Prologue

83 18 53
                                    

P R O L O G U E

   Nagkatinginan silang dalawa ng ilang sandali hanggang sa narinig kong bumulong sya at may mga binitawang salita na hindi ko alam kong anong ibig sabihin. Ang alam ko lang ay pagkatapos nyang bigkasin ang mga ito ay naramdaman ko ang isang malakas na pwersa na humatak sa akin palayo sa kanila. 

Maraming hibla ng aking buhok ang humaharang sa aking paningin dahil sa lakas ng hangin. Napatili ako lalo na no'ng napagtanto ko na babagsak na ako sa lupa.

Sinubukan kong pigilan ang pwersa na humahatak sa akin pababa gamit ang kapangyarihan ko pero kahit akong gawin ko ay hindi ko 'to mapigilan. Nakaramdam ako ng sobrang init sa buong kong katawan kahit pa ang lakas ng hangin.

Sobrang init nito at sumisikip na rin ang dibdib ko. Napatingin ako sa suot kong kwintas at may liwanag na nanggagaling dito at ramdam ko na inuubos nito ang natitirang kong lakas dahil unti-unti akong nanlalambot.

Alam ko na ang ibig sabihin kung bakit ito lumiliwanag ngayon. Kasama 'to sa usapan namin.

Naramdaman ko na lamang ang isang malakas na pwersa nang tumama ang katawan ko sa isang malamig na semento.

Hindi ako makakilos sa sobrang panghihina..

Maya-maya pa ay nakita ko na lamang may nakakasilaw na liwanag na papunta sa direksyon ko at may malakas na tunog ang nanggagaling d'on..

May isang sasakyan ng mortal ang paparating at pwede ako nitong masagasaan anomang oras.

Hindi pwede.. May mission pa akong dapat gawin.

Sinubukan kong kumilos at tumayo mula sa pagkakahiga ngunit sobra akong nanlalambot kaya muli akong napasalampak sa lupa dahil na rin siguro sa sakit ng aking katawan na aking natamo mula sa pagkakabagsak mula sa langit at matinding pananakit ng aking ulo.

*beeeeeppp*

Ilang distansya na lang..

Sobrang lapit na nito sa akin at sobra nang nakakasilaw ang ilaw na nanggagaling sa paparating na sasakyan.

Hindi ko na tuluyang nagalaw ang aking katawan at nagawang makaalis sa aking pwesto dahil kusa na lamang na unti-unting pumikit ang aking mga mata at huli ko na nalaman na nawalan na ako ng malay.

  • • • • •

Date published: 08/03/17

Teen Fiction | Romance | Fantasy

Zshen's note: I'm baaack! This is the side-story of Arissa so if you read "He Turns Into a Teddy Bear"  d'on nyo sya unang makikilala but you don't need to read it kasi 'di naman sila connected but if you want pwedeng-pwede naman. Enjoy reading! :)

Not His Typical SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon