-Chesca Pov-
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Umupo kami ni Andrei sa malaking puno dito sa garden."May sasabihin sana ako sayo , Chesca." Panimula niya.
"Ano yon?"
"Hindi ko talaga alam kung paano uumpisahan pero mangako ka sakin na walang magbabago sa ating dalawa, na magkaibigan pa din tayo."
"Oo naman." Sambit ko.
Inilabas niya ang kwintas niyang may pendant na krus.
"Chesca, wala ka bang napapansing kakaiba sa mga nakalipas na buwan at araw na magkaibigan tayo?"
"Actually meron, yung mga kaibigan ko kasi ang weird ng mga kinikilos nila, tapos tinatanong pa nila kung naka drugs daw ba ako, weird right?"
paliwanag ko kay Andrei."Chesca,ang sabi ko sa tuwing kasama mo ako?"
"Wala naman, napansin ko lang na mahiyain ka kaya wala ka sigurong kaibigan bukod sa akin."
Tugon ko naman."Ang totoo kasi niyan----
Ikaw lang ang nakakakit sa akin.Napaawang ang bibig ko sa mga narinig ko mula sa kanya. At maya maya lang naintindihan ko na.
"HAHAHAHAHAHAHA."
Napahagalpak ako ng tawa."GRABE KA ANDREI!! HAHAHA! Ano nanamang nasinghot mo?"
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, dahilan upang mapatahimik ako mula sa pagtawa ko. Yan nanaman ang puso ko.
Ang lakas nanaman ng tibok nito."Chesca, makinig kang mabuti sa sasabihin ko.......... isa akong s-soul."
Naghihintay ako ng 'joke' sa dulo ng sinabi niya pero wala.
Napaka seryoso ng tingin niya sa akin kaya pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko."Enough for this jokes, Andrei."
"Chesca, sana nga. Sana nga nagbibiro na lang ako pero Chesca, HINDI. Nagsasabi ako ng totoo, bilang na lang ang araw ko para makabalik sa katawan ko."
Tinabig ko ang kamay niya. At napatayo ako. Ni hindi ko na magawang tumawa katulad kanina. Ni hindi ko magawang makapagsalita. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Chesca, pakiusap wag kang matakot sa akin. Hindi kita sasaktan. Kaibigan mo ako diba?". sambit ni Andrei.
"Wag mo nga akong pinagtitripan, Andrei!!! Napaka imposibleng kaluluwa ka! Sige nga! Ipaliwanag mo sakin kung paano mo ako natulungan ng gabing hinahabol ako ng mga lasing na yon, kung soul ka lang talaga!!"
" Chesca, God gave me another chance to live. Pero kailangan ko munang ma full-fill ang misyon ko sa iyo,bago ako makabalik sa katawan ko. Ang krus na pendant na ito ay may apat na sulok ("+") kapag umilaw lahat ang sulok na ito, tapos na ang misyon ko. Pero obviously, Wala pang kahit na anong ilaw ang makikita sa krus na ito dahil wala pa akong nagagawang kahit na anong misyon na iniatas sa akin ng Diyos.
Chesca, I really need your help. Kung nagtataka ka kung paano kita naligtas ng gabing yon mula sa mga lasing. Iyon ay dahil mayroon akong apat na misyon at apat na kapangyarihan na maaari kong gamitin sa lahat ng kahit anong pagsubok. Ngunit dahil tinulungan kita, mayroon na lamang akong tatlong natitirang kapangyarihan. Pakiusap Chesca, wag kang matatakot sa akin."
Mahabang paliwanag ni Andrei.Hindi ako makagalaw. Nanaginip ba ako? Para na akong masisiraan ng bait sa lahat ng mga pinagsasabi ni Andrei.
Imposible. Hindi ito totoo. Hindi...Tumingin ako sa mga mata ni Andrei at nakakakita ako ng sinseridad sa mga pinagsasabi niya.

BINABASA MO ANG
My Imaginary Boyfriend!? #Wattys2017
FantasyKahit na hindi ako ang para sayo, tandaan mo na may darating na tao na tutulungan kang hilumin ang sugat na dulot ko sayo. Mahal kita Chesca. Mahal na mahal. -Andrei (MIBF)