Chapter Seventeen
"Inch by Inch"ARISSA
"Hoy," sabay siko ko kay DK na syang kanina pa nakatingin sa malayo dito sa field.
"Nandyan ka pala.." Sabi nya pero di pa rin lumingon sakin at ngiting-ngiti pa rin. Para syang timang.
"Ba't ka nagc-cutting classes?"
"Eh ikaw ba't ka rin nagc-cutting classes?" Sabay lingon nya. "wag mong sabihing concern ka sa akin at nagawa mo pang hanapin ako."
Napairap ako. "Excuse me, 'di raw makakaattend ang next prof natin at wala namang pinaiwang activity kaya umalis na ako ng classroom kasi ang boring so 'di to consider na cutting."
Kaklase ko si Jeno at DK sa isang subject kanina na pinag-uusapan namin ngayon kaso wala nga ang prof. At sinubukan ko rin sundan si Jeno nang lumabas sya ng classroom kaso bigla na lang syang nawala. Ewan ko ba kung saan nagteteleport ang lalake 'yon.
"Pwede ko bang makuha ang number mo?" May cellphone na kasi ako at regalo 'to ng parents nila DK. "Ikaw na lang at si Jeno ang walang number sakin."
Bigla syang napangisi. "Paano kung ayoko?"
"E 'di wag," Agad kong sagot habang nakangiti. Kahit wala na akong number ng tukmol na 'to basta dapat si Jeno makuha ko ang number.
"Nakita mo ang babaeng 'yon?" Sabay turo nya sa grupo ng mga babae sa 'di kalayuan.
"Ang daming babae sa cheer squad. Sino dyan?" Nai-describe naman nya ang suot ng babae. Naka-pink itong tshirt natinernohan ng short at nakatali ang buhok.
"Oh anong meron sa kanya?"
"Sa kanya ko lang ibibigay ang number ko."
"oh tapos? Tsaka as if naman hingin nya number mo."
"Grabe ka talaga sakin ha? Akin na nga," Natatawa nyang sabi at inagaw sakin ang hawak kong phone.
"Sus. Ibibigay din pala.."
"Ilan lang ang nakakaalam ng number ko kaya swerte ka." Sabay balik nya sa phone ko.
"Sya ba 'yong babaeng ginawan mo ng babana cupcake noon?" Tumango naman sya. Napatingin ako sa babaeng tinuro nya kanina. "Infairness simple lang syang umayos pero maganda sya at mukhang matino."
"Syempre maganda ang taste ko sa mga babae," Napangiwi naman ako.
"Pero alam mo hindi kayo bagay kasi mukha syang matino tapos ikaw mukhang takas mental. Kung ako sa kanya 'di kita sasagutin."
"Ang talas talaga ng dila mo 'no? Pero sorry ka, hindi naman ikaw ang pinopormahan ko kaya wala ka pa ring magagawa kung sagutin nya ako. Pag talaga napasagot ko si Claire.."
"Sige, ano.." paghahamon ko.
"Ibig sabihin noon gwapo talaga ako." Sabay pogi sign nito kaya di ko maiwasan mapangiwi.
"Kaya ka ba nag-cutting classes dahil sa kanya?"
"Yep. Tsaka nangako ako sa kanya kahapon na papanuorin ko sya sa dry run nila ngayon kasi 'di ko sya mapapanuod bukas." Napatango naman ako.
Inlove na nga talaga si Lover Boy. Pero for sure, patay siya kila Tito 'pag nalaman na nag-cutting sya dahil sa isang babae. Hay, pag-ibig nga naman.
"Sige una na ako, lover boy." Paalam ko kaya natawa sya bago tumango.
***
BINABASA MO ANG
Not His Typical Soulmate
Teen FictionThis is the story of a girl who gave up her dream of becoming an apprentice of her brother and left Mt. Olympus to win her soul mate's heart. A girl who will search and chase for a man in the mortal's world in order to make him feel the connection b...