Chapter Twelve
"Set Up"Arissa
Pagkatapos naming mananghalian ay umalis na rin kami ng unit ni Lovely. Nagcommute lang kami papunta sa isang mall at do'n na lang daw kami sa supermaket mamimili ng kakailanganing ingredients.
Madali lang naman ang naging byahe namin dahil hindi traffic.
"Lovely lagpas na tayo, ayo'n ang supermarket oh." Nakaturo ko pang sabi habang hinahatak nya ako papuntang escalator.
"Alam ko ate Ari. Mamaya na tayo mamili manuod na muna tayo ng sine." Wala na akong nagawa dahil nakasakay na kami sa escalator. Kanina ko pa sya napapansin na may katext sa cellphone nya kaya hinayaan ko na lang sya.
Nagpunta kami sa pangatlong palapag ng mall kung saan nando'n ang movie theater. Malapit na kami sa bilihan ng ticket nang may maaninag ako.
"Si Jeno at Sherwin ba 'yon?" Bulong ko na sya namang ikinatango nya.
Kumaway naman si Sherwin nang makita nya kami kaya agad kaming lumapit. Nagtama ang tingin namin ni Jeno pero agad din syang umiwas ng tingin.
"Aalis na ako," sabi ni Jeno kaya agad syang pinigilan ni Sherwin. "Ayaw ko naman talagang manuod."
" Sayang naman 'tong ticket, Tol." Sabay pakita ni Sherwin nung apat na ticket.
"Oo nga, Jeno. Minsan lang naman tayo manuod ng movie tsaka maganda ang panunuorin natin." Pagkumbinsi naman ni Lovely.
"Ayaw ko rin manuod, Lovely. 'Di naman ako mahilig sa mga ganyan e." sabi ko at saglit kong tinignan si Jeno na nakatingin sa ibang direksyon bago ko ulit sila hinarap . "plinano nyo ba 'to?"
Parehas naman silang natawang dalawa at hindi makatingin sa akin ng diretso.
"To be honest, dapat kaming dalawa lang ni Sherwin ang manunuod ngayon kaso biglaan ka naman nag-aya bumili ng ingredients kahapon kaya naisipan kong isama ka na lang."
"Ba't hindi mo kagad sinabi sakin e di sana kayong dalawa lang ang nandito?"
"Eh kasi alam ko naman gusto mong matutong magluto ate Ari." Sagot nya sabay pout."Tara na ate Ari.. ilang minuto na lang magsisimula na yung movie oh."
"Di ako sasama," sabay naming sagot ni Jeno kaya nagkatinginan kami pero katulad kanina sya ang unang umiwas.
"Uyyy.." pang-aasar ng dalawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Kayo na lang kasi ni Sherwin tsaka lakad nyo naman pala talaga to eh."
"Fine." Sabay irap ni Lovely. "Pero bayaran nyo 'tong ticket na binili namin.."
Biglang may binulong si Lovely kay Sherwin. Paglingon ko kay Jeno ay nakalabas na ang wallet nya at ready na magbayad sa dalawa.
Napaisip ako bigla. Wala pala akong pera. Sa'n ako kukuha ng pambayad?
"Hindi pera ang pambayad." Saad ni Sherwin noong sinubukan iabot ni Jeno ang pera nya. Kapwa namang ngiting-ngiti sila ni Lovely.
Ano na naman ang binabalak nito?
"Jeno samahan mo si Ate Ari maggrocery then sabay na kayong umuwi. Then after that wala na kayong utang sa aming dalawa."
***
"Di mo na ako kelangan samahan..'' sabi ko kay Jeno habang papunta sa supermarket. "May listahan naman ako ng mga bibilhin ko tsaka may perang inabot na sa'kin si Lovely. Alam ko na rin ang pauwi, sinabi naman ni Lovely kung paano ang byahe pabalik habang papunta kami dito."
BINABASA MO ANG
Not His Typical Soulmate
Roman pour AdolescentsThis is the story of a girl who gave up her dream of becoming an apprentice of her brother and left Mt. Olympus to win her soul mate's heart. A girl who will search and chase for a man in the mortal's world in order to make him feel the connection b...