Love : 11

20 0 0
                                    

Yes, nag bunga ang pagkakamali kong yun.  Pero for me she's not a mistake. Kailangan lang nya mahiwalay sa akin dahil kailangan kong pagpatuloy ang pag aaral ko. And Daddy was mad that time.
Hindi nya matanggap ang baby ko.
At dahil wala din akong mapakitang ama ng dinadala ko sa mga oras na nalaman nilang buntis ako.

Hindi nya ko mapatawad .Nang dahil sa akin ay nawalan ng isang branch ang negosyo ni daddy. May isang kapartner si Dad na nalaman na may anak itong disgrasyada. Ayaw nila masira ang kanilang pangalan sa larangan ng business.

That was my Big mistake. I'm a disgrace to this family. kahit mahirap sa akin ay pinasama ko kay Grandma ang baby ko. Iwas sa kung anong pwedeng mangyari sa iniingatang kumpanya no Daddy.

Kaya ngayon I gradually regain my Dad's trust.

Walang nakakaalam na may anak na ako kundi ang pamilya ko and of course Melly her family.

"Apo, kailangan ng magpahinga ni Naomi. " sabi ni Grandma dahil nga wala kaming pasok ni Melly ay pinasyal at nilaro namin si Naomi. Naomi is a smart kid. Mana sakin. Buti na nga lang at hindi ito nagmana sa ama nya.

"Mama." sabi ng anak ko.

"You need to rest na Baby ko. "

"Yes baby. Kailangan na din magpahinga ni Mommy mo. Come to Grandma." sabi ni Grandma.

Gusto ko pa makasama ang anak ko.

"Ahm. Grandma?  P-Pwede po bang sakin muna tumabi matulog si Naomi?" Nag aalangan kong sabi. Alam ko naman paano mag alaga dahil ako nag alaga kay Naomi nung mag iisang taon palang sya at sila Grandma na ang madalas yung mag 2 na ito at unltil now she's already 2 yrs old.

I hope na makasama ko sya ngayon na mag 3 yrs old na sya.

"Of course, apo. " nakangiti nitong sabi at niyakap ako. Napangiti naman ako.

"Hello people! " gulat na tumingin ako sa nagsalita.

"A-Ate Su? "

"Hi Bel--- wow ang kyuuuut naman ni baby girl!! " masayang sabi nito. "Kaninong anak?  Kapatid din ba natin sya??  O kapatid ni Mel? "

Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Grandma at Melly. Napabuntong hininga naman ako.

"A-An----" Ako / "Kapatid ko ate." Melly.

I know grandma will understand what melly said.

"Aww. Ang cute naman. Buti naisipan mo dalhin dito?  "

My heart is breaking again n again.

"O-Opo. Naomi meet your Tita Sulana " Si melly.

Nagtago lamang ang bata sa leeg ko. Natakot ata.

"Ayy. Ganun ba ? Haha Glad to meet you baby Naomi. Sige maiwan ko muna kayo at dumaan lang ako dahil may pinakukuha si Mommy sa kwarto nila. " nag mano lang sya kay Grandma bago umakyat.

"Thank you, Melly. "

"Alam ko naman na hindi ka ready, na natatakot ka lang.  " sabi nito at ngumiti na tinugunan ko din ang isang ngiti.

"K-Kailangan na magpahinga ni Naomi. Melly, pahatid kana lang kay Chester. Salamat uli. Grandma akyat na po kami."

Hayssss.

-----

Kinagabihan habang pinagmamasdan kong matulog ang baby ko ay syang bukas ng pinto ng kwarto ko. Bakit ba ang hilig nila magbukas na lang?

"Sino yan? " hindi na ako magtataka kung sino ang lapastangan na nagbubukas na lang bigla ng pinto ko.

"Pake mo? "

"Wala, nagtatanong lang." 

"Wala naman pala. Bat ba nandito ka?  " sabi ko at tumayo para itulak sya palabas. "Umalis kana dito. "

"No! "

"Bakit?  " mataray na tanong ko.

"Wala nga! "

"Ano ba.  Hinaan mo nga ang boses mo!  Baka magising ang bata." Bulong na sigaw ko. "Tsaka gabi na ah. Bat ba kasi nandito ka? Tapos na duty mo sa girlfriend mo ako naman guguluhin mo?."

"Are you jealous? Dahil ba lagi ko kasama si Acasha? " Nangingiti nitong sabi.

"Hindi. Dahil wala naman akong dapat ikaselos dahil kapatid lang kita. Naiintindihan mo??  KAPATID lang kita." Pinagtutulak ko sya nang pigilan nya ang mga braso ko.

"Hindi kita kapatid. Tandaan mo hindi. " nanlilisik nitong sabi.

"Ano ba.  Bitawan mo nga ako."

Binitawan naman nya agad ako.

Nakarinig naman kami ng iyak.
"Ma.....ma....huhuhuhuhu ma..." agad akong lumapit kay Naomi.

"Shh. Tahan na baby. Mommy is here na. Shh. Dont cry. Shhh." Hinele hele ko ito at unti unti naman tumahan.

"A-Anak mo?" Nanlalaki ang mga mata nitong magtatanong. 

Di ko na kaya pang itanggi si Naomi.  Ang sama kong ina.

"Kung Oo, titigilan mo na ba ko? "

"This can't be. You're too young to have a kid. " gulat pa rin nitong sabi. Lumapit sya na hinayaan ko naman. Pinagmasdan nya ang bata.

Napalayo ito ng umiyak uli si Naomi.

"Gosh. You scared her. Lumayo ka nga."

"P-pa.....Paano nangyari? Sinong tatay nyan?  Wala naman akong nakikitang malapit na lalaki sayo.  Na-rape ka ba? " tumingin ito sa akin. Fuck.  Naisip nya talaga yun? 

"Mahabang kwento." Simpleng sagot ko at umupo sa kama.

"Why you didn't tell me? "

"Bakit pa?  Pshh. Umalis kana nga! Bwiset. " irap ko dito.

Biglang bumalik sa dati ang ekspresyon nya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. " determinadong sabi nito.

Binaba ko ang anak ko na kakatulog pa lang at hinila si Zaike palabas at dinala ito sa garden.

"Bakit ba ang kulit mo?!! Wala ka na dun ! Mind your own business. AT HIGIT SA LAHAT wala kang pagsasabihan ng nalaman mo. Kundi malilintikan ka sakin." nanggagalaiti kong sigaw.

"Ang dami mong sinabi. " naiirita nitong sabi

"Sinasabi ko lang. "

"First of all. Wala akong pakielam sa kung anong meron ka. Oo I'll keep this as a secret. Bullshit!  "
Sabi nito at lumayas na. Nakahinga naman ako ng maluwag na agad din nagulat ng may magsalita sa likudan ko.

"Anong sikreto yun?" Cloud.

"WALA! " sabi ko at tumakbo na papuntang kwarto.

Bwiset yung magkapatid na yun!

***

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon