Ghost/Girl Friends

1.1K 41 8
                                    

P R O L O G U E

Saan nga ba mas napapatunayan ang pagkalalaki ng isang tao?

Tuwing makakakita siya ng multo?

O

Tuwing makakatagpo siya ng pag-ibig?

---------------

"Naniniwala ba kayo sa multo?"

Ibinaba ni Clyde ang binabasa niyang libro at seryosong sumagot, "Multo? Oo. Para sa akin kasi isa silang mga ligaw na kaluluwa na hindi matahimik. Mga kaluluwa na naghihintay lamang ng kapayapaan."

Napatango naman ang mga kasamahan na sumang-ayon sa sinabi niya. Kinuha niya ang juice sa mesa at uminom bago nilingon ang kapatid na si Jaiden na nasa kanyang tabi. "Eh ikaw bro, naniniwala ka ba?"

Umayos siya sa pagkakaupo at kampanteng sumagot, "Multo? As in ghost? Hindi ah! Maniniwala lang ako kapag nakakita mismo yung dalawang mga mata ko. Ika nga nila, to see is to believe" paliwanag niya at sumanday muli sa upuan.

"T-teka, bakit ba natin pinag-uusapan yang tungkol sa mga multo?" Tanong ng pinsan nilang si Blake habang unti-unti nilalapit ang sarili kay Sean. "Change topic nga tayo!" Pakiusap niya at pilit itinatago ang sarili sa likod.

Dahil sa sobrang pagkadikit ni Blake kay Sean itinulak niya ito. "Ano ba?! Ang init-init dikit ka ng dikit" pagrereklamo niya. Tumayo siya at itinapat ang electric fan sa kanya. "Hindi naman lahat ng multo nakakatakot ah." pagmamalaking sabi niya habang pinupunasan ang mga tumutulong pawis na halos mag-iisang balde na. Inikot niya ang paningin sa buong kwarto at nagbabakasakaling may makitang "kakaiba".

*craaaaaack*

Napatalon ang apat nang makarinig ng nabasag na bagay.

"Oops. Pasensya na. Yung baso kasi nadulas sa kamay ko. Hehehe" pilitang tawa ni Glenn na papalabas lamang mula sa kusina.

Nakita niya ang kuya niyang si Clyde at si Jaiden na nakadilat ang mga mata at tila gulat na gulat na nakatingin sa kanya samantala sina Blake at Sean naman ay napayakap sa isa't isa.

Nung matauhan, kanya-kanya na silang bumalik sa ginagawa at nagkunwaring walang nangyari.

"Nga pala, bakit mo naman biglang naitanong ang tungkol sa multo?" nagtatakang tanong ni Jaiden kay Glenn. Napalingon din ang tatlo sa kanya at naghihintay ng sagot.

Bumuntong hininga muna siya at yumuko, "Kagabi kasi, habang naghuhugas ako ng plato, may narinig akong humahagulhol na babae sa labas ng bahay." Unti-unting nanginig ang boses niya. "A-Akala ko isa sa mga kapitbahay natin..." habang patuloy siyang nagkukwento, tahimik lamang na nakikinig ang apat sa kanya. "Lumabas ako at dahan-dahan siyang nilapitan..." inarte din niya ang ginawa niya. "Nung malapit na ako. Tinapik ko siya sa balikat..." tinapik din niya si Sean sa balikat at nagkunwari na siya yung babaeng tinutukoy. "Dahan-dahan siyang lumingon..." huminto siya sandali at pinagmasdan ang apat na nag-aabang sa susunod na sasabihin niya. "Nung lumingon na siya sa akin nakita ko..n-nakita ko.." Bumilis ang paghinga ni Glenn at pilit na tinapos ang kwento. "Nakita ko siyang...

...NAGHIHIWA NG SIBUYAS!!!" Gulat niya sa apat at tumalon sa harap nila. "Hahahahahaha" Tawang tawa niyang pinagmasdan ang mga reaction ng mga kuya niya. "Hahaha. Yung mga mukha niyo. Hahaha. Grabe!! Hahaha" hinawakan niya ang tiyan niya dahil sa sakit mula sa pagkakatawa at biglang tumakbo dahil sa posibleng gawing karumaldumal sa kanya ng mga kuya.

"ASDFGHJKL!!! Glenn!! Putasdfghjkl!! Lagot ka sa amin!!!"

Sa sobrang inis nila kung anu-ano nang pagmumura ang pinagsasabi nila sa kanya habang nakikipaghabulan sa sala.

Nahawakan ni Blake si Glenn sa dulo ng damit. Hinila niya ito at itinulak sa sahig. Pinagtulungan naman siya ng tatlo at sabay kiniliti.

"STOP!!! Suko na ako!! Suko naaaa!!!" Dahil sa pagod, tumigil na rin sila sa pangungulit habang si Glenn naman ay naghahabol ng hininga.

"Eto, seryosong tanong na" panimula ulit niya. Nakinig naman sila habang sinusubukang huminga na parang aso at nakalabas pa ang mga dila.

"Naniniwala ba kayo sa love?"

Naging seryoso ang mga reaksyon nila. Napaisip kung anong isasagot at napalingon sa isa't isa na parang nagkakaintindihan. Sabay silang nagkibit balikat.

"Ewan" chorus nilang sagot.

---------------

Believing in love is like believing in ghost.

Mahirap paniwalaan.

Mahirap pakiramdaman.

Hindi mo alam na nasa paligid mo lang pala ito.

Hindi mo makita kasi pinipilit mo rin ang sarili mo na ayaw mong makita.

Kahit nararamdaman mo na, tinatanggi mo pa rin.

Believing in love is like believing in ghost.

May supernatural feelings man, na sa iyo pa rin kung paano mo ito pakikisamahan.

Tatakbuhan mo ba o haharapin mo?

---------------

Tadan~

Hahaha. Ang haba ng prologue. Sorry naman.

Sana nagustuhan niyo pa rin ito kahit papaano.

Kung may mga reaction po kayo or suggestion or what, feel free to COMMENT it below :)

Tumatanggap din po ako ng corrections. Mas ikatutuwa ko pa yun.

VOTE na rin po kung nagustuhan niyo.

SHARE-share din pag may time. ^__^

This is my new B1A4 fanfic.

Anyway, PLEASE do support it po :)

THANK YOU!

Ciao!

Ghost/Girl FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon