Chapter Fifteen
"Sneak Peak"ARISSA
"Goodmorning," nakangiti kong bati kay Lovely na syang ikinatuwa nito.
"Finally! Ngumingiti and kinausap mo na rin ako, ate Ari!" sabay yakap nito sa'kin. "Goodmorning din!"
'Di ko alam kung saan nakukuha ni Lovely ang pagiging hyper nya. Para bang 'di sya nauubusan ng energy sa katawan parehas sila ng kapatid nyang si DK.
Okay naman na ako. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko ngayon 'di katulad kahapon. Tsaka naisipan ko na rin na 'wag magpaapekto sa nalaman kong first love ni Jeno. Ang kailangan ko ngayon ay mas lamangan ang babaeng nagustuhan nya or gusto nya pa rin..
"Alam mo bang maraming classmates kong boys na kinukulit ako at hiningi ang number mo nang sinabi kong kakilala kita..." Natatawang kwento ni Lovely. "Sinusumbong ko nga sila kay Kuya sa tuwing kinukulit nila ako."
Natawa naman ako. Ang dami nya ring naikwento sa akin na para bang hindi kami nagkikita at ngayon lang nagkausap.
"By the way, tumatanggap ba ang school nyo ng working student?" tumango naman ito. "Pwede ba akong mag-apply?"
"Alam ko tumatanggap na sila ng mga working students, e. Pero bakit mo pala gustong magworking student?"
"Nakakahiya naman kasi sa inyo na umaasa ako rito tsaka para makabili rin ako ng mga gusto ko." Well, totoo naman. Kahit na I'm too fab for this world ay marunong naman mahiya ang magandang nilalang na katulad ko.
"Wala ka pa rin bang naalala, ate Ari?" marahan naman akong umiling kahit ang totoo ay tandang-tanda ko kung sino ako at sa'n ako nagmula. "Ang hirap talaga ng sitwasyon mo ate. 'Di bale, naghihintay pa rin naman sila mama ng balita kung may naghahanap ba sa'yong kamag-anak mo."
Tipid lang akong ngumiti.
***
"Thunder.. ikaw pala."bati ko no'ng napansin kong kasabay ko pala sya maglakad palabas ng gate. Ngumiti naman ito. "Teka ba't mukha kang tao ngayon?"
"Tao naman ako ah... ay, demigod nga pala ako. So half tao half gwapo." mahina nyang sabi para walang makarinig sa'min. Tapos nagpogi sign pa ang kumag kaya napangiwi ako.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Complete uniform sya ngayon 'di tulad noon na wala syang necktie at ID tapos nakabotones na rin ang uniform nya kaya 'di na kita ang sando nya. 'Di na rin mukhang naligo sa gel ang buhok nya at bagsak na 'to.
"Baka naman matunaw ako nyan.. Hay gwapo ko talaga." Napangiwi ulit ako.
"Ba't nga mukha kang tao ngayon?"
"Napagsabihan kasi ako ng stepdad ni Raine eh, mukha raw kasi akong taga kanto. " napakamot naman sya ng ulo. "Kung wala lang akong respeto sa kanya baka nagrequest na ako kay Dad na pakidlatan sya.."
"Haay ewan ko sa'yo." Napatingin naman ako sa langit.
"Pumupunta ka ba ng camp 'pag summer?" tanong niya sa akin at umiling naman ako. Ang tinutukoy niyang camp ay yung half blood camp kung saan nagtitipon-tipon ang mga demigods. Doon nagkakakilala ang ibang demigods at ganoon na rin ang mga half brother or sisters nila. Karamihan kasi ng mga demigods ay nag-aaral rin sa mga paaralan ng mortal at namumuhay ng normal dito tulad nitong sila Raine at Thunder at tuwing summer lang nagkakatipon doon sa camp.
"Sama ka sa amin ni Raine sa summer! Masaya ro'n!" ngumiti na lang ako. "Kumusta naman kayo ni Jeno? Effective ba ang naging plano natin last time?"
BINABASA MO ANG
Not His Typical Soulmate
Teen FictionThis is the story of a girl who gave up her dream of becoming an apprentice of her brother and left Mt. Olympus to win her soul mate's heart. A girl who will search and chase for a man in the mortal's world in order to make him feel the connection b...