Kabanata 5: Hanapin Mo Ako

172 2 0
                                    

****

Napaluhod sa takot at gulat si Aling Lalaine sa nakitang mga mantsa ng dugo sa kanyang anak na si Jayson. Niyakap nya ito at naramdamang nanginginig sa takot ang anak. Tumawag agad ng pulis si Peter at kinalma ang kanyang ina at kapatid. Si Joshua ay umiiyak sa may hagdanan, tinatanaw ang mga eksena sa sala, hindi makapaniwala sa mga dugong nakikita at bahagyang tumitingin sa Christmas tree.

Sa Police Station ipinaliwanag ni Jayson ang mga pangyayari. Ayon sa mga pulis, mahirap paniwalaan ang kwento ng bata. Baka naalimpungatan o nanaginip lang si Jayson, paniwala ng mga imbestigador. Tinignan din nila ang anggulong baka may nakapasok sa bahay ng mga Francisco. Sinuri din nila ang bahay ng mag-anak at CCTV ng baranggay ngunit walang natagpuang suspect.

Ipinasuri ang daliri ni Jayson. Ayon sa cut mark, hindi daw ito kagat ng isang tao, isang malaki at matulis na bagay daw ang ginamit dito. Ipinaliwanag kay Aling Lalaine na maaaring may matalas na bagay na nasa Christmas tree na ginamit ng anak para mag self harm na mariing itinanggi ni Aling Lalaine. Pero hindi maiwasang sumagi sa isip ni Aling Lalaine na baka totoo. Naalala nya ang mga tansong pusa sa puno.

Ipina confine ni Aling Lalaine si Jayson sa ospital. Ayon sa kanya, na shock at inatake ng asthma ito at hindi pa handang umuwi sa kanilang tahanan. Ayaw din kumain ni Jayson kaya nanghina ang kanyang katawan. Ipinabantay muna ni Aling Lalaine ang anak sa panganay na si Peter. Si Joshua naman ay maiiwan muna sa kanilang tiyahin.

Nakahiga si Jayson sa hospital bed. Tulala at malayo ang tingin. Kinausap nya ang kanyang kapatid.

"Walang naniniwala sakin kuya. Hindi ako nananaginip. Alam ko yung pagkakaiba ng gising sa tulog. At gising ako nun. Gising na gising. Totoo lahat ng sinasabi ko. May halimaw sa Christmas tree. Hindi tao yung nakita ko. Sa kung anu mang dahilan, nandun sya. Yung mga pusa hindi yun basta decoration. Sa totoo lang hindi ko alam kung anu sila pero kung anu man yung nasa Christmas tree, binabantayan nila na wag makalabas."

Walang masabi si Peter. Iniisip nya baka nababaliw na ang kapatid. Wala syang makitang rason para mag imbento ito ng mga guni-guning halimaw. Kilalang kilala nya ang kapatid, pakiramdam nya nga mas kilala pa nya ito kaysa sa kanilang magulang. Masayahin ito, palabiro at pilyo. "Kumain ka Jayson kahit konti." Inilagay ni Peter sa kama ang hospital tray ng pagkain.

Napansin ni Jayson na hindi sya matignan sa mata ng kapatid. "Wag nyo kong tratuhing baliw. Nasa katinuan ako. Gusto ko lang iligtas pamilya natin. Kung ayaw niyong maniwala, please kuya, itapon nyo na lang yung Christmas tree. Ipamigay nyo, sunugin nyo, basta alisin nyo sa bahay natin. Yun na lang yung pakiusap ko."

Bumuntong hininga si Peter. Tumango na lang ito at kumuha ng maiinom ng kapatid.

****

Ilalabas na ng ospital si Jayson. Sumalubong sa kanya ang ina at dalawa nyang kapatid. Tinignan nya si Peter, umaasang may pagkaka intindihan sila na sana ay wala na yung puno sa kanilang bahay. Lumapit sya sa kapatid na si Joshua at binulungan ito, "Wala na yung puno sa bahay, wag ka ng matakot." Nakwento kase sa kanya ni Peter na ayaw ng umuwi nito sa kanila at gustong magpa iwan sa kanilang tiyahin.

Nang makarating sila sa bahay, nakahinga ng maayos si Jayson dahil nakita nyang wala na ang puno sa sala. Umupo sya sa sofa at tumingin sa kinalalagyan ng puno. Hindi parin nya makalimutan ang pangyayari ngunit panatag na ang loob nya dahil wala na ang puno.

Sa Likod Ng Christmas TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon