Love : 7

18 0 0
                                    

Still the same

Nagising ako sa pagkalampag ng pintuan ng kwarto ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Pinilit kong bumangon .. Parang binibiyak ang ulo ko.

Bigla kong naalala ang nagyari kagabi. OMG!!!  Tinignan ko ang suot at iba na ito.

At naalala ang nangyari kagabi.

Did I really kissed him??

Nanatili lang ako sandali dahil katok na ng katok ang nasa labas.

Nang buksan ko yun ay bumungad sa akin ang galit na mukha ni Daddy.

"Dy. "

"Sinabi ko sayong wag kang iinom!!  Anong ginawa mo?!  Buti na lang at nandoon ang kapatid mo! Kundi ay baka may nangyari nanamang masama sayo!! At gabing gabi ka pa umuwi!! Pinaalalahanan kita Belle!! Where's your card and phone" nilahad nito ang kamay nya.

Shocks!!  Anong nagawa ko?? 

"But dad. Malaki na ako. I know what I am doing."

"You are already 21 but still a hard-headed. Sa katigasan ng ulo laging napapahamak. Think what happened in the past. Then tell me Belle. Tama ako diba? " Dad hit me with those words. 

"I'm sorry Dy. "

"Give it to me. " madiin na sabi nya.

Pumunta ako sa side table ng kama ko para kunin ang sirang phone ko at yung mga cards sa wallet ko.

Binigay ko iyon kay Daddy.
"Mag asikaso ka na at ihahatid ka ni Chester sa eskwelahan mo. Bahay at School ka lang. " alam kong galit si Daddy. But seriously?  Grounded pa ako sa lagay na to? 

Ngayon na lang uli sya sa akin nagalit kaya alam ko kung galit sya o hindi.

Sinarado ko na ang pinto .

Ano ba kasi pinag gagawa ko?  Ang natatandaan ko lang ay uminom ako, sumayaw with the guy then I kissed him? The next thing is when we're inside the car. At naalala kong nag hubad ako ng damit. Shit!!  Nandun si zaike!

I really did it?? 

P-Paano pa ako haharap kay Zaike?  Anong gagawin ko? Nakakahiya!  

WAAAAHHH!!!  Hiyang hiya na ako.

Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na ako.  Nakita ko silang lahat sa hapag kainan. Nakayuko akong pumunta sa pwesto ko na katabi lang ni Chester.

Sobrang tahimik. Di katulad dati kahit papaano ay nag-uusap kami ni Chester. Pati ata sya ay galit. 

"Gusto mo ba ng mainit na maiinom, Belle?? " basag ni mommy sa katahimikan na talagang nagpakaba sa puso ko.

"I'm done " Biglang tumayo si Zaike. Napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Papasok kana ba? " tanong ni Mommy Elvs.

"Yea. " sabi nito sabay alis.

"Ano belle??  Gusto mo ba?? " tanong uli ni Mommy Elvs.

"W-Wag na po. Ahm hindi na po ako k-kakain ." Sabi ko.  Humalik na ako sa pisngi ni Mommy Elvs at kay Daddy na di man lang ako pinansin.

"Ches,  antay na lang kita sa garahe. " sabi ko sabay labas.

Nang makalabas ako ay nakita kong kasasarado lang ng pintuan ng kotse ni Zaike.  Lumapit ako doon at kinatok ang tinted nitong salamin na bintana.
Binaba nya iyon ng kalahati.

"What? " iritado nitong tanong

"Ahhm. So--"

"Kung wala kang sasabihin aalis na ako."

"Sandali!!! Y-Yung nangyari kagabi. A-ano. "

"Its nothing.  " natulala naman ako sa sinabi nya. Agad nyang pinatakbo ang kotse nya. Oh nga naman Belle. Wala lang yun. Bakit ba magsosorry pa ako? 

He's a Jerk!! 

"Hey. Are you okay?  " sulpot ni Chester sa harapan ko.

Tumango ako.

"Tungkol ba ito kay Daddy ??" Tumango na lang ulit ako at pumasok na sa front seat.

"Ano bang nangyari kagabi??  Pagkadating ko ay wala ka daw.  Ala una nang karga ka ni Zaike papasok ng bahay at kung kailan dumating yung kapatid nya ay tsaka ka nagkaganun?  Nakakahiya Belle. "

Kapatid?  Baka sila ate jeriah or sulana.

"Sorry.  Just drive.  " sabi ko at ibinaling na lang sa labas ng bintana ang atensyon ko.

Nang iparada ni Ches ang sasakyan nya sa tapat ng school ay di agad ako nakawala dahil nilock nya yung pinto.

"Chester " banta ko.

"You know Daddy's rule right? "

"Yeah. And I broke it ,always. "

"Belle! Bakit hindi mo sinunod?? Paano nga naman kung napahamak ka??  Belle. That's Bar. Maraming Gago doon. "

"Ano ba ,Ches!!  Malaki na ako!!  I'm not a kid anymore.  Kaya ko ang sarili ko. Tsaka pwede ba palabasin mo na ako. Malalate na ako oh. " inis na sambit ko. Alam kong may pagkakamali ako.  Eh bakit sya??  Lagi rin naman syang umiinom, nag babar.  Tapos ako bawal. ?

Agad din naman nyang iniunlock ang pintuan.

"See you later " sabi ko at lumabas na.

Pagkadating ko sa bukana nang school ay halos sa akin nakatingin ang lahat. Sumalubong sa akin si Melly.

"Belle,  nakita mo na ba?? "

"Ang alin? "

"Eto oh. " pinakita nya sa akin ang phone nya na may video ko na nakikipagsayaw sa lalaki at naghahalikan kaming dalawa. Hindi kita ang mukha nang lalaki. S-Sya yung n-nurse sa clinic. Shocks ka Belle!! 

Gusto kong lumubog sa lupa ngayon na!  

"Sorry Bestfriend.  Dapat di na kita pinilit sumama. "

Ngumiti ako. "Wala kang kasalanan. Tara na baka malate pa tayo. " 

"Uyy. Belluga .  Sorry na.  "

"Haha. Ayos nga lang. Tara na.  "

Habang naglalakad kami ay panay ang kwento ni Melly na pinagalitan daw sya ng Daddy at Mommy nya. Eh ano pa ko ??

--

Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami ng Library para magresearch sa bagong group activity kasama namin ang iba pang kagroup.

"Belluga , yung sayo na lang ang inaantay. " nabalik lang ako sa wisyo ng kalabitin ako ni Melly.

"Ahh. S-Sorry guys. Wait mabilis lang ito. "

Nang matapos ko ay wala akong ganang lumabas ng gate. 

Nagulat naman ako sa pagbusina ng isang kotse.  Lumabas ang kapatid ko at pinagbuksan ako ng pintuan sa Frontseat.

"Sabi ni Daddy na magbihis ka dw mamaya pagdating natin sa bahay. " malamig nitong turan.

"Why??  "

"May dinner daw kayo---"

Biglang lumiwanag ang nararamdaman ko. "TALAGA?! Kaming dalawa lang?? " tuwang tuwa kong tanong. Sa wakas magkakaroon na rin kami ng time dalawa. And I'll make sure na magkakabati na kami.

"Nope. Kasama ang mga kapatid natin. Hindi ako makakasama dahil may sarili akong dinner mamaya. "

Yung masayang awra ko ay biglang naglaho. Akala ko magkakaroon na kaming dalawa ng oras para sa isat isa.

Wala pa rin talagang pagbabago. Kung hindi kami magdidinner dalawa ay may kasama naman kami.

"Ahh. Okay. "

Napansin nya siguro ang pagbabago ko ng mood ko kaya di na sya nagsalita pa.

*****

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon