Papasok na ako ng gate namin ng masalubong ko ang isang grupo ng kababaihan. Lalagpasan ko na sana kaso hinarangan nila ako.
"Well, angel in disguise " sabi ni Hannah
"B-Bakit? "
"Kissing with my boyfriend is a big deal. " sabat nung katabi ni Hannah.
"B-Boyfriend? Sino??"
"Huh!! Mukhang nakalimutan nya na ata. " napapailing na sabi nito. What now?
"I dont h-have time for this. " kinakabahan na sabi ko.
"Pwes kami marami." Hinila nila ako papunta sa field. Since mag start na ng klase ay wala masyadong tao. Late na nga ako.
"Ang kapal din ng mukha mong halikan ang boyfriend ko!!! " sigaw nya at napasalampak ako sa sahig ng sampalin nya ako ng malakas. Nalasahan ko na din ang dugo sa labi ko.
"Eana ,stop. Hindi ito ang plano. " awat ni Hannah.
"Wag ka makielam Hannah!! Gusto ko tanggalan ng nguso itong babaeng 'to! " nanggigil na duro nya sa akin. Agad akong tumayo.
"Si Nurse T-Ted ba? "
"Ngayon naalala mo na! Kailangan pa talagang naalog yang bungo mo!sya nga! " ang pagkakaalam ko ay wala itong girlfriend. Pero ayoko na palakihin pa ito. Mahirap na baka madagdagan ang kasalalan ko at malaman pa iyon ni Daddy.
"Pasensya na. Lasing lang ako nung gabing yun . Hindi ko ginusto ang nangyari. " nakayukong dahilan ko.
"Wow!! At nililigtas mo pa ang sarili mo?! Pinalalabas mo na yung Boy----"
"I'M NOT YOUR BOYFRIEND. " napatingin kaming lahat sa lalaking nagsalita. Si nurse Ted.
"T-Ted. " ngayon ay yung Eana naman ang takot na takot.
"Kailan mo pa ako naging boyfriend. "
Hindi ito nakasagot. "Wala ka sa posisyon para pakielaman ang mga taong nalalapit sa akin. You're just a trash. Who stalked me everyday, everyhour ,everyminute. Stalker. Yun ka lang. " nakayuko ang lahat .
"NAIINTINDIHAN MO BA?! ""O-Oo." Pagkasabi nya nun ay tumakbo na sya at nagsinudan ang ibang kasama niya , naiwan lang si Hannah
"Pasensya na Pinsan. Hindi talaga plano ang saktan sya. " Mag pinsan sila?!
"Pagsabihan mo yung kaibigan mong yun. I dont wanna see her face again "
"Sige. " inirapan ako muna nito at umalis.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag . Akala ko uuwi ako ng bugbog sa amin eh. Hayss.
Nagulat namn ako ng may bumuhat sa akin.
"T-Teka. Bitawan m-mo ko "
"Psh. Gagamutin ko yang sugat mo. "
"Okay lang a-ako. "
"Malapit na tayo. Wag kana mag inarte " Seryosong sabi nito. Ako?? Nag iinarte? Hah! Pero ngayon ko lang napakatitigan ang mukha nya. Makakapal ang kilay nito at lubog ang mga mata , matangos din ang ilong nito.
Natinag lang ako ng mapatingin sya sa akin. "Dito ka lang. Kukuha lang ako ng panlinis dyan " sabi nya. Tumango nalang ako. Dalawa ang kama dito sa gitna ay may nakaharang na kurtina. Iniupo naman nya ako sa unang kama.
Pagbalik nya ay hinila nya ang isang upuan at umupo sa harap ko.
"Bakit hindi ka lumaban?" Tanong nito habang naglalagay ng ointment sa cotton ball."Hindi naman kailangan dahil alam kong may kasalanan ako. Tsaka malay ko ba na hindi mo pala talaga girlfriend yun. Edi sana nakaganti ako. "
"Sa susunod tama ka man o mali kung nasasaktan kana ay matuto kang lumaban. Simula first year ka palang ay ang lampa mo na. " huh?? First year?? So matagal nya na akong kilala ?
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
General FictionMaling pagmamahal sa maling tao. "Ako na ata ang pinaka tanga na babae sa mundo. " - Belle Once I enter my real life. I need to face my real world. This is a Big Mistake. But I can't escape.