Chapter Ten
"Her Mission"Arissa
"Alam mo ang manyak manyak mo balak mo pa akong halikan? " Inis nyang sabi.
Agad naman akong umupo sa sofa nya.
"Wag mo muna ako kausapin naapakan na ang ego ko." sabay takip ko ng unan sa mukha.
"Baliw ka talaga 'no?" tinanggal ko ang unan sa pagkakatakip ng mukha ko.
"Gagawin ko lang naman yun para gumaling ka..tignan mo mamaya wala ka ng sakit once na halikan kita. Ganon kaya ang ginagawa sakin ng tatay ko pagnagkakasakit ako." paliwanag ko "Tsaka ano bang masama kung ikikiss kita? Duuh, it's 2019 na. "
"Ano bang pinagsasabi mo?" mas lalo ata syang nainis sa mga sinasabi ko kasi nakasimangot na talaga sya.
Bigla namang namatay ang ilaw.
"Patay. Brownout." Sabay naming sabi. Agad naman akong kumapa sa hangin para hanapin sya. Nahanap ko naman sya kagad at hinawakan sa braso.
"Jeno?" Wala talaga akong makita sobrang dilim. Hindi ako takot sa dilim pero hindi talaga ako sanay.
"Hindi ako si Jeno" nagsalita sya pero malalim ang boses kaya hinampas ko sya sa braso. "Aray ko!"
"Si Jeno ka nga" sabay hagigik ko.
Ginamit naman nyang ilaw ang ang liwanag na nanggagaling sa cellphone nya pero nakakailang hakbang palang kami nung muling bumalik ang ilaw.
"Okay may kuryente na ulit" sabay takbo ko at balik sa sofa.
"Gusto mo ng coffee o ng choco?" gulat naman akong napatingin sa kanya, "Sabi ko nga ayaw mong uminom." Biglang lakad nya papuntang kusina.
"Ay grabe.. Choco na lang! Yung matamis ha singtamis ng pagmamahal ko" nakarinig naman ako ng kalabog sa kusina at pag-aray kaya hagalpak akong natawa. "Iba talaga ang alindog ko! Hahaha"
***
"Wag mo na ulit uulitin 'yon" sabi nya pagkalapag ng tinimpla nyang hot choco. Ang bango ng amoy nito .
"Anong 'wag uulitin?" Painosente kong tanong kaya sinamaan nya ako ng tingin. "Alam mo dadating din ang panahon na magkikiss tayo balak ko lang paagahin. Arte mo, ako na nga 'yong nag-iinitiate kasi ang bagal-bagal mo eh."
Napailing naman sya sa sinabi ko.
"Swerte mo na nga na ako ang nakatadhana sayo."
"Ba't mo ba pinagpipilitang nakatadhana tayo sa isa't isa?"
I sighed. "Alam kong nakikita mo ang pulang sinulid na nakatali sa akin at sa'yo. Don't me, Jeno."
"Wala akong alam sa sinasabi mo."
Napairap ako.
"Alam kong mahirap tanggapin.. Pero kahit anong gawin mo tadhana na ang kusang gumagawa ng paraan para pagtagpuin tayo. Ni-hindi ko nga akalain na nasa kabilang unit ka lang pala at isa ka rin sa naghatid sa akin sa hospital noong galing ako Mt. Olympus."
"Mt. Olympus? Kalokohan." Natatawa nyang sabi. "Alam mo nahihibang ka na talaga."
"Kung tingin mo sa akin ay baliw ano pang tawag sa tulad mong mortal na may abilidad na makakita ng red strings?"
"Wala nga akong alam sa redstring na tinutukoy mo."
Napangisi ako," I'm a demigoddess and you can't fool me."
Ilang minuto rin kaming natahimik.
"I'll just pretend that I didn't hear anything from you." mahina nyang sambit kaya napakibit balikat ako.
"Then fine, basta ako nagsabi ako ng totoo. At kahit ilang beses mo akong pagtabuyan, didikit at didikit pa rin ako sa'yo. At kahit sino pa ang manggulo sa atin alam kong tadhana ang mag-aayos ng lahat para satin. Call me obssess or whatever pero one thing for sure sa'kin pa rin ang bagsak mo." napaiwas sya ng tingin kaya napangiti ako. "Remember, our strings may be stretched but it will never break."
***
Naalimpungatan ako nung narinig ko ang boses ni Lovely. Nakatulog pala ako habang nanunuod ng TV kasama si Jeno kanina.
"Thank you, Jeno" sabi ni Lovely kay Jeno na nakatayo sa gilid. Napatingin ako sa kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko. Hindi ko naman maiwasang di mapangiti.
"Nahilik ka pa at tulo laway mo nung makarating kami" pang-aasar ni DK na nakaupo pala sa kabilang sofa.
"Manahimik ka, Crisostomo Ibarra." Sabay agaw ko ng kinakain nyang tsitsirya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Nabanggit ko kay ate Ari para may pambara sya sayo lagi" pang-aasar ni Lovely.
"Anong klase kang kapatid? Taksil!" Pagdradrama ni DK kaya hinayaan na namin sya at nagpaalam na rin kay Jeno.
"Thank you.." Mahina pero sapat lang para marinig kong sabi kay Jeno bago tuluyang makaalis sa unit nya.
"Tignan mo ate Ari ikaw naman ngayon ang nakalimot na kunin ang susi sa akin talo pa natin ang matanda." Natatawang sabi ni Lovely habang naglalakad kami pabalik ng unit kaya hindi ko rin maiwasang matawa.
***
Okay naman ang pagpapanggap bilang estudyante ko ngayon. Oo, nakapasa ako sa entrance exam at ngayon nakasuot na rin ako ng uniform katulad nung kay Lovely. Yun nga lang ilang subjects lang ang magkapareho kami ni Jeno kaya kadalasan ng mga subjects ko lutang ako o kaya tinutulugan ko lang. Ang boring eh.
"So yun ang mission mo? Ayos ah. Instant lovelife" pagbibiro ni Thunder nang mabanggit ko sa kanila ang totoo kong mission. Nandito kami ngayon sa music hall. "Hindi mo na kelangan pagselosan si Arissa, babe."
Agad naman syang hinampas sa braso ni Raine.
"Bakit mo kelangan ikwento pa sa amin ang mission mo?" diretsyahang tanong ni Raine habang kunot-noo. Hindi ko alam kong pinagseselosan pa rin ba ako nito o sadyang ganyan lang talaga sya makipag-usap.
"Oo nga, Arissa. Parang noong una tayong magkita ayaw mong ipaalam kung ano ang mission mo." Dagdag ni Thunder.
"Since demigods tayo at tayo-tayo lang rin naman ang magkakaintindihan at pwedeng makatulong sa isa't isa.." Panimula ko. "Pwede bang humingi ng tulong?"
"Eh teka anong klaseng tulong? Tsaka hindi mo naman denitalye kung sino yung taong sinasabi mong nakatadhana sayo at may abilidad na makakita ng string of fate."
Bigla akong napangiti. Agad kong sinabi ang pangalan ng taong nakatadhana sa akin at ang plano ko.
"Call?" nagkatinginan sila at sabay na tumango.
"Call."
To be continued...
Z's note: ano kayang magiging plano ng mga demigods na 'to 'no? ;)
BINABASA MO ANG
Not His Typical Soulmate
Teen FictionThis is the story of a girl who gave up her dream of becoming an apprentice of her brother and left Mt. Olympus to win her soul mate's heart. A girl who will search and chase for a man in the mortal's world in order to make him feel the connection b...