"Belluga!!! Baka gusto mo bilisan?? "
"Sorry. " agad akong sumunod sa lakad ng aking kaibigan. Ako kasi yung babaeng mahiyain. Konti lang ang kaibigan ko sa katunayan ay si Melly lang ang nag iisa. Minsan nga sinasabi nilang wierd ako. Di talaga ako kumakausap kapag di ko close o walang kailangan.
"Tara nga dito " inangkla nya ang braso sa braso ko.
"Alam mo Belle kapag di mo pa binilisan ang lakad ay baka malate na tayo sa school. " sermon nito.
Simula highschool hanggang itong college ay talagang wala kaming balak maghiwalay or should I say mapaghiwalay. Iniisip ko nga na kung wala si Melly sa tabi ko ay paniguradong boring ang buong school years ko.
"Eto na. Teka malapit na pala ang midterm exam natin no. Kailan ka magrereview? " nakangiting tanong ko.
Malapit na kami sa gate ng University ng matanaw ko si Acasha Frois ang isang sikat na Model at artista . Hindi ko maalis ang tingin kay Acasha . Sobrang ganda nya talaga.
"Uyy. Nakikinig ka ba sa akin?? " kalabit ni Melly .
"Huh?? Sorry " napakamot na lang ako sa batok.Napatingin din sa sa dereksyon na tinitignan ko.
"Tinitignan mo nanaman si Acasha? Sinabi ko naman sayo na mas maganda ako dyan. Kailan ka ba titigil sa paghanga sa kanya?? Eh kay pangit naman ng ugali?? "
Napapangiting napailing ako. Haha. Maiangat lang ang sarili nya eh no.
"Hindi naman. Mabait nga sya eh. Tignan mo oh. Hindi sya maarte kahit ang daming dumidikit sa kanya. "
Nang tumingin ako kay Melly ay umirap na lang sya at tinignan ang relo.
"Holy Crop!! Late na late na tayo. !! Ang bagal mo kasi eh!! "
Hinila naman na nya ako at tumakbo. Sumulyap lang ako saglit kay Acasha. Halos lahat ng kalalakihan ay hinahangaan sya maski nga yata babae at isa na ako doon.
--
Pagkatapos ng klase ay inantay ko si Melly sa labas ng room dahil kinakausap nya pa ang kagrupo nya sa isang report namin.
Bigla akong may narinig na nagriring. That's my phone ringtone. Hinanap ko sa dala kong bag pero wala doon. Hala ka!! San ko naman nalagay yun??
Nilibot ko ang paningin ko at yun!! Nalaglag ko pala malapit sa pintuan.
Nilakad ko ang kaunting distansya mula sa pwesto ko hanggang doon nang dadamputin ko na ay nagulat ko ng may nakatapak nito.
Oh my!! Pag-angat ko ng tingin ay isang lalaki ang nakatapak kasama nito si Acasha .
"Oops. We were sorry for what happened. " yumuko si Acasha at dinampot ang phone ko na wasak ang screen. T.T
Tumayo na rin ako. Inabot naman nya sa akin yung phone."Papalitan ko na lang. " malamig na tugon ng lalaki. He's handsome. Nakasuot ito ng blue stripes polo shirt , maong pants at sneakers. Ang ganda rin ng hubog ng mukha nito talagang nadipina ang mga panga at ang matangos nitong ilong. Kapansin-pansin din ang kulay brown nitong mata. He looks like foreign features.
"He's right Miss. Papalitan na lang namin yan. sorry. " napukaw ng atensyon ko si Acasha na nagsasalita ang bait nya talaga.
"A-Ah. W-Wag na. A-ayos lang. " I am stuttering.
"Kung ganun. Please excuse us. " sabi nung lalaki. Ngumiti naman sa akin si Acasha at Lumakad na sila paalis.
Pinagmasdan ko lang ang paglayo nila ng may tumawag sa akin.
"Belluga!! Ano ?? Tulala ka dyan??"
"Huh?? Wala. Tara na. Baka inaantay na ko ni daddy. "
"Oh nga pala may dinner pa kayong pupuntahan . Tara. "
Habang naglalakad kami ni Melly patungong parking lot ay di ko parin maalis ang imahe ng lalaking yun kanina. Mukhang Boyfriend iyon ni Acasha. At di maikakaila na talagang bagay sila.
Nang makarating kami doon ay may biglang bumusina. Mula sa loob ay dumungaw si Daddy patungong labas.
"How's your day Darling?? "
"Its okay Dy. " ngumiti ako sa kanya.
"That's good to hear. By the way . I'am here to tell you . I have a dinner meeting today. Just tell manang lusi if you need something and bring Melly to our home. Para naman may makasama ka sa pagkain. I'm sorry Darling. We need to re-schedule our dinner night. "
My dad is a workaholic. Lagi syang nag oovertime sa kumpanya. Minsan ay wala na rin syang oras para sa amin ng kapatid ko.
Sana ay nandito si Mommy. Sabi ni daddy namatay na daw ang mommy simula ng ipanganak ako nito. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras magtanong kay daddy. Sa tuwing naalala ko na ako ang dahilan kung bakit namatay si Mommy ay lagi kong sinisisi ang sarili. Na sana ay di na ako pinanganak . Sana ay mas pinili ni Mommy na mabuhay sya kesa sa magkaroon ng anak na katulad ko.
Buti na lang nandyan si manang lusi para maramdaman ko ang kalinga ng isang ina.
And since that day sabi ni manang lusi ay nag-iba na daw ang pakikitungo ni daddy sa mga nakapaligid sakanya although pinaparamdam nya pa rin na mahalaga kami.
Ngumuti na lang ko. Kahit anong pilit ko ay wala na rin naman akong magagawa.
"I understand Dy. Lets get in ,Mel. "
Nang makapasok kami ay umariba nanaman ang kadaldalan ng bestfriend ko.
"Tito , pwede po ba mag overnight si Belle sa sabado?? " paalam nito.
"Sure Mel. Basta wag kayong lalabas ng gabi. Masyadong delikado." Paalala ni Daddy na nakatingin sa akin. I know.
"Opo!! Salamat Tito!!. "One year ang agwat ni Melly sa akin. 22 sya, 21 naman ako. Mahabang istorya kung paano nangyaring 2nd year college pa rin kami sa edad namin ngayon.
Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam din agad si Daddy. Baka malate daw sya.
Pagpasok namin ay nagulat ako nang biglang tumili si Melly.
"KYAAAAHHH. CHESTEEER !!!! " takbo ni melly ang pagitan nila at niyakap nya si Chester . Halos magkasing edad na sila ni Melly. Mag 23 na kasi si chester sa susunod na buwan .
Si Chester ay ang Ampon ni Daddy. Kwento ni Daddy na akala daw nila hindi daw sila magkaanak ni Mommy dati dahil delikado ang sitwasyon ni mom kaya napagdesisyunan nila na mag ampon.
Sa abroad pinag aral ni Daddy si Chester para daw mas marami pa itong matutunan dahil sya ang hahawak ng isang pinakamalaking kumpanya ni Daddy.
"Oyy oyy. Melly. Baka di na makahinga si Chester Hahahaha.. "
"Oo nga. Gusto na din ako yakapin ng little sister ko. Nag seselos na. Hahahahahahahaha. " nang kumalas si Melly sa yakap nya ay nag open arms si Chester para yakapin ko sya na ginawa ko naman.
"Its been 3 years when I've seen you. Your beautiful lady now. I missed you " sabi nito.
Ang higpit ng yakap nya sa akin na halatang namiss nya talaga ako
"As if. Eh nagskype naman tayo ah. But seriously I really missed you too. "
Mga isang minuto din ang yakapan namin. We were very close way back then until now.
"Gutom na ko!! Baka gusto nyo mag bitaw?? " pinag hiwalay agad kami ni Mel.
Haha. Miss nya lang din ang kapatid ko eh.
*****
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
General FictionMaling pagmamahal sa maling tao. "Ako na ata ang pinaka tanga na babae sa mundo. " - Belle Once I enter my real life. I need to face my real world. This is a Big Mistake. But I can't escape.