GGF Kabanata III

387 18 7
                                    

KABANATA III
---------------

Jaiden's POV

*Blaag*

Di ko namalayang nabitiwan ang hawak kong pagkain. Kahit na ang unti-unting pagkabasa ng mga paa ko mula dito. Marahil ay dahil sa nalove at first sight ako.

"Wow!" nahinang bukam bibig ko.

Nagslow motion ang lahat nung inayos ng magandang dilag ang malambot niyang buhok na halos natatakpan na ang makinis niyang mukha.

"Hi! Ako nga pala si Krystal. Welcome to our sisterhood" pagpapakilala niya.
Hanep! Pati yung pangalan niya napakaganda. Bagay na bagay sa kanya dahil para siyang mamahaling crystal.

"SHEEET KUYA JAIDEN!!" nabulabog ang lahat sa biglang pagsigaw ni Sean. Halos sumabog na ang eardrum ko sa lakas nito.

"Yung pagkain.....huhuhu" ungol niya na parang namatayan ng mahalagang tao sa buhay. Lumuhod siya sa harap ko at sinubukang buoin ang nahulog na ulam at ibinalik sa plastic container.

"Eww! Don't tell me you're still gonna eat those dirts?? Yuck!" maarteng sabi ng babaeng nakapink na headband na halos masira na ang cute..err.. I mean maarte niyang mukha.

Bumaba siya sa hagdan at lumapit sa akin. Inalok niya ang kanyang kamay at nagpakilala.

"Hi! Ako nga pala si Suzy" bati niya at ngumiti na pilit na pinapakita ang malalim niyang dimples habang biniblink pa ang mga mata.

Nilagpasan ko lang siya at dumiresto papaakyat kay Krystal.
Inayos ko muna ang brown kong buhok bago ko inalok ang kamay ko sa kanya at bumati,

"Hey there gorgeous lady. Your name is Krystal right? No wonder I can see my future in you...just like a crystal ball" pagbabanat ko sabay kindat.

Siguradong magugustuhan niya ako dahil halos lahat ng babaeng binabanat ko ay bumibigay sa akin. Haha. Ang gwapo ko daw kasi.

Narinig kong umubo ang mga nakababata kong mga kapatid pati na rin si Blake pero di ko sila pinansin. Hinintay ko lang ang sasabihin ni Krystal tulad ng "wow! Ang sweet mo naman! Kinikilig ako" para mainvite ko na siyang makipagdate sa akin.

"Err..nice to meet you Jaiden" yan lamang ang sagot niya kaya pakiramdam ko binagsakan ako ng mundo.

Urgh. Bawas sa pogi points ko yun ah. Siya pa ata unang nagtaboy sa akin. Tsk. Narinig ko naman nagpipigil sa pagtawa sina Blake.
Ibinaba ni Krystal ang kamay ko at tumingin sa may likuran ko. Grabe! Ang lamig ng kamay niya. Nakakainlove lalo.

Pero di ako susuko. Nagpapakipot lang siya eh. Alam kong gusto rin niya ako. Don't worry Krystal! Kung gusto mo ng persevere na lalaki, I'm willing to be one.

Sa kanya lang ata ako naging determinado ng ganito. Sana naman worthy ang magiging effort ko.

Bumaba na si Krystal at isa-isang pinakilala ang mga kapatid niya sa mga kasama ko. Kaya sumunod na rin ako.

"Eto nga pala ang makukulit naming kambal, sina Ara at Aya. Sorry nga pala sa ginawa nila kanina. Di ko rin magawang pigilan sila kasi matitigas ang ulo nila. Pati ako nadala sa kalokohan nila" paliwanag niya.

Ara at Aya pala ang mga pangalan ng tumalo sa kapilyuhan nina Blake at Sean. Totoo ngang para silang mga photocopied. I wonder kung magkakabati 'tong apat. Baka puro gulo at sakit sa ulo mabibigay nila sa amin. Naku! Baka mastress lalo si Krystal my loves ko.

"Eto naman si Nami" turo niya sa babaeng nakasuot ng patalikod na cap at maluwag na damit. Mahaba din ang buhok niya tulad nilang lahat. Perong tanging siya lang ang may pagka"tomboy" na aura.

Ghost/Girl FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon