Step siblings.
Nauna na umuwi si Melly ngayon dahil dumating ang Daddy nya galing abroad.
Kaya kami lang ni Chester ang natira sa sasakyan nya."Oh. Bakit iba ang daan natin?? "
"Just want to spend time with you. "
"Huh? "
"Bonding ,Belle. Haha. Magbobonding tayo sa grocery store. Dadating kasi yung mga anak ni Tita Elvs mamaya. Nakakahiya naman kung papakainin natin ng di masarap." Paliwanag nito.
"Ahh. May anak din pala si Tita Elvs. "
"Uhuh. Kaya mag ayos ka para magpakilala tayo ng pormal sa kanila. We're having a dinner. "
"Okay. Buti at maaga ang uwian namin. "
Ngumiti lang sya at nagconcentrate sa pagmamaneho.
Pagdating namin ay pinagbuksan nya ako ng pintuan. "Thank you "
Pinatunog nya ang kotse nya atska hinablot ang kamay at naglakad . Napatingin naman ako sa kanya na nakangiti.
"May gusto ka bang bilhin pagdating natin sa loob?? " tanong nya sa akin.
"Ahh. Wala naman. "
Nang makarating kami sa Grocery store ay sya na ang nagkukuha ng mga dapat kailanganin. At ako naman ay ang mga necessary things ko lang .
"Wala ka ba talagang gusto?? " seryosong tanong nya.
"Nalagay ko na lahat dyan. "
Tumango ito at pumila na kami.
Nakatayo lang kami habang nag aantay ng hawakan nya uli ang kamay ko.
"May problema ba?? " nagtatakang tanong ko. Kanina pa kasi sya hawak ng hawak sa kamay ko. Naalala ko noong may kasalanan sya sa akin ay lagi nyang hinahawakan ang kamay ko.
"Wala naman. " nakangiting sagot nito.
"Chester?? I know you have. "
"Haha. Belle. Wala nga. Wag mo nang pansinin . " Nang ilayo ang paningin nya sa akin ay doon ko nakumpirma. Hmmm. Ano kaya yun?
"Ahm. Excuse me?? " kalabit sa amin nung lalaking medyo na 40's na.
"Po?? " tanong ko.
"Pwede ko ba kayong kuhaan ng litrato?? Isasama ko sa collection ko bilang isang photographer. Ang ganda nyo kasing tignan . Magkaano ano kayo?? . "
"Haha. Magkapatid po."
"Osige po. Pwede pong bigyan nyo kami ng copy?? "
"Ayy oo naman hijo. Sige ngiti lang. " sabi ni manong. Ngumiti na lang ako dahil nakakahiya naman kung hindi. Ano bang nasa kokote nitong Chester na 'to at pumayag?
Since yung kamerang hawak ni manong ay pwedeng magpasa ay nagpapasa si Chester sa phone nya.
"Salamat talaga. Paniguradong papatok ang litrato ninyo. " paalam ni manong. Gusto ko sumabog sa pula ng mukha ko. Nakakahiya. First time ko magpapicture in public.
"Hahaha. Ang daming blush on yata ang ginamit mo, belle?"
Inirapan ko lang sya at tinulak na ang cart namin sa counter. Nakakahiya kaya. I dont usually take photos.
---
Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong kami ni Manang Lusi.
"Mga bata kayo! Bakit kayo pa ang namili?? Pwede naman ang mga katulong na lang " sermon nito.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
General FictionMaling pagmamahal sa maling tao. "Ako na ata ang pinaka tanga na babae sa mundo. " - Belle Once I enter my real life. I need to face my real world. This is a Big Mistake. But I can't escape.