GGF Kabanata II

364 21 4
                                    

KABANATA II
---------------

"Hindi ako makapaniwalang naisahan nila tayo" inis na sabi ni Sean at sinipa ang pinakamalapit na upuan. Medyo napalakas ito kaya sumakit ang ginamit na paa. Tiniis niya lang ito at hindi nagpahalata sa mga kapatid.

"Tinakot nila tayo with our guards down. Sobrang unfair nun! Makakaganti din tayo sa kanila." Sagot ni Blake sabay tapik sa kanang balikat ni Sean. Napalingon naman siya dito at tila may gustong sabihin pero sa isip lamang. Naintindihan naman agad ito ni Sean at tumango.

"Ano ba pinag-uusapan niyo dyan?" tanong ni Glenn habang isa-isang nilalagay ang mga plato sa mesa.

Kinwento naman ng dalawa ang pangyayari pati na rin ang panloloko ng kambal sa kanila.

"Hahahaha. Naisahan kayo ng dalawang kambal kuya? Tsk tsk. Malaking balita yan a. Pwede na yang pang headline sa news. Hahaha" pang-aasar ni Glenn sa kanila.

Simula kasi nung mga bata pa sila nakilala na sina Blake at Sean bilang hari ng kapilyohan. Kilala din sila dahil sa galing nila sa pranks. Kaya di makapaniwala si Glenn sa narinig na pagkatalo ng dalawa.

Siguradong gulo ang hantungan nito kapag makita nina Blake at Sean ang katapat nila.

"May nakatira pala sa kulay pink na bahay na yun?" singit naman ni Jaiden dala ang napakabangong especialty niya na pininyahang manok. "Wala kasi akong napansin na may tao sa kabilang bahay."

"Pwes meron. At hindi namin palalampasin yung ginawa nila sa amin. We must take revenge!" Itinaas ni Sean ang kaliwang kamao niya samantala ang kanan kamay naman ay ikinuha niya ng kutsara para tikman ang pininyahang manok.

Agad naman binawi ni Jaiden ang kutsara mula kay Sean. "Anong WE ang pinagsasabi niyo dyan?! Away niyo yan kaya wag niyo kaming idamay"

"Pero kuya..." Gusto sana niyang kumbinsihin si Jaiden pero nagtaka nalang siya pati ang mga kapatid nung biglang kinuha ni Jaiden ang hinandang hapunan at dinala papalabas.

Mabilis na hinabol ni Blake si Jaiden at hinawakan sa braso para pigilan. "T-Teka.. Saan mo dadalhin yan?"

"Ibibigay ko sa kapitbahay natin."

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Blake.

"Peace offering sa ginawa niyong kasalanan sa kanila." Sabi niya na nakangiti at kitang kita ang mga linya sa gilid ng labi niya.

Napaatras naman si Blake sa sagot ni Jaiden. "Ano?! Kami pa 'tong may kasalanan eh sila nga 'tong nanakot sa amin. Muntik na nga akong atakihin sa puso eh. Tsk" inis na sabi niya.

Hindi makapaniwala sina Blake at Sean dahil sa isip nila mas kinakampihan pa niya yung mga babae kaysa sa sariling niyang kadugo.

"Palusot ka lang ata kuya eh." biro ni Glenn mula sa likod. "Ang sabihin mo, gusto mo lang silang makilala. Ginagamit mo lang yang peace offering bilang excuse. Haha" biro ni Glenn.

Namula si Jaiden dahil nabasa ng matalinong kapatid ang isip nito. Dumating naman si Clyde na halatang bagong ligo dahil sa basa niyang buhok. Kinuha niya ang babasahing libro na "My Anonymous Caller" at umupo sa paborito niyang sofa. Napatahimik ang mga kapatid sa pagpasok niya kaya tiningnan niya muna sila bago niya binuksan ang libro. Wala siyang ideya sa pinag-uusapan ng mga kasamahan at wala din siyang interest para alamin yun. Tanging ang librong binabasa lang ang pinagkakaabalahan niya.

Bilang nakakatanda sa kanila, mature ang tingin ni Clyde sa sarili. Yun daw kasi ang paraan para sumunod sa kanya ang mga kapatid na ubod sa tigas ng ulo. 'One word is enough for a wise man' ang motto niya kaya isang salita niya lang napapasunod na niya ang mga kapatid. Hindi man halata sa malalapad niyang balikat at makisig na katawan, may mga panahon pa rin na nauuto siya ng mga ito. Siya ang tipo ng lalaki na hindi magaling sa pag-eexpress ng sarili verbally. Kaya dinadaan niya nalang ito sa pagbabasa at pagsusulat.

Dahil guilty si Jaiden at nahiya sa sinabi ni Glenn, lumabas siya agad sa bahay dala pa rin ang pagkain.

"H-hoy!" sinubukan ulit siyang pigilan ni Sean pero hindi na niya ito naabutan dahil nakalabas na siya kaya sumunod nalang siya. Agad din naman sumunod si Blake papalabas.

Naramdaman ni Glenn ang pagkulo ng tiyan niya. Sinilip niya ang kanyang relo. Alas syete na ng gabi at hanggang ngayon di pa sila nakakapaghapunan. Mas inatupag pa kasi ni Jaiden ang mga babaeng kapitbahay. Ang pagkain na dala niya ang tanging ulam nila dahil di sapat ang oras nila para makapagluto ulit. Wala din naman siyang choice kundi sundan ang tinakas na pagkain.

Dahil sa abala sa pagbabasa si Clyde, ilang minuto bago niya napansin ang pagkawala ng mga kapatid. Napakamot na lamang siya ng ulo at sinara ang libro. Tahimik na lumabas siya ng bahay at sinundan ang apat dala pa rin ang babasahin.

***

Madilim na ang paligid at ang ilaw lamang mula sa kalye ang nagpapaliwanag sa daan. Sinubukan pa rin nilang pumunta sa kapitbahay kahit pati ito ay pinapalibutan ng dilim.

"Akala siguro nila matatakot ulit nila tayo. Ha! Nice try pero hindi na mangyayari yun" sabi ni Sean at naglakad papalapit.

Unang kumatok si Jaiden pero walang sumagot. Bumukas ng kaunti ang pinto kaya dahan-dahan niyang tinulak ito. Isa-isa silang sumilip sa loob hanggang sa magkapatong-patong ang mga ulo nila.

"Wala atang tao ah" bulong ni Jaiden.

"Wag kang pauto kuya. Tinatakot na naman nila tayo" babala ni Blake.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Tanong ni Clyde.

Nabigla ang apat sa pagsalita niya dahil hindi nila napansin na ang pinakapanganay ay sumunod sa kanila.

Hindi na siyang nagawang sagutin ng mga kapatid dahil may biglang dumaan na babae na nakaputi na may mahabang buhok sa second floor ng bahay.

Biglang lumamig ang paligid kaya unti-unting tumayo ang mga balahibo nila. Hinimas ni Sean ang braso niya, "Magsilabas na kayo! Hindi niyo na kami matatakot! Hahaha." sigaw niya. Nagkunwari siyang matapang upang matakpan ang tunay na takot kahit sa isip niya na ito ay kalokohan lamang.

Agad na napagbigyan ang hiling ni Sean. Lumabas ang babaeng nakaputi. Laking gulat nalang nila nung nakita nilang hindi tumatapak ang mga paa niya sa sahig.

"L-Lumulutang siya..." Namanghang bulong ni Jaiden.

Pero biglang nawala ang babae nung bumukas ang ilaw.

"Sorry. Ang dilim kasi. Hindi ko mabasa ng maayos 'tong libro ko" seryosong sabi ni Clyde habang nakahawak sa switch ang isang kamay samantala ang isa naman ay nakahawak sa nakabuklat na libro.

"Hay naku naman. Ang epic fail! Tsk" naghihinayang na sabi nung isa sa mga kambal na nagtago sa ilalim ng mesa.

"Akala ko matatakot ulit natin sila" sabi pa nung isang kambal sa tabi at nagpout.

"Malapit na sana yun eh kung di lang sana binuksan ng four eyes na yan yung ilaw" sabay turo ng nakapink na headband kay Clyde. Pero hindi siya pinansin nito.

"Ate, labas ka na dyan!" tawag ng nakasandal na babae na may suot na nakabaliktad na cap sa pinakapanganay nila.

Lumabas ang dalaga mula sa second floor. "Grabe! Ang init! Bakit niyo pa ba kasi ako pinasuot ng makapal na damit na 'to" tukoy niya sa puting whole dress. Inayos niya ang kanyang buhok na halos matakpan na ang buo niyang mukha. Parang nagslow motion ang lahat nung oras na yun.

Biglang nabitawan ni Jaiden ang hawak-hawak na pagkain. "Wow!" walang malay niyang sabi.

Nung naayos na ng dilag ang sarili, binati niya ang mga bisita, "Hi! Welcome to our sisterhood! Ako nga pala si Krsytal" sabay ngiti nang ubod ng ganda.

---WAKAS---

FREE CRITICISM!

VOTE.COMMENT.SHARE

Follow me for updates^^

Ciao!

Ghost/Girl FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon