-Chesca Pov-
Pagbalik ko sa classroom namin. Nanduon na yung iba kong mga kaklase. Nakalabas yung notebook nila at nagkokopyahan ng mga assignment. Yung iba naman nagsa- soundtrip. Yung iba nagru-rubiks. Nag se-selfiehan at puro nagdadaldalan. Lahat sila busy. May mga kanya kanyang ginagawa.
Bakit kaya wala pa sila Janna, Marie at Chessca. Oo. Yung isa ko ding kaibigan Chescca din ang pangalan. Double 'C' nga lang yung kanya. Kaya nagkakalituhan kami kung sino ba ang tinatawag sa recitation. Psh. Nasaan na ba yung mga bruhang yon!? Don't tell me. Absent sila. Myghad. Lagot talaga sila sa akin. May quiz pa naman kami sa Science. Lagot sila kay ma'am pag absent sila. Pumasok naman na yung teacher namin sa First Period. Nag pa lecture lang. Tapos dumating yung dalawang bruha kong kaibigan si Janna at Chescca. Wala si Marie, siguro absent yon. Mabuti nalang at good mood si ma'am at hindi sila pinagalitan. Hays... Nakakatawa yung itsura nilang dalawa. Mga hagard na hagard. Muntik ng habulin yung buhok nila . Gash. Sobrang gulo ng hair nila. Hahahaha. Napahagikgik ako dahil sa naisip ko. Sinita tuloy ako ni ma'am. Nababaliw nanaman daw ako. Napatingin tuloy sa direksyon ko yung dalawang bruha at tinawanan ako. Inirapan ko nalang sila. Tche.Matapos ang aming tatlong subjects . Break time na namin. Agad akong nilapitan nina Janna at Chescca.
Inaya nila ako sa cafeteria. Inayos ko muna ang gamit ko saka sumunod sa kanila. Nasa hallway naman na kami ng maramdaman kong may nag mamatyag sa akin. Ang weird. Bakit kaya lagi akong nakararamdam ng ganun? Normal pa kaya ako?"Anong masasabi mo, Chescca? Hahaha. Omg. Diba ang sweet niya? Ano? Sagutin ko na ba?"
"Huh? Sino?" Gulat kong tanong kay Chescca.
"See. Tsk. Hindi ka naman nakikinig e, kanina pa kaya ako nag kukwento! Kainis ka! " pagrereklamo niya.
"Sorry na bessy, ano nga ulit yong kinukwento mo?" Tanong ko sa kanya.
Inirapan niya ako saka inulit nya ang kwento.Sa hindi kalayuan, nakita ko si Andrei na kumakain ng burger. Napatingin siya sa direksyon ko. Kinawayan niya ako. Gusto ko siyang lapitan kaso naalala ko yung sinabi niya sa akin na hindi pa siya ready makilala ang mga friends ko. Arte niya no? Ipakikilala ko lang naman siya, ayaw niya pa.
Umorder na kami at umupo kami sa table na malapit kay Andrei. Nginitian ko nalang siya.
"Hoy! Babae! Sinong nginingitian mo dyan!?" Tanong sa akin ni Chescca.
"Wala, nevermind."
Nakita ko naman si Andrei na patapos na siyang kumain at lumapit siya sa table namin. Arte niya. Akala ko ba ayaw niyang makilala friends ko?
"Hi, Chesca" masayang bati niya.
"Hi" saad ko naman.
Binato ako ni Janna ng tissue at napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nanlalaki ang mata. Parang baliw.
Kinalabit naman ako ni Andrei at napagawi nanaman ang atensyon ko sa kanya.
"Mamayang uwian, sa garden ng school kita tayo. May sasabihin lang akong importante." Anyaya sa akin ni Andrei
"Sige, sure." Pag sang ayon ko naman.
"BRUHILDA!!!!! Sino bang kinakausap mo diyan sa gilid mo?"
Bulyaw sa akin ni Janna.Napatingin nanaman ako kay Janna. Kanina pa siya. Para syang ewan.
"Si---"
Ipakikilala ko na sana si Andrei sa kanila kaya lang paglingon ko sa gilid ko. Wala na si Andrei. Weird. Ang bilis naman ata niya."Bes, naka drugs kaba?" Seryosong tanong sa akin ni Chescca.
"Bes, kung may problema ka, andito naman kami eh, pwede mo naman kaming kausapin hindi yung ganyan ka." Naiiyak naman na sabi ni Janna.
"Baka kayo ang naka-drugs!! Kung ano ano pinagsasabi niyo!! Halika na balik na tayo sa classroom baka malate pa tayo." Pag anyaya ko sa kanila.
Tumayo na ako at nagpagpag. Nagtinginan naman ang dalawang bruha. Weird nila ahh. Psh.
Nagulat nalang ako ng bigla nila akong yakapim mg mahigpit.
"Bes, we love you." Sambit nilang dalawa.
Siguro naglalambing ang mga to.
"Haynako mga bes, wala akong pera. Siguro may nagawa kayong kasalanan no!?"
Bumitiw na ako sa pagkakayakap naming tatlo.
"Wala naman. Nag aalala lang talaga kami sayo." Saad ni Janna.
"Sa ganda kong to, wala kayong dapat ipag alala. Hahahaha."
Akala ko matatawa o magrereact sila sa sinabi ko. Pero hindi nagbago ang ekspresyon nila. Seryoso parin silang nakatingin sa akin.
Inaya ko na sila na bumalik na sa classroom namin. Nag quiz lang kami sa Science at ilang lecture.
Ewan ko ba super excited akong matapos na klase ko. Excited na kong makita si Andrei.Nagring na ang bell at sign ito na tapos na ang klase. Agad kong inayos ang gamit ko at nagpaalam ako sa mga kaibigan ko. Hihihi. Lakas takbo ang ginawa ko papuntang garden ng school. Ang tahimik parang walang tao.
Gotcha!!! Nakita ko si Andrei malapit sa fishpond ng school.
"Andrei!!!! " Tawag ko naman. Agad siyang lumingon sa akin at matamis na ngumiti.
"Akala ko, hindi kana dadating." Sambit niya.
"Nagsabi akong pupunta ako kaya pupunta talaga ako. Na curious din kasi ako kung ano ba yung importanteng sasabihin mo sa akin.
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigit.
Nakaramdam ko ng mga malilikot na kulisap sa tiyan ko. Geez. Ano bang klaseng pakiramdam to?"Saan tayo pupunta?"
Hindi siya umimik at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Omg.

BINABASA MO ANG
My Imaginary Boyfriend!? #Wattys2017
FantasyKahit na hindi ako ang para sayo, tandaan mo na may darating na tao na tutulungan kang hilumin ang sugat na dulot ko sayo. Mahal kita Chesca. Mahal na mahal. -Andrei (MIBF)