-Chesca POV-
Mahigit dalawang araw na akong hindi lumalabas ng bahay at dalawang araw na din akong absent, naguguluhan na talaga ako. Hindi ko maintindihan si Andrei. Soul? Misyon? Yung pendant na krus? Geezz. Binabaliw niya ako sa mga pinagsasabi niya. Ayaw ko muna siyang harapin. Kaya pala ang weird ng mga kaibigan ko dahil ako lang ang nakakakita sa kanya. Hindi pa din ako makapaniwala. Bakit ako?
****
Kinabukasan, pumasok na ako. Dahil alam kong hindi sa lahat ng oras matataguan ko si Andrei, tulad ng sabi niya. He needs me. Utang ko pa din sa kanya ang buhay ko.
Kaya mas mabuting tulungan ko din siya sa kung "ano" man ang misyon na tinutukoy niya. Maaga akong nakapasok. Tatlo pa lang mga kaklase ko ang nandito sa classroom. Kaya napagdesisyunan ko munang pumunta sa rooftop ng building namin. Sinuot ko ang headset ko at pinatugtog ko ang paborito kong awit. Umupo ako at dinama ko ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat.
May naramdaman akong umupo sa aking tabi. Ang amoy na yon. Ang presensiya na yon. Alam ko na agad kung sino. Hindi na ako nagtaka ng makita ko si Andrei na seryosong nakatingin sa akin.Agad kong tinanggal ang headset sa aking tenga at nagsimulang magsalita.
"Sorry nga pala sa mga inasal ko nung nakaraang araw. And... Andrei... Im ready. Handa na kitang tulungan sa misyon mo para makabalik kana sa katawan mo." Saad ko.
Bakas sa mukha ni Andrei ang pagkagulat.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?"
Tanong niya."Wala ka namang gagawing masama, kaya't wala naman akong dapat ikatakot hindi ba'?"
Tumango naman siya.
Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Andrei ng napaka higpit.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kung anong kakaibang kulisap na naglalaro sa loob ng tiyan ko. Ano ba itong nangyayari sa akin?"Thank you, Chesca. Thank you so much." Bulong niya sa tenga ko, dahilan upang tumindig ang balahibo ko.
BINABASA MO ANG
My Imaginary Boyfriend!? #Wattys2017
FantasyKahit na hindi ako ang para sayo, tandaan mo na may darating na tao na tutulungan kang hilumin ang sugat na dulot ko sayo. Mahal kita Chesca. Mahal na mahal. -Andrei (MIBF)