My Imaginary Boyfriend!?

54 2 0
                                    

My Imaginary Boyfriend!?

August. Ikatlong buwan na ng klase. Masaya akong papasok ngayon sa aming klase dahil makikita ko na ulit ang aking mga kaibigan.

Isang kakaibang malakas na hangin ang dumapo sa aking balat habang ako'y naglalakad sa pasilyo ng aming paaralan. Masyado pang tahimik ang paligid. Wala pang masyadong estudyante ang makikita. Napaaga ata ako ngayon ng pasok. Sa ikatlong palapag ang room ko, tanging yabag lang ng sapatos ko ang maririnig. Paakyat na ako sa ikalawang palapag ngunit napansin kong walang ilaw. Kaagad kong kinapa ang cellphone ko sa aking bulsa. Ngunit naalala kong naiwanan ko ito sa bahay kakamadali. Napabuntong hininga ako sa pagkakadismaya. Nakaramdam ako ng takot dahil sa dilim pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Dahil sa takot na nararamdaman ko. Kumanta nalang ako. Nakarating na ako sa room ko.
Madilim. Walang ilaw. Ngunit imbes na matakot, binuksan ko ang ilaw. Mukhang napaaga talaga ako ng pasok, dahil wala pa ang mga kaklase ko.

Inilabas ko ang kulay pula kong Diary at ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko ng isang tula. Ito ang hilig kong gawin. Ang magsulat ng tula.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat nang biglang namatay ang ilaw.

"Wahhhhhhh!" Napasigaw ako dahil sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na ako dahil sa takot. Mayroon akong narinig na yabag at ito'y malapit lang sa aking direksyon. Napaatras ako.

Atras.....
Atras......
Atras......

Hanggang sa maramdaman ko na ang whiteboard sa aking likuran. Huminto ang yabag at alam kong nasa tapat ko na ang hindi ko malamang nilalang.

"Huwag kang lalapit." Takot kong sambit.

Ngunit lalong lumapit ang nilalang na nasa harap ko. Napapikit ako dahil sa takot.

"BOOO!!!!" Wahahahahahaha!!"

Pamilyar ang boses at tawa na yon. Pagdilat ko ng mata ko, bukas na ang ilaw. At nakita ko na kung sino ang lapastangan na nanggulat sa nanakot sa akin.

"Walanghiya ka Andrei!!!!!!"

Pinaghahampas ko siya sa braso niya, ang lakas ng loob niyang takutin ako. Tsk.

Nakakainis siya. Si Andrei naman ayun tawa pa rin ng tawa. Tss. Maubusan sana siya ng hininga.

"Woohh! Grabe Chesca!!! Hahahha! Nakakatawa yung itsura mo kanina. Hahahahaha! Pang shake rattle and roll!!! Hahahahaha" saad niya habang tawa ng tawa with matching hampas pa sa hangin.

"Sige tawa pa!". Arggggh! Tsk!

Sa sobrang inis ko, lumabas ako ng classroom at tumakbo ako pababa hanggang sa makarating ako sa field. May nakita akong mangilan ngilang football players ng school namin. Mga busy sila sa pag pa-practice, next month na kasi yung intramurals. Umupo ako sa gilid ng field at pinanood yung mga naglalarong players. Biglang lumakas ang hangin.

Nagulat ako ng may tumakip sa mga mata ko. Ang lamig niya. Naamoy ko kung kaninong pabango yon. Tsk. Kay Andrei. Pinalo ko yung kamay niya at tinanggal naman niya. Umupo siya sa tabi ko. Tumatawa pa din siya. Tsk bwiset tong kurimaw na Andrei na to!

" Hoy!! Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo kanina ahhh!!"
bulyaw ko kay Andrei.

Kaya napatingin tuloy yung mga nag pa practice ng football dun sa field, nagbubulong bulungan pa yung ibang players.
Sus pake ba nila? Eh, sa gusto kong bulyawan si Andrei eh. Nakakainis kasi tong kurimaw na to. Si Andrei naman ayun tawa pa rin ng tawa.
Kainis ayaw tumigil. Hinampas ko si Andrei sa balikat niya. Napagawi naman yung tingin ko dun sa mga football players. Napapailing sila at nakatingin sila sa pwesto namin ni Andrei. Malamang iniisip nila na ang sadista ko. Tsk. Inirapan ko na lang sila. Pake ba nila? Eh, sa gusto kong hampasin si Andrei .Tapos ngayon naman si Andrei nag so-sorry naman.

"Sorry na Chesca, di na mauulit yon. Promise."

Ikawalong sorry niya na yon.

"Ewan ko sayo."

Tumayo na ako. Babalik na ako sa classroom namin. Ewan ko ba pero naiinis talaga ako sa kanya. Buti nalang talaga at hindi ko siya kaklase.

Hays. Kung hindi lang sana nangyari yung gabing yon. Panigurado hindi ako magkakaroon ng utang na loob kay Andrei. Pero kahit naman na gaano ako kainis sa kanya. Siya pa din ang dahilan kung bakit buhay ako ngayon..


My Imaginary Boyfriend!? #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon