SEB/KING POV
Pumunta ako ng maga sa bahay ni queen pero wala ata siya dahil nakita ko yung susi sa dati niyang nilalagyan. napatingin ako sa bahay niya lalo na sa pinto may nakita akong papel na nakadikit dun , lumapit ako at binasa .
HELLO MR. YSK
Sumulat ako kasi masyado na akong nahihiwagaan sayo , pag kailangan ko ng tulong o nasa alanganin akong sitwasyon lagi kang andyan , kaya isa lang ang hiling ko ang makita ka , at masuklian kahat ng tulong mo sa akin.
FROM:MIRAQUEL
PS.miraquel pala name ko.
Yan ang nakasulat , pinag isipan ko kung ano ang isasagot ko , hanggang dumating sa point na naisip ko , ito na siguro ang tamang oras matagal tagal na din ,gusto ko na siya makausap at magexplain sa kanya . sinagot ko ang sulat niya .
HI BEAUTIFUL LIKE A QUEEN
Okay kita tayo , mamayang sunset sa lugar kung saan ka muntik ng malunod . hintayin kita queen.
FROM:MR. YSK
Kailangan ko ng maayos ang lugar bago siya dumating kaya madali akong umalis at tumawag ng mga tutulong sa akin .
Ilang oras dumating na din sila at inayos ang lugar kung saan kami magkikita ni queen .
"handa na akong harapin ka queen , papatunayan ko ngayon , na ikaw lang mahal ko at mamahalin ko habang buhay ."-me
6 PM
Nandito na ako at hinihintay si queen , may natatanaw akong bulto ng tao na naglalakad sa gawi na to ,medyo malayo pa siya .
"ito na to . kaya ko to ."-me
MIRA/QUEEN POV
Nung malapit na ako , kulay orange ang langit malapit na kasi lumubog ang araw , napatingin ako sa gawi ng lugar na pag kikitaan namin may lamesa sa gitna at dalawang bangkuan na may design na pang queen at king dahil merong crown ang dalawang upuan .tumibok ang puso ko ng mabilis parang alam ko na na hindi ang taong nasa likod nito pero baka nagkataon lang . madami ring nakakalat na pula at puti na petals ng bulaklak ang ganda tingnan . pati sa dagat may mga bulaklak sa mga puno may mga puting lights na kala mo bituin na kumikinang .
May narinig akong tumutogtog.may lalaking lumabas mula sa dilim at pumunta sa may liwanag na parang mini stage . di ako nagkamali si king nga . nakatulala lang ako sa kanya habang kumakanta siya .
PUSONG LIGAW-JERICHO ROSALES
'Di kita malimutan
sa mga gabing nagdaan
ikaw ang pangarap, nais kong makamtan
sa buhay ko ay ikaw ang kahulugan''Pag ibig ko'y
walang kamatayan
ako'y umaasa
muli kang mahagkan''Ikaw pa rin, ang hanap ng pusong ligaw
ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
pag ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
mula noon, bukas at kaylan man''Ikaw at ako'y
sinulat sa mga bituwin
at ang langit
sa gabi ang sumasalamin''Mayrong lungkot at pananabik
kung wala kay kulang mga bituwin
aasa ako sa muling pagkikita
sasabihin , mahal kita''Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
pag ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
mula noon, bukas at kaylan man''Mula noon,bukas at kaylan man. . .'
'Mula noon, bukas at kaylan man. . .'
Si mr.ysk ay si king ,kaya pala ganun ang nararamdaman ko , yung may mabilis na pagtibok ng puso kahit simpleng bagay lang , yung parang may paro paro sa tyan ko , at napapangiti ako , kasi siya pala yung taong mahal ko .
"king"-me
Lumapit siya sa akin at buong puso akong yinakap at hinalikan sa ulo .
"patawarin mo ako queen , di ko alam na nasasaktan na pala kita, please pakinggan mo ang side ko queen , hindi kami nagkabalikan ni sab , yung nakita mo mali yun queen , please ikaw lang ang mahal ko at walang iba queen ."-king
Naluha ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya kita ko ang sakit at pagod sa kanya . hindi ko napigilang hawakan ang muka niya .
"papakinggan kita king , alam kong hindi ka magsisinungaling sakin , kahit magsinungaling ka , yun at yun pa din ang paniniwalaan ko king dahil mahal kita , mahal na mahal king"-me
Walang dalawang isip at hinalikan niya ako ng buong puso at pag mamahal . pagkatapos ng malumanay at masarap na halik na aming pinagsaluhan para kaming sabik sa isat isa dahil sa tagal ng huli naming pagkikita . magkadikit ang nuo namin at nakangiting nakatingin sa bawat mata .
"mahal na mahal kita queen"-king
"mahal na mahal din kita king"-me
Kailangan ko lang talagang linawin ang isip at puso ko , para matuto akong makinig at mag isip ng tama.
"queen ?"-king
"bakit king?"-me
"alam mong mahal na mahal kita, at ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa aking huling hininga , kaya queen papayag kabang makasama ko hanggang tumanda tayo at magkaapo . (naiyak na ako sa sinasabi niya), queen pwedi ba kitang makasama sa huling hinunga ko at makasama ka sa bawat oras na masaya ako , kasama ang anak at apo natin . (lumuhod siya sa harap ko at may mga bulaklak na bumagsak sa langit mga pula at puting rosas) queen ,will you marry me? (lumuluha at nakangiting sabi niya sakin)"-king
Iyak ako ng iyak pero di mapawi ang ngiti sa labi ko .
"Yes ! papakasalan kita king "-me
Agad siyang tumayo at sinuot ang sing sing sa akin kasabay nun ang pag sabog ng ibat ibang kulay sa kalangitan at pag buhos ng mga bulaklak na paborito ko , at saktong paglubog ng araw .
"Akin na akin kana queen , simula ng sinuot ko yan sa daliri mo"-king
"kahit wala o meron to king , sayong sayo ako"-me
At muli niya akong ng buong puso , dahan dahan , at punong puno ng pag iingat at pag mamahal .
----->
effort 🙂
ESTÁS LEYENDO
Loving You, MY KING (COMPLETE)
RomancePROLOGUE Minahal kita kahit pilit mong sinasabing wag kitang mahalin . makulit ang puso ko king ikaw lang ang gusto nito ,ikaw lang ang tinitibok nito. Sa oras na ako ay pinapasok mo sa puso mo , hindi ako magdadalawang isip na wag nang umalis pa di...