˗ˏˋ 6 ˎˊ˗

376 2 1
                                    


a & a

Iniintay 'ko ngayon si Andrew sa gym, Huling araw na ng practice nila para sa Championships. Hindi niya na nga ako napansing dumating dito sa sobrang seryoso ng pagprapractice at pag-eexercise.

"Oh, Break muna!" Sabi ni Coach Francisco, nag takbuhan ang ibang varsity players sa drinking fountain at iba naman naupo sa mga bench na nakapalibot sa gym.

Papaupo sana si Andy kaso natigilan siya nang makita ako na nagiintay sa kanya. Kinawayan ko siya at bumaba palapit sa kanya.

"Sa sobrang busy mo, hindi mo napansing dumating ako dito."

"Hindi ah! Napansin kita kaya lang ayokong pagalitan ka ni Coach at paalisin dito." Sabi niya sabay kuha ng gatorade sa tabi ng gym bag niya.

"Umupo ka muna diyan matatapos na rin itong practice namin don't worry." Tipid siyang ngumiti sa akin at babalik na sana sa pila nila pero pinigilan 'ko siya.

"Huy! Pahiram phone." Maagap siyang tumingin sa akin, Nagtaka ako saglit sa inasta niya pero pinawalang bahala ko nalang iyon.

"Bakit?" May diin niyang sabi. 'What the hell?' I thought.

"Wala naman maglalaro lang ng games habang hinihintay ka." Sabi ko, "At tsaka no bat na rin ako eh kaya pahiram, please." Dagdag ko sabay ngiti. Binigay niya sa akin ang phone niya at sinalubong ako ng passcode.

"Oh, May password ka na? Dati wala ah?"

"Ah, Oo chinechek kasi nila mommy yung phone ko.. Eh ayoko ng ganoon kaya nilagyan ko nalang ng passcode." Kinuha niya sa akin yung phone niya at tinipa ang passcode niya.

Gusto ko sanang tanungin kung ano yun pero tinawag na sila ni Coach, nagkipit balikat ako at naglaro nalang sa phone niya.

Makalipas ang isa pang mahabang oras, sa wakas natapos na rin ang practice nila. Marami pang pinaalala at sinabi ang Coach nila tungkol sa nalalapit na Championships bago sila pinaalis. Nilagay pa nga nila ang kanilang mga kanang kamay sa gitna ng maliit nilang bilog at itinaas ito sa ere habang sinisigaw ang salitang 'team'.

Matapos nilang gawin iyon agad siyang lumapit sa akin.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya

"Hmm.. sa The Grill gusto mo?" Tanong ko, parang gusto ko kasi ng grilled chicken.. Naimagine ko na tuloy iyong kakainin kong manok.

"Sige.. Text mo muna yung tita mo baka hanapin ka non." Kumuha siya ng towel sa bag niya at nagpaalam na maliligo.

Yun nga ginawa ko, Agad kong minessage si Tita para malaman niya na kakain kami ni Andy sa labas. Nakita ko ang isang text mula kay Aly kaya binuksan ko iyon.

Aly:
hOUYY :D

Ako:
Bakit??

Aly:
Samahan mo naman akong kumain ng dinner bessy.. I'm sad wala kasi si mom and dad.

Ako:
Sigi sama ka sa akin! Kita tayo sa gate :)

Aly:
Hehe sige seee youuu

"Ano tara na?" Tanong ni Andy medyo nagulat pa ako kasi parang ang bilis ng ligo niya.

"Tara." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Hinawakan niya yung kamay ko at nagtungo na sa gate ng school namin. And as expected nandoon na si Aly na gumagamit ng phone habang naghihintay.

"Aly!!" Tawag ko sa kanya, agad naman siyang napatingin sa amin. Napansin kong bumaba yung tingin niya magkahawak naming kamay.

Hindi ko alam kung magugulat ba ako sa reaksyon niya o sa biglaang pagbitiw ni Andy sa kamay ko.

Tiningnan ko ng pabalik balik ang dalawa hanggang nag sink in sa akin ang mga nangyayari.

Something is definitely happening.

"Ano, Aly? Tara na?" Tanong ko, tila ba hindi ko napansin ang kilos ng dalawa nang sabihinko iyon. Pero deep inside, gustong gusto ko silang kausapin pareho.

"H-Ha? Ah hindi na pala! Nagluto pala kasi si manang! Kaya next time nalang Mika." I somewhat felt disappointed and sad. Sana naman hindi yung rason na naiisip ko ang tunay niyang rason kung bakit ako iniiwasan.

"Ah ganon ba?" I asked, tumingin ako kay Andy at nakitang nakatingin lang siya sa sahig, tulala.

Tinawagan ni Aly yung driver nila at nagpasundo. Nagpapaiwan na siya pero I insisted na intayin namin ni Andy ang pagdating nung driver nila. Nang masundo na si Aly, agad akon lumingon kay Andy.

"Huwag na tayong kumain! Sa bahay nalang tayo nila tita mag dinner."

"Nagpaalam ka na sa tita mo eh! sa bahay nalang namin tayo kumain." Sabi niya, umoo naman ako dahil gusto ko rin naman kasi siyang kausapin.

At the end, nag commute kami papunta sa bahay nila since isang sakay lang naman iyon ng jeep.

Pagdatiing namin doon, agad siyang tumungo sa kwarto at ako naman naiwan sa sala. Habang naghihintay sa kanya kumuha ako ng magazine sa ilalim ng cofee table nila.

I noticed na halos puro pang wedding ang nandoon. Siguro may ikakasal na relative si Andy. So wala na akong magawa kundi ang magbasa ng isang magazine na tungkol doon.

Nang inilipat ko ang isang nay nalaglag na envelope na sealed. Binasa ko ang nasa harapan and found initials.

A & A

I was really tempted to open it but for their privacy, I didn't. Ibinalik ko iyon sa pagkakaipit at ibinalik na ang magazine. Sakto naman ang pagbaba ni Andrew sa hagdan nila.

"Let's go, naka hain na si manang."

"Sige susunod ako, sandali lang." I told him.

"Sige, sunod ka ah!" Lumapit pa siya sa akin para yakapin ako, "Hmm. Ang bango pa rin ng baby ko!"

"Heh! Sige na pumunta ka na don."

As soon as he left, Napasandal ako sa sofa dahil feeling ko kailangan ko ng suporta.

Because I really think something is going on.

--

maikling update kasi wala lang ehe

Tragedy between You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon