Kabanata 3: Pusa Yung Narinig Ko

168 5 0
                                    

****

Panandaliang uuwi sa probinsya si Aling Lalaine. Dalawang araw sya doon. Sanay ng maiwan sa bahay ang tatlo. Ligtas naman ang neighborhood nila. Isa itong compound ng kanilang mga kamag-anak. Looban kung tawagin.

"Paalis na 'ko. Kayo ng bahala dito. Yung mga bilin ko ha. Mag lock kayo ng pinto mamayang gabi at tipirin nyo yung kuryente, kapag tumaas ang electric bill kayo ibabayad ko sa Meralco." Utos ni Aling Lalaine, dala-dala ang isang malaking shoulder bag. "Peter si Joshua wag palalabasin."

"Opo ma." Sagot ni Peter.

****

Naglalaro sa computer si Peter habang si Joshua naman ay pinapanood sya. Naiwan si Jayson sa kusina. Magluluto sya ng meryenda ng may kumuha ng kanyang atensyon...

Meow.......

Narinig ni Jason ang mahinang tunog ng isang pusa na nawa'y nanggagaling sa may sala.

"Kuya Peter, nagpasok yata ng pusa si Joshua!"

Pumunta si Jayson sa sala at hinanap ang pusa ngunit hindi nya ito makita. Umakyat siguro sa itaas, wari ni Jayson. Paakyat na sya ng hagdan ng biglang...

Meow.......

Nanggagaling ito sa Christmas tree. Lumapit dito si Jayson. Iniisip nya'y nagtatago sa likod nito ang pusa. Sinubukan nyang hawiin ang mga dahon ngunit wala syang nakita. Napatingin sya sa mga palamuting hugis pusa ng puno.

San galing yun? Pusa yung narinig ko. Napakamot na lng ng ulo si Jayson. Gutom na siguro 'ko. Naisip din nya na bakit pusa ung design? Wala naman koneksyon sa pasko. Tinignan nya maigi ang palamuti. Yari ito sa bronze, may kabigatan. Ngayon nya lang din napansin na nanlilisik ang mata nito. Nakakatakot naman 'to, bakit mukhang galit?

Nagluto ng pancit canton si Jayson. Pagka tapos nya kumain, humiga sya sa sofa at nanood ng paborito nyang anime habang balot ng kumot at yakap ang malambot na sofa pillow. Naisip nya rin na i-download mamaya yung new episodes ng pinapanood nya.
.
.
.
.
.
.
.
.

Lumipas ang ilang oras. Napansin na lang nya na unti-unting dumilim at tumahimik ang paligid. Nagulat na lang sya dahil iba na ang kanyang pinapanood sa TV. Ang nsa screen ay isang bahay na may lumang disenyo na tila mula pa nung panahon ng Kastila. Hating gabi at wala syang ibang naririnig sa pinapanood. Bigla syang may nakitang itim na pigura na nakaupo sa bubong. Tinitigan nya itong mabuti ngunit hindi nya maaninag. Tumalon ang itim na pigura mula sa bubong at naglaho. Maya-maya ay nagpakita ulit ito, dahan-dahan itong gumagapang palapit sa screen na para bang tinitignan sya at lalabas mula sa TV. Natakot si Jayson. May mahahabang braso at daliri ito, gusto nyang tumakbo ngunit hindi sya maka galaw. Gusto nyang sumigaw ngunit nawalan sya ng boses.

Sa may di kalayuan ay may nakita syang mga kulay itim na hugis tao. Naglalakad ito papunta sa kanya. Madilim ngunit sinubukan parin niyang aninagin. Napansin nya na hulmang tao, mabalahibo ang mga ito at pusa ang kanilang mga ulo.

Bumulong ang isa sa mga taong pusa...

Kame ang tagapagbantay...

Ang isa sa kanila ay tumuro sa TV. Pagkatapos ay tumuro naman ito sa Christmas tree...

Nandyan sya...

Nagtatago...

Nagbabantay...

Naghihintay...

Sino sya?!! Anung kailangan nya?!! Anung hinihintay nya?!! Sigaw ni Jason ngunit wala syang boses.

Anung hinihintay nya?!!!!!! Iyak ni Jayson.

Lumakad papalapit sa kanya ang isa sa mga taong pusa at bumulong...

Ang patayin kayong lahat...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Kuya Jayson!" Sigaw ni Joshua.

"Binabangungot ka." Nag-aalalang sinabi ni Peter. "Dami mo kaseng nakain, pancit canton pa more! Anu, okay ka lang?" Pang-aasar ng kapatid.

Kumuha ng lakas si Jayson upang umupo at hinabol ang kanyang hininga. Maliwanag ang sala. Ang anime na kanyang pinapanood ang nasa TV at nasa harapan nya ang dalawa nyang mga kapatid. Bumuntong hininga sya.

Panaginip lang, salamat...

Lumingon sya sa Christmas tree at tinignan ang mga palamuti nito. Bigla siyang napa isip.

Ang mga taong pusa... Totoo ba yung panaginip ko?

ITUTULOY...

Author's Note: Maraming Salamat Po Sa Pagbabasa!

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa Likod Ng Christmas TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon