MIBF

30 2 0
                                    

-Chesca Pov-

Flashback:
   Nakakabwiset talaga!! Akala ba ng mga teachers hindi napapagod ang mga studyanteng tulad namin?
Nakakainis. Wala talagang masakyan dahil gabi na. Gabi na natapos yung shooting namin doon sa short film namin. Ilang beses kasing pinaulit ulit yung scenes.

Pano na to, anong sasakyan ko

    Nakakatakot kasi gabi na . Mga bandang ten pm na kasi ng gabi at  pag ganitong oras dito sa lugar namin kadalasan ang mga tao ay tulog na. Lagot ako nito kina Mommy at Daddy. Yung phone ko pa naman lowbattery na. Kaines talaga.

  Nag antay pa ako ng ilang minuto sa waiting shed, nagbabakasakali na may masasakyan pa ako. Pasulyap-sulyap ako sa paligid. Jusme!! Pakiramdam ko may nag mamatyag sa akin. Papa God, help me po.

    Ewan ko ba, basta kabang kaba ako ngayon. Umihip ang isang malakas na hangin, lalo akong kinabahan. Tumingin ako sa wristwatch ko. Ten Thirty na. Ayoko ng mag antay sa wala. Napag desisyunan kong maglakad nalang pauwi sa amin. Pilit kong nilalabanan ang takot ko. Tatlong kanto pa para makauwi ako sa bahay. Aja!!! Kaya ko to!!!
Ako kaya si Chesca Cortez! Matapang ako! T^T
Habang naglalakad ako may napansin akong kakaiba. Eto nanaman yung pakiramdamko na parang may sumusunod sa akin. Paglingon ko, wala namang tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang  sa  matapat  ako  sa isang sari-sari store kung saan may mga taong nag iinuman. Kinakabahan ako lalo. Dahil nakatingin sila sa akin. Myghadd. Eto na po ba yun Papa God? Katapusan ko na po ba!?
Sumipol yung lalaking napaka tangkad. Tumindig ang balahibo ko  nung nagsalita  yung lalaking puro tatto sa katawan.

"Wow chixx.!" Naliligaw ka ba miss?"
"Gusto ko bang ihatid ka namin?" Sabi nito tapos sabay kinindatan pa ako. Nanginginig na yung tuhod ko. Hindi ako makagalaw ng maayos. Isa lang ang paraan. Tumayo yung tatlong lalaking nag iinuman. At dali dali naman akong tumakbo ng napaka blis.

Takbo...
Takbo...
Takbo...

Tumingin ako sa likod ko. Juskolord. Hinahabol nila ako . Naiiyak na ako sa sobrang takot. Takbo pa rin ako ng takbo, pero sa hindi inaasahan natapilok ako. Sobrang sakit ng paa ko. Sinubukan kong tumayo. Ngunit sobrang sakit talaga. Hindi na ako makatayo. Napilayan ata ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Palapit na ng palapit yung mga lalaking lasing. Pumikit nalang ako , nagdasal ako. Bahala na si God sa akin.

    Hinila ako patayo nung lalaking may tatto. Sinikmuraan niya ako. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Paulit ulit. Nanhhihina na ako. Halo halong sakit ang nararamdaman ko. May nakita pa akong patalim na dala ng isang lalaki at sa isang iglap lang nakita ko na ang dugo na umaagos sa braso ko. Dugo. Takot ako sa dugo. Nahihilo na ako, nanghihina. Ngunit bago ako mawalan ng malay nakita ko ang isang lalaking nakabonet  at malaki din ang katawan.. Kinuwelyuhan niya yung lalaking sumuntok sa akin. Ganoon din ang ginawa niya sa iba. Lumalabo na ang paningin ko ngunit natandaan ko ang mukha ng lalaking tumulong sa akin.
Salamat sa kanya.

---End of Flashback----

     Oo. Si Andrei. Si Andrei ang dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon kaya ang lakas ng loob niyang bwisitin ako. Simula ng gabing tinulungan ako ni Andrei. Naging magkaibigan na kami. Lagi siyang nasa tabi ko. Masyado lang siyang mahiyain kaya wala daw siyang kaibigan bukod sa akin.

My Imaginary Boyfriend!? #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon