Love : 5

22 0 0
                                    

Wedding

Nandito kami ngayon nila Ate Jeriah,  Ate Su, at Melly sa isang kwarto ng hotel para ayusan kami.

"Wow Belle!!!  Ang ganda mo!! " puri ni Ate Su.

Kahit ako ay nanibago sa itsura ko ngayon.

"S-Salamat Ate. "

"Wag ka nga mahiya . Magiging magkapatid na tayo oh. "

"Ayy naku Ate Su , masanay kana kay Belle.   Ganyan talaga yan simula ng inire ng mommy nya. Hehehe"

Pati si Melly ay talagang mas lumabas ang kagandahan ngayon. Ang magkapatid ay talagang naggagandahan sa suot nilang off shoulder long dress na kulay blue at may konting shade ng white sa ibaba with their flower crown. Halos lahat ay ganito ang suot.

"Guys be ready " sabi ng isang babae na dumungaw sa pintuan namin.

"Oh Belle suotin mo na yung dress.  Sunod na lang kayo sa amin sa labas. " maotoridad na sabi ni Ate Jeriah.

"Opo. Sunod nalang po kami ni Melly. " nakangiting sabi ko.

Pagkalabas nila ay tinignan ako ni Melly ng nakakaloko.

"What?? "

"Paniguradong magkakaroon kana ng  manliligaw hahaha. "

"Psh. Tulungan moko isara ang zipper sa likod. "

Nangzinip nya ay biglang kumagat sa balat ko. Ang saket.  

"Masakaet ah!  Dahan dahan lang naman. "

"Hehe. Sorry bestfriend. Ayan.  Naks!!  May dalaga na si Tito. " inirapan ko sya at hinila na sya palabas baka magsisimula na.
Mapang-asar talaga.

The wedding went well. Sa simula palang ng programme ay talagang todo patak na ng mga luha ko. Iniisip ko na ang tunay kong mommy ang nasa harapan at nagpapalitan sila ni Daddy ng vows.

Buti pa nga si Chester ay nasilayaan man lang Mommy ko . Eh ako??  Kahit picture ay wala. Sabi ni Daddy ay nasunog daw iyon noon sa dati namin bahay.
Kapag tinatanong ko naman si Chester ay ngiti lang ang sinasagot nya at 'Hindi ko na matandaan, sorry' puro ganun lang.

Si Melly ay todo hagod lang sa likod ko at taga bigay ng tissue.



"Belle. Patapos naman na yung party. Doon na tayo sa kwarto natin. Pagod na ako eh. " pag yaya ni Melly. Halos lahat ng bisita ay dito magpapalipas ng gabi kaya may kanya kanya kaming kwarto. Lahat ng mga Malbel at Montez ay nasa iisang floor lang.

"Sige. Teka tapos kana ba kumain? "

Tumango lang ito. Halata na talaga sa itsura nya ang pagod. Grabe naman kase makapag entertain ng mga guess I mean mga guess na lalaki. Hayss. Daig pa ang kinasal.

"Lets go. "

Pagkarating namin sa nakaassign na kwarto sa amin ay agad pumasok si Melly. Papasok na rin sana ako ng makarinig ako ng kalampag ng pinto kaya hinanap ko iyon.

OMG !!

Si Zaike at si Acasha??  They're kissing like there's no tomorrow. Mas nanlaki ang mata ko ng bumaba ang halik ni Zaike sa leeg ni Acasha. What the!!!

Bigla naman nagtama ang mata namin ni Acasha nang mabaling ang ulo nya sa gawi ko kaya inilayo nya sakanya si Zaike kung bakit natigil sila.

"S-Sorry. "
Agad akong pumasok sa loob at sumandal sa pintuan habang sapo ang dibdib ko na parang may nagrarambulan.

"Oh.  Anyare sayo??" Melly na naka bathrobe na lang. Papunta sa Bathroom.

Di ko sya pinansin at nagderetso ng higa sa kama.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon