***
Tumayo pa ako sa parking lot ng ilang minuto at dumiretso na ako sa cr upang ayusin ang sarili ko. Namumugto na ang mata ko kakaiyak kanina.
Late narin naman ako kaya hindi nalang ako papasok sa first sub. ko at for sure nandun narin si Timothy. Hindi ko pa kayang makita sya.
Pagkalabas ko sa cr ay pumunta muna ako sa library upang magpalipas oras. Kinuha ko narin ang notes ko at nagbasa. Nireview ko nalang ang mga notes ko upang makalimutan ang mga nangari.
Dahil sa nalibang na ako sa pagbabasa ay di ko namalayan na patapos na pala ang break time namin. Pagkatapos kasi ng first sub. ay break tapos literature na.
Pumunta nalang ako sa cafeteria at bumili ng sandwich at juice upang hindi ako malipasan ng gutom.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa next class at saktong nakita ko naman si Claire at Vanessa na nakaupo at nagkekwentuhan. Habang si Ivy naman ay tahimik lang na nagbabasa sa gilid nila. Tss bookwork parin hanggang ngayon.
Dumeretso nalang ako sa upuan ko. Pansin ko naman na natigilan sila sa pag uusap ng nakita ako.
"Oh? Anyare te? Bat mukhang byernesanto na naman yang mukha mo? Ngayon na nga lang ulit tayo nakumpleto e." Vanessa said. Pansin ko naman ang pagtigil ni Ivy sa pagbabasa at tinignan ako. Inirapan ko nalang sya. Natawa naman sya sa inasta ko. Tss. Anong nakakatawa? Ihampas ko sa kanya yung libro nya e.
"Ano paba? Edi si Timothy! Si Timothy lang naman ang nagkakapag ganyan sa kanya e." Clair said. At sabay silang nagtawanan. Ugh! Kaya ayokong magkakasama kami e.
"Pwede ba! Tigilan nyo ko. Wala ako sa mood ngayon para makipagtalo sa inyo." Pagkasabi ko nun ay pumasok na ang prof. namin kaya tinigilan narin nila ako. Ramdam ko parin ang pagtitig nila sa gilid ko. Tss.
"Mag uusap tayo mamaya." Bulong ni Vanessa. Ugh! Guguluhin na naman nila ako.
Nakinig nalang ako sa prof. Maya maya pa ay nagring na. Hudyat na uwian na.
Hays. Gusto ko na talagang umuwi. Palabas na sana ako ng...
"Hoy. Babae san ka pupunta?" Sabi ni Claire sabay hatak sakin.
"San paba? Edi uuwi! Tss." Sabi ko at binawi ang braso ko.
Hinatak nya ulit. This time ay hinigpitan na nya. "Oy bitawan mo ko! Yung kuko mo tumatama sa balat ko. Kapag ako nagkasugat babalatan kita ng buhay." I said. Nakita ko namang namutla sya. I grinn may teeth. Natawa naman ako sa itsura nya.
"Grabe. Ang brutal mo parin!" Sabi nya sabay bitaw sa braso ko. "Anyway. Gusto ka lang naman namin makausap. Namimiss ko na yung bonding natin." She said with a wide smile. Tss. As if namang papayag ako.
"Yeah. Lets celebrate. Sa Titanum bar tayo." Vanessa said. Tss. Party goer nga pala tong si Vanessa.
"I agree. Sa Titanum bar tayo." Claire said. Tss. Isa pa to! Pagbuhulin ko silang dalawa e.
"Ayoko. Uuwi na ko. Nextime nalang." I said. Sabay hikab. "Atsaka inaantok na ko."
"Tss. Ang kj naman neto! Minsan lang naman e."
"Oo nga." Pagsang ayon ni Claire. Ugh! Talaga naman oh.
"Bakit ako lang ba? Kaya nyo na yang dalawa. I'm sure naman na hindi rin sasama si Ivy kasi magbabasa lang yan magdamag." I said habang nakatingin kay Ivy.
Tumingin rin sila Claire kay Ivy, at nagpuppy eyes silang dalawa. Tsk. Nagpacute pa! "Who said that i'm not going? Of course im going." She said with smirk.
YOU ARE READING
If your'e not the one
БоевикBakit ganun? Kahit anong gawin kong pagpapapansin hindi mo parin ako mapansin? Dahil ba sakanya ka nakatingin? Lahat naman ginagawa ko na pero wala parin. Nakakapagod na. :( Kailan mo marerealize yung halaga ko? Kapag wala na ako sa tabi mo at sumuk...