sakit na sa kanya manggaling na ako ay isang ex nalang niya
"Owww, shes the girl that your talking about"
Ikinukweto ako ni Eros sa kanya?
"Yeah"sabi ni Eros
"Ahh the girl who left you, and also the girl who hurted you.....
.....by the way Im Kimberly, Eros's New girlfriend"talagang pinagdiinan niya ung new, pasalamat siya dahil Broken hearted ako ngayon kundi nasabunutan ko na tong babaeng parang clown na to paano ba naman sobrong puti ng mukha parang isinubsob na sa harina ung mukha
Okay...
Inaaamin ko nagseselos ako...
Pero wala na akong karapatan pang magselos
Dahil wala na kami....
Nakipagshake hands ako sa kanya at nakipagkilala
"Aah ahm sige alis na ako baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko"sabi ko at tumakbo na paalis
Dahil kung hindi pa ako aalis hindi ko na kakayanin pa, baka sumabog na ako sa sakit na nararamdaman ko
Takbo lang ako ng takbo, hanggang sa makarating ako sa garden ng school, wala kasing masyadong tao rito tsaka ito ang tambayan naming magkakaibigan....
Iyak lang ako ng iyak....
Ang sakit...
Sobrang sakit....
Bakit naman kasi ganun eh..
Ang bilis bilis naman niya akong palitan...
Ilang buwan palang naman ang nakalilipas ah pero bakit ganun...
Bakit may iba na agad siya...
Oo wala akong karapatan para pigilan siyang magmahal ng iba
Sino ba naman ako, isa lang naman ako sa mga naging ex niya
Siguro wala na talaga, wala na siyang nararamdaman sa akin,
May mahal na siyang iba eh...
Ang sakit, sakit talaga....
Habang nakadukduk ako sa mga tuhod ko eh ng may biglang nagtext sa akin
From: Bff Carissa
Denise nasaan ka?
To: Bff Carissa
Garden
Sent...
Iyak lang ako ng iyak....
Ewan ko ba sa sarili ko...
Ako ang may kasalanan...
Ako ang nakipagbreak pero ako pa ung iyak ng iyak....
"Denise..."ng marinig kong may tumawag sa akin napa-angat ako ng mukha at doon ko nakita ung mga kaibigan ko, napatakbo ako sa kanila at niyakap sila
"Denise...anong problema?"-Carissa
"W-wala na......m-may iba na siya.....may iba na siyang m-mahal...."sabi ko habang umiiyak
"Alam mo na?"-Ella at nagnod nalang ako
"Sshhh Denise wag ka na umiyak"-Jacky
"Alam mo Denise, ung mga lalaking yan hindi iniiyakan, lalo na yang Eros na yan"-Nicole
"Hay naku pag nakita ko talaga yang Eros na yan sa amin bubugbugin ko"-Ella, magpinsan kasi sila kaya ganun
"Hindi mo na kailangan gawinyun Ella, ako naman ang may kasalanan eh, at wala siyang alam"sabi ko nalang
"Ano namang plano mo ngayon, iiyak ka nalang ba jan, Denise move on!!!, kung siya naka move on na, kaya mo din, kaya mo siyang kalimutan, kaya mo siyang palitan jan sa puso mo, may mas hihigit pa sa kanya"-Nicole
Tama....
Kung hindi pa ako magmo-move on...masasaktan lang lalo ako....
Pero kaya ko ba?
Kaya ko bang kalimutan ang kaunaunahang lalaking minahal ko....
Ang naging Firstboyfriend ko?!
Pero kung si Eros na kaya akong kalimutan at palitan siguro kakayanin ko rin gawin yun....
At bago ko makalimutan ako nga pala si Denise Ann Guttierez....
Matapang ako....
Palaban....
Kaya lahat kakayanin ko...
Hindi dapat ako magpaapekto sa New Girlfriend niya....
![](https://img.wattpad.com/cover/13741043-288-k61304.jpg)
BINABASA MO ANG
Naka Move On na Ako!!!
Novela Juvenil'Hindi ko na siya mahal, at wala na akong paki sa kanya, Nakalimutan ko na siya at NAKA MOVE ON NA AKO!!!!' Iyan lang naman ang laging sinasabi pero ang totoo HINDI PA!!!, naka move on ka na nga ba talaga?, sabihin nating ang isip mo naka move on na...